Engaged na ang former beauty queen na si Aya Abesamis sa Filipino-American model na si John Spainhour.
Idinaan ng celebrity couple ang kanilang announcement sa pamamagitan ng Instagram post nitong Huwebes, February 20, 2025.
Parehong U.S.-based ang dalawa na nagpu-pursue ng kanilang modeling careers doon.
“Life just got sparkly,” simpleng caption ni Aya sa kanyang post, kalakip ang carousel of photos nila ni John sa tila isang camping site kunsaan marahil nangyari ang proposal.
Kabilang dito ang larawan ni Aya suot ang kanyang engagement diamond ring.

Ni-repost naman ng ina ni Aya na si Desiree Verdadero, Miss Universe 1984 third runner-up, ang engagement photos ng anak at ni John.
Walang masyadong detalye tungkol sa romance nina Aya at John bago ang kanilang engagement.
Noong February 2021, tampok ang dalawa sa isang photoshoot para sa isang digital magazine.
Sa caption ng digital magazine ay binanggit ang tungkol sa kanilang “real-life chemistry,” na tila indikasyong matagal na rin silang magkarelasyon.
Read: John Spainhour enjoys being a model / actor than being a U.S. Marine sniper
BOTH MODELS AND TITLEHOLDERS
Si Aya ay sumunod sa yapak ng kanyang inang si Desiree bilang beauty queen.
Sumabak siya sa Binibining Pilipinas 2018, kung saan umabot siya hanggang Top 15.
Muli siyang sumali noong 2019, kung saan hinirang siya bilang first runner-up.
Itinalaga rin siya bilang Binibining Pilipinas Grand International 2019.
Read: Aya Abesamis replaces Samantha Lo as Bb. Pilipinas Grand International 2019
Subalit hindi sumabak si Aya sa Miss Grand International noong taong iyon dahil sa age limit.
Ang pumalit sa kanya ay si Samantha Bernardo, na hinirang na first runner-up sa Miss Grand International 2019.
Nasa U.S. ngayon si Aya at kabilang sa models ng Forbes Models.
Si John naman ay Filipino-American at dating U.S. Marine sniper.
Noong 2011 ay dumating siya sa Pilipinas at pinasok ang modeling. Nakilala siya bilang print at ramp model at naging endorser din.
Itinanghal siyang Century Tuna Superbods champion noong 2012.
Pinasok din niya ang pageantry at naging kinatawan ng Pilipinas sa Mister World noong 2014.
Sinubukan din niya ang pag-arte.
Kasalukuyan siyang modelo ng local modeling agency na Reco Modeling Agency.
Read: The kind of woman John Spainhour likes to date (must-read for girls who enjoy the outdoors)
