Mukhang tapos na nga ang hidwaan ng magkarelasyong sina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann.
Nagsasama na ulit sila sa kanilang tahanan sa Siargao matapos ang maingay na kontrobersiya na nilikha ng Instagram post ni Andi tungkol sa couple tattoo ni Philmar at ng matalik nitong kaibigang babae, ang Siargao-based Swedish marine photographer na si Pernilla Sjoö.
Naka-follow na rin muli sina Philmar at Andi sa Instagram account ng isa't isa.
Read: Derek Ramsay calls out Philmar and Andi; defends Pernilla


PHILMAR ALIPAYO SURPRISES ANDI EIGENMANN WITH FLOWER VEGGIES
Ngayong Araw ng mga Puso, February14, 2025, ibinahagi ni Philmar sa kanyang Instagram Story kung paano niya nabuo ang bouquet of vegetables and flowers para kay Andi.
Makikita rito na ang puntirya niya ay ang puso ng saging.
Binalot niya ito ng dahon ng saging at pinalamutian ng iba't ibang native na bulaklak.
Sabi ni Philmar sa video, "Pupuin naton ni pang-Valentine's. [Anihin natin ito pang-Valentine's]."

Matapos mabuo ang kanyang regalo, pumasok na ito sa kuwarto nila ni Andi kung saan nadatnan niya itong nagtutupi ng mga damit.
Reaksiyon ni Andi na kinikilig, "Wow."
Sabi ni Philmar, "Bahalag puso ng saging basta kinasingkasing. [Bahala na kung puso ng saging basta galing sa puso.]"
Biro naman ni Andi, "Guys, look. We have lunch."
Pagbati pa ng aktres sa fiancé, "Thanks, Mahal, happy Valentine's."
Makikita ring masaya ang mga anak nilang sina Lilo at Koa para sa ina.

SHORT-LIVED TAMPUHAN
Noong February 7, 2025, napansin ng mga Marites na hindi na naka-follow sa isa't isa sina Philmar at Andi sa Instagram.
Kasunod nito ang espekulasyong may problema sa pagsasama ng dalawa.
Kinumpirma naman ito ni Andi mismo dahil sa sunud-sunod niyang Instagram posts.
Read: Andi Eigenmann cryptic message after unfollowing Philmar Alipayo
Noong February 10, sa pamamagitan ng isang short Reel sa Facebook, sinabi ni Philmar na nagkaayos na sila ni Andi sa pribadong paraan.
Sabi niya (published as is): "It all went way to far and should have been handled in private [praying hands emoji]
"Ok na kami sanan ok ra kami [heart emoji]."
Read: Philmar Alipayo reconciles with Andi Eigenmann: “Ok na kami”
