PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Brosas wins court case against house contractor

K Brosas: "Today, justice prevailed. Thank you, Lord!"
by Arniel C. Serato
Published Feb 14, 2025
K Brosas wins court case
Singer K Brosas celebrates her victory against former house contractor who allegedly pocketed millions of pesos without honoring their contract and abandoned her house construction. In an Instagram post yesterday, February 13, 2025, the comedienne said, "Ilang taong paghihintay at pagpapasensya na may halong stress at anxiety, pero mabait ang Panginoon. Nanaig ang katotohanan."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Natapos na ang mahigit tatlong taong court case ni K Brosas laban sa dating house contractor na nang-abandona sa ipinapagawang bahay ng singer-comedienne.

Noong September 2021, sinabi ni K, "Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga."

Tinukoy niyang "mahigit-kumulang PHP7 milyon" ang halagang pinag-usapan.

Isinampa ni K ang kaso sa korte noong September 10, 2021.

Lumabas ang desisyon ng korte kahapon, February 13, 2025.

Read: K Brosas files complaint vs house contractor

K BROSAS: "Convicted (but not yet final), finally."

Sa Instagram kahapon, ibinahagi ni K ang pagtatapos ng aniya'y labang hindi nito kinatakutang harapin.

Itinuturing niya itong "one great Valentine's gift" para sa kanya at sa lahat ng mga "naloko."

Saad ni K: "Convicted (but not yet final), finally.

"Ilang taong paghihintay at pagpapasensya na may halong stress at anxiety, pero mabait ang Panginoon. Nanaig ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako matatakot at mapapagod ipaglaban kung ano ang tama.

"Today, justice prevailed. Thank you, Lord!

"Salamat Sales and Valderrama Law Office, lalo na kay Atty. Charlotte!

"Sa lahat ng mga nagdasal (kasama na rin ang mga hindi naniwala), mahal na mahal ko kayo.

"This is one great Valentine’s gift! Panalo ito ng lahat ng mga naloko! lablablab!!!!"

View this post on Instagram

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)

Read: K Brosas pursues case against contractor

THE CASE AGAINST HOUSE CONTRACTOR

Noong September 2021 ay ibinahagi ni K sa kanyang social media ang kalbaryo niya sa ipinapagawang bahay.

Lahad ni K (published as is): “Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit.

“Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.”

Batay sa kuwento ni K, lumalabas na hindi tinupad ng contractor ang kanilang pinag-usapan sa ipinapagawa niyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon..

“Inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay.

“Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap.”

Matinding epekto raw ang idinulot nito kay K na tanging malalapit na kaibigan niya ang nakakaalam.

Pagpapatuloy niya: “Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari.

“Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress..

“Masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko..”

Sa huli, nagdesisyon si K na idaan na ito sa legal na paraan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko.”

Pinasalamatan din ni K ang tatlong abogadong tutulong sa kanya kaugnay sa inihain niyang reklamo.

Aniya, “Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day."

K Brosas Instagram post about the case versus the old contractor
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, natapos din ang bahay ni K na iba nang contractor ang gumawa.

Read: K Brosas moves into new house

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer K Brosas celebrates her victory against former house contractor who allegedly pocketed millions of pesos without honoring their contract and abandoned her house construction. In an Instagram post yesterday, February 13, 2025, the comedienne said, "Ilang taong paghihintay at pagpapasensya na may halong stress at anxiety, pero mabait ang Panginoon. Nanaig ang katotohanan."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results