Bakas ang sigla sa mukha ni Jolina Magdangal nang ibahagi ang pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Marvin Agustin.
Patok ang loveteam nila noon sa mga pelikulang Flames: The Movie (1997) Labs Kita... Okey Ka Lang? (1998), Hey Babe! (1999).
Sila rin ang loveteam sa weekly youth-oriented series na Gimik (1996-1999) at romantic-drama series na Labs Ko Si Babe (1999-2000).
Aminado si Jolina na immature sila ni Marvin noong teenagers pa sila.
"Iniisip ko ngayon, pag nakikita ko yung kung paano kami mag-usap, kung ano yung feeling, 'Uy, ang petty natin dati, ha! Parang dati, grabe yung pinag-aawayan natin.'"
Malakas daw mang-asar si Marvin, at pumapatol naman si Jolina.
Ngayong 2025, matapos ang higit dalawang dekada, nabigyan sila ng oportunidad na magkatrabaho uli sa pelikulang Ex Ex Lovers.
Paano ang dynamics nila ngayon?
Sagot ni Jolina: "Mature na ngayon, pero alam mo yung pagka mature namin, kuwela pa rin.
Patol pa rin ako nang patol sa pang-aasar niya, at asar pa rin siya nang asar.
"Na hindi ko nga alam kung ba't nga ba ganun? E, alam ko na naman na yun.
Parang natural na sa amin na ganoon kami kakulit, kaasaran."
Natutuwang ikinuwento pa ni Jolina na mas lumalim ang pagkakaibigan nila ni Marvin ngayon. Pareho silang 46 years old.
"Iba yung friendship namin ni Marvin ngayon," saad ni Jolina.
"Iba na kami magkuwentuhan. Iba yung pagka-relax. Yung feeling ko nasa safe space ako.
"Alam ko na meron akong may po-protect na sakin dito. Parang ganun. And, nararamdaman ko rin, galing sa kanya, na nararamdaman niya na yun din ang gusto kong gawin sa kanya.
"Pag sinabi niyang secret, secret. Pag sinabi niyang, 'Tara na, pagtulungan natin ito,' game.
"Pag may umawi sa 'yo, aawayin ko."

Read: What did Marvin Agustin miss the most with Jolina Magdangal?
JOLINA MAGDANGAL ON WORKING AGAIN WITH MARVIN AGUSTIN
Nakita rin daw niya kay Marvin kung gaano ito ka-excited sa trabaho nila, lalo na nang mag-shoot sila sa Malta, isang isla sa Southern Europe.
"Nauna kasi siyang pumunta dun. Tapos, text siya nang text, 'Kailan pa ba kayo dating?
Tara na, punta na kayo dito. Tara na, lalakad na tayo.' 'Clingy mo, ha!' Yung ganon.
"Basta iba na ngayon. Good work ethics, iba. Attitude sa mga katrabaho, iba na rin.
Attitude sa isa't isa, bilang artista, iba."
Ang Ex Ex Lovers ay co-produced ng Project 8 Projects at Cornerstone Entertainment.
"At bilang, 'Alam natin yung nangyari sa script, ha, hands on tayo,' iba rin.
"So, marami kami ritong role na ginagawa. Pero, kahit saan pumunta yung role na yun, lagi kaming as one. Yun yung ikinagaan ng loob ko dito sa project namin na ito.
"Kasi nga, alam mo yung group chat namin, ang pangalan, 'Dream Project.'
"Kasi ayaw namin yung pag nag-comeback kayo basta nag-comeback lang, hindi.
"'Dream natin to, kasi dream ito ng mga nag-support sa atin, di ba? So, makiki-dream tayo, at sama-sama tayong tututunganin yung dream na yun, na mabalik yung movie.'
Mixed emotions daw ang naramdaman nina Jolina at Marvin habang ginagawa ang pelikula.
"May mga eksena dun, hindi namin sinusunod yung script. Tapos may biglang sabay kami magte-thank you sa isa't isa.
"Tapos, yung isang eksena, happy-happy, yun, e. Pagtingin namin, naiyak kami.
"Yung naiyak dahil ang saya mo lang na nakasama mo yung partner mo dati."
Sana raw ay pareho sa mga manonood ang impact ng proyekto nila.
"Pero iba talaga yung level ngayon.
"And, yun yung gusto namin iparamdam sa mga nanonood, na kasabay namin ganun ang maramdaman.
"At sa mga bago ngayon na I'm sure iba rin yung feeling nila ng kilig, and iba rin para sa kanila kapag ito yung napanood nila.
"Kasi, sa amin ni Marvin, ang important dun yung nostalgia and yung experience."
Sikat na sikat ang mga linya ni Jolina noon sa pelikula nila ni Marvin na, Labs Kita... Okey Ka Lang?
Gumanap silang mag-best friend, kunsaan ang karakter ni Jolina (Bujoy) ay nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Marvin (Ned).
Sa isang pivotal scene, umamin si Bujoy ng tunay niyang nararamdaman para kay Ned: "Oh yes kaibigan mo ako! Kaibigan mo lang ako. And that's all I ever was to you Ned, your best friend."
Sa Ex Ex Lovers, gumaganap naman silang ex-married couple na muling magkukrus ang landas sa wedding ng kanilang anak.

Read: Marvin Agustin nadiskubre ang pagiging selosa ni Jolina Magdangal
on making a LOVETEAM last
Naniniwala si Jolina na hindi mawawala sa uso ang loveteam kahit sa mga bagong henerasyon.
"Kasi, lahat naman talaga tayo na-in love.
"Tapos, pag nanonood tayo ng foreign or local movie, gusto natin yung merong pagmamahal, di ba?
"Tapos parang kinikilig-kilig. Gusto natin yung feeling na yun."
Ano ang payo niya sa young stars na may ka-loveteam?
"Sa akin, dun sa mga bagong loveteam, kung nasa start pa lang, or nasa gitna na nagkakaroon ng 'Nakakairita!' or minsan nagkaka-in-love-ankahit ano pa yung maging biyahe nila, dapat yung respeto huwag mawawala.
"And I think, yun yung mapagmamalaki namin ni Marvi sa isa't isa.
"Na, kahit na, oo, yung buong Hey Babe! na movie, ginawa namin yun nang nag-aaway kami.
"Pero nakita niyo ba? Hindi, di ba?
"At saka, hindi tumagal nang dahil nag-aaway kayo, hindi.
"Pag sinabing, 'O, take na.' Hala, parang, 'Di ba, magkaaway tayo?' Parang bakit kinikilig ako? May mga gano'n. So, nandun yung respeto."
Read: Netizens clamor for Jolina Magdangal-Marvin Agustin reunion
PROUD OF MARVIN
Proud si Jolina sa kung anong narating ni Marvin sa buhay.
"Parang andun yung pagkabilib ko pa rin sa kanya. Sa abilidad niya sa buhay, yung mga business niya, napa-proud ako sa kanya dun.
"At napa-proud ako na hindi pa rin siya nagbabago ng pag-uugali hanggang ngayon, mula noon—na yung iba nagbago na.
"Pero siya, kung ano yung Marvin na nakilala ko...
"Pero pag makita mo yung kausap niya niya yung mga business partners niya? Wow! Dumugo na yung ilong ko, ah!
"Pero, pag nagtsitsikahan kami, talagang kung paano pa rin yung dati.
"Yun yung mapapagmalaki ko sa kanya, at napa-proud ako."
Kahit bago pa raw sila nagkatrabaho ay hindi raw nawala ang komunikasyon nila.
"Minsan magta-text siya. Pag nagpa-post ako na nag-graduate yung anak ko, yung ganon.
"So, yung respeto. Kasi, pag yun ang nawala, wag mo na ituloy yung loveteam.
Dahil hindi yan team. Definitely, hindi na nga team, hindi pa yan love.
"So, hindi lahat madadaan ang napakagaling mo artista, hindi.
"Kasi, may something diyan, na baka kaya hindi kinakagat yun, may nararamdaman na hindi...
"So, kung wala yung respect, wag na lang. Yun lang yung pinaka-magic para sa akin."