PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maxene Magalona, rumored BF Geoff Gonzalez cozy in latest pics

Maxene Magalona: "Choosing love over fear."
by Arniel C. Serato
Published Feb 6, 2025
Maxene Magalona, rumored boyfriend Geoff Gonzalez latest sightings
Actress Maxene Magalona and DJ Geoff Gonzalez have yet to confirm their relationship to the public but their latest photos on social media seem to answer everybody's question.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tila pag-amin na lamang sa publiko ang kulang para sa aktres na si Maxene Magalona at ng disc jockey na si Geoff Gonzalez.

Sa Instagram ngayong Huwebes, February 6, 2025, nag-upload si Maxene ng mga larawan nila ni Geoff.

Kuha ito sa isang pre-Valentine dinner ng isang brand.

Bahagi ng caption ni Maxene, "Choosing love over fear [heart emoji]"

Noong February 2, nakasama rin si Geoff sa isang family gathering nina Maxene.

Makikita sa larawan ang ina ni Maxene na si Pia Magalona at mga kapatid niya.

Caption ni Maxene, "Kapayapaan, ito ang gusto ko"

Sa Instagram naman ni Geoff, nag-upload siya kahapon, February 5, ng mga larawan nila ni Maxene na kuha pa rin sa event na dinaluhan nila.

Mapapansing ang unang larawan sa carousel ay si Maxene na may hawak ng bouquet of flowers.

Maxene Magalona with bouquet of flowers
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maxene Magalona spotted HHWW with rumored new boyfriend in Greenhills

MAXENE MAGALONA, GEOFF GONZALEZ: INSTAGRAM OFFICIAL?

Pinaniniwalang naging Instagram official sina Maxene at Geoff noong April 2024.

Napansin noon ng ilang netizens na halos magkapareho ang kanilang posts sa Instagram.

Unang nag-post si Geoff ng Instagram Reel ng videos nila ni Maxene na kuha nang pumunta sila ng Siargao para sa kasal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Read: Angelica Panganiban, Gregg Homan wed anew in Siargao

Sa post ni Geoff noong April 22, 2024, makikitang nagyo-yoga sila.

Caption niya, "Starting the week with a grateful mind, body and spirit."

Naka-tag sa post niya ang aktres.

Sa Instagram post naman ni Maxene noong April 23, makikitang sila habang nagmomotorsiklo, nagyo-yoga, at nag-e-enjoy sa beach.

Caption ng aktres, "Thank you @experiencesunlight for letting us experience Siargao for the first time"

Read: Did Maxene Magalona confirm relationship with Geoff Gonzalez?

OTHER SIGHTINGS

May ilang sightings din sina Maxene at si Geoff noong taong 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa na rito ang isang TikTok video noong May 7, 2023.

Sa video, makikita si Maxene at ang diumano'y bago niyang karelasyon na magka-holding-hands-while-walking (HHWW) sa isang mall sa Greenhills, San Juan.

Nakasuot ng black shirt at brown pants ang lalaki, at kitang-kita ang mukha nito habang mahigpit niyang hawak ang kamay ni Maxene.

Ayon sa uploader, hindi niya sinasadyang makuha ang eksenang HHWW ni Maxene at ng kasama nito, dahil nagpo-promote lamang daw siya ng tindang cell phone nang mapadaan ang dalawa sa kanyang estante.

Isa pang TikTok video ang lumutang na kuha naman noong March 11, 2023, kung saan spotted din si Maxene kasama ang parehong lalaki na naglalakad sa Greenhills matapos nila umanong bumili ng cell phone.

Nakasuot ng black and white stripe crop top shirt ang aktres, habang naka-brown long sleeve at black short naman ang kaakbayan niyang lalaki.

Ayon sa comments section ng nasabing TikTok post, isang DJ sa hindi tinukoy na bar ang lalaking nagngangalan umanong "Geoff Gonzalez."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod pa sa mga ito, kasama rin ni Maxene ang bago niya umanong nobyo nang magbakasyon siya sa El Nido, Palawan, bago pa ang March 11.

Nagpa-picture ang isang fan habang ang aktres ay nasa big lagoon sakay ng kayak, nasa likod niya ang lalaking may hawak na sagwan. Hinihinalang si Geoff iyon.

Read: Maxene Magalona spotted HHWW with rumored new boyfriend in Greenhills

MAXENE MAGALONA ON BEING SINGLE AFTER FAILED MARRIAGE

Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay si Maxene at ang dati niyang asawa na si Rob Mananquil.

Read: Maxene Magalona confirms she’s now single months after rumored split from husband Rob Mananquil

January 2022 pumutok ang balitang hiwalay na sila matapos i-unfollow ni Maxene si Rob sa Instagram — bagay na kinumpirma ng aktres nang inanunsiyo niyang "single" siya noong October 14, 2022.

Read: Maxene Magalona unfollows husband Rob Mananquil on Instagram; goes solo in Boracay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humigit-kumulang apat na taong nagsama sina Maxene at Rob bilang mag-asawa.

Read: Maxene Magalona reflects on healing journey; cheers on fellow "self-healers"

Dalawang beses ikinasal sina Maxene at Rob.

Una, sa isang intimate church wedding sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, noong January 8, 2018.

Pangalawa, sa isang beach wedding sa Boracay noong January 11, 2018.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Maxene Magalona and DJ Geoff Gonzalez have yet to confirm their relationship to the public but their latest photos on social media seem to answer everybody's question.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results