PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Madrid owes longevity in showbiz to pito-pito movies

Gerald Madrid admits he was already a young dad when he entered showbiz.
by Ruel J. Mendoza
Published Feb 3, 2025
gerald madrid pito-pito movies
Gerald Madrid, who started his showbiz career starring in pito-pito movies and shifting to sexy image, is now one of the most reliable character actors in the entertainment industry. Gerald says he owes his staying power in showbiz to his pito-pito movies.
PHOTO/S: File / Gerald Madrid Facebook

Utang na loob daw ng aktor na si Gerald Madrid kung ano ang narating niya sa showbiz ngayon sa mga ginawa niyang "pito-pito" movies noong late '90s sa bakuran ng Regal Films.

Isa si Gerald sa masasabing "survivor" ng pito-pito era sa showbiz noon.

Aktibo pa rin si Gerald sa paggawa ng mga teleserye sa GMA-7, ABS-CBN, at TV5.

Ang ibang nakasabayan niya ay hindi na aktibo o paminsan-minsan na lang lumalabas.

"Pito-pito" ang tawag sa low-budget films na natatapos sa loob lamang ng isang linggo.

Pagpasok ng year 2000, tinawag ang pito-pito movies na indie o independent films.

Read: Mother Lily Monteverde: A lookback at the Regal matriarch's legacy

GERALD MADRID's first movie

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal) kay Gerald, sa pamamagitan ng Facebook Messenger, binalikan namin kung paano siya nagsimula sa paggawa ng pito-pito movies at kung ano ang mga natutunan niya sa kanyang pagiging aktor for 27 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nadiskubre si Gerald ng line producer na si Jun Villaroman noong 1998.

Pagkadala raw sa kanya sa Regal Films, ipinakilala siya kay Direk Joey Gosiengfiao na naging isa sa mga managers niya.

"Pinag-acting workshop nila ako agad. Dun na nagsimula ang pagiging aartista ko. Gano'n kabilis 'yung mga pangyayari noon," pag-alala ni Gerald.

Pinakaunang pelikula na ginawa ni Gerald ay ang drama na Sana Pag-ibig Na ni Direk Jeffrey Jeturian under Good Harvest Films, na sister company ng Regal Films.

Ginampanan ni Gerald sa movie ay ang role na Mike, isang teenager na umibig sa kabit ng kanyang yumaong ama.

Nakasama niya rito sina Angel Aquino, Chinggoy Alonzo, Vangie Labalan, Pinky Amador, at ang award-winning veteran actress na si Ms. Nida Blanca.

sana pag-ibig na
Vangie Labalana (partly hidden), Nida Blanca, and Gerald Madrid in a dramatic scene from Sana Pag-ibig Na
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Gerald: "First project ko yung Sana Pag-ibig Na in 1999. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong path ko noon.

“Wala akong ka-loveteam. Gusto kasi ni Direk Joey na puwede akong ilagay sa kahit na anong project."

Para sa kanyang pagganap sa Sana Pag-ibig Na, na-nominate agad si Gerald for best actor sa Gawad Urian.

Read: VIRAL: Gerald Madrid's "aray" to Lotlot de Leon's slap in 2019 show resounds until today

GERALD MADRID'S PIO-PITO MOVIES

Pagkatapos nito ay nagsunud-sunod ang pito-pito movies na ginawa ni Gerald.

Kabilang dito ang Tatlong Makasalanan (1999) at Seventeen... So Kaka! (1999) na idinirek ni Johnny Cruz; Batang Pro (1999) ni Lito Casaje; Burger Boys (1999) ni Lav Diaz; at Pedrong Palad (2000) ni Nick Deocampo.

gerald madrid pito-pito movies
Gerald Madrid in (L-R) Batang Pro, Burger Boys, and Pedrong Palad
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagtiwala lang ako kay Direk Joey at kay Tito Jun. Importante sa akin noon ay magtuluy-tuloy lang mga projects na ginagawa ko.

"Basta ang mindset ko noon ay kailangan ko galingan sa bawat project para laging masundan.

"Okey naman yung mga ginawa ko kasi nakatrabaho ko ang mga tulad nila Direk Lito, Direk Lav, at Direk Nick.

"Na-experience ko yung style ng paggawa nila ng pelikula."

FROM DRAMATIC ACTOR TO SEXY ACTOR

Nagpaiba-iba rin daw ng image si Gerald. Mula sa pagiging wholesome dramatic actor ay bigla siya nagkaroon ng sexy image.

gerald madrid sey image
Gerald Madrid in his sexy-image era
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng aktor: "Siguro kung hindi ako pumayag sa sexy image noon, baka hindi naman ako napansin.

"Sa dami ng mga artista noong mga panahon na yon, ang mga kasabayan ko pa ay mga artista ng mga TV networks. May mga pelikula sila sa malalaking studios.

"Matindi ang competition at need mo talagang mapansin.

"Kaya kahit na galing ako sa conservative na pamilya, kailangan sumunod ako sa mga nauso noon na pagpapa-sexy.

“Ganun katindi ang competition noon, lalo sa tulad ko noon na baguhan."

Read: Alma Moreno says politics has nothing to do with her breakup with Gerald Madrid

INDECENT PROPOSALS

Dahil sa sexy image ni Gerald, inamin nitong sunud-sunod din ang indecent proposals na kanyang natatanggap.

"Marami sila. Di naman siguro mawawala yun lalo na noong nagpa-sexy tayo.

"May nag-offer ng bahay. May nag-offer ng kotse. Pero siyempre, alam ko na may kapalit lahat yun.

"Wala akong tinanggap."

Paliwanag niya, "Paano ko mae-explain sa parents ko kung bigla akong magkakaron ng bagong bahay at kotse, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, politely akong nag-decline sa offers nila.

"Di naman yata mawawala yun sa artistang lalaki na nakakatanggap ng indecent proposal.

"Pero kung ang stand mo is friendship lang, hanggang doon lang. In fairness, nirerespeto nila yun at hindi na humahantong sa ibang level."

GERALD MADRID'S SECRET

Kung may sikreto raw si Gerald noon, ito ay ang pagkakaroon niya ng anak noong nagsimula siya sa showbiz.

Kinailangan daw niyang itago iyon sa ngalan ng kanyang showbiz career.

"Totoo po yon," pakli ng aktor.

"Nagsisimula pa lang kasi ako, may lumabas na agad na tsismis na may anak na ako.

"Nung una, nag-deny ako. Hindi raw nakakatulong sa akin kung aaminin ko. E, nagsisimula pa lang ako.

"Pero inamin ko din naman. Kasi nahirapan na rin akong tinatago yung katotohanan.

"Panay iyon kasi ang tanong sa akin kapag may mga press conference. Kaya inamin ko na lang.

"Nakatulong iyon na mabawasan ang bigat sa nararamdaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At sa lahat naman ng nagawa kong mali or tama before, wala na akong pinagsisihan.

"Ang importante ay nag-mature ka at may natutuhan ka sa lahat ng mga pinagdaanan mo."

FROM SMALL / INDIE FILMS TO BIG-BUDGET MOVIES AND TELESERYES

Nakawala rin si Gerald sa kanyang sexy image si Gerald noong magkaroon siya ng offers na lumabas sa big-budgeted films tulad ng Kailangan Kita (2002), Till There Was You (2003), Bcuz of U (2004), A Love Story (2007), Nandito AKo... Umiibig Sa 'Yo (2009), at The Road (2011).

Ayon kay Gerald, "Sa panahon na rin siguro at sa mga projects na nakukuha ko. Siguro nakita nilang kaya ko palang umarte ng iba't ibang roles.

"Kaya super thankful ako sa mga tao na nagtiwala sa akin. Unti-unti ay nakawala ako sa sexy image ko dati."

Tumawid din si Gerald sa paglabas sa mga teleserye tulad ng Spirits (2005), Calla Lily (2006), Beauty Queen (2010), Nasaan Ka, Elisa? (2011), e-Boy (2012), Growing Up (2011), Aryana (2012), Cielo de Angelina (2012), Ang Probinsyano (2016), Kambal Karibal (2017), The Stepdaughters (2018), The Cure (2018), The Gift (2019), High Street (2024), Black Rider (2024), at Ang Himala ni Niño (2025).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
gerald madrid jean garia the gift
Gerald Madrid and Jean Garcia in The Gift
Photo/s: GMA Network

GERALD ON GOING BACK TO COLLEGE

Noong 2018, sinubukan ni Gerald na bumalik sa pag-aaral at nagawa niyang makatapos sa kursong Custom Administration sa Emilio Aguinaldo College sa Maynila.

gerald madrid graduation
Gerald Madrid graduates Custom Administration from Emilio Aguinaldo College
Photo/s: Gerald Madrid Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng aktor: "Siguro ang suwerte ko lang na isa ako sa mga pito-pito actors na nakalipat or nakakagawa na ng malalaking film project at mga teleserye.

"Tumanda na rin ako sa trabahong ito at ang importante sa akin, may work.

"Walang small role or big roles sa akin. Yan ang motto ko sa trabaho natin at kailangan ay visible ka para hindi ka malimutan.

"Suwerte din ako at minahal ako ng industriya, kaya hindi tayo nawawalan ng trabaho kahit paano."

GERALD AS A FAMILY MAN

At kahit busy sa showvbiz, hindi nakakalimutan ni Gerald na magkaroon ng quality time sa kanyang pamilya.

"Mabait akong asawa. Tapos na tayo sa naging kalokohan stage noon," deklarasyon niya.

"I am not a perfect father, pero mabait akong tatay sa mga anak ko.

"I support my kids, but I also discipline them kahit mahirap magdisiplina sa panahong ito.

"At importante sa lahat ay tinuruan ko silang magkaroon ng takot sa Diyos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So far, wala pa raw siyang nakikita sa mga anak niyang gustong sundan ang yapak niya sa showbiz.

"Sa ngayon, parang wala pa. Pero kung meron, ikatutuwa ko yun.

"Na parang, 'Wow, may sumunod sa yapak ko!'

"Magiging proud ako kung sino man sa kanila ang gustong maging aktor balang-araw."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Madrid, who started his showbiz career starring in pito-pito movies and shifting to sexy image, is now one of the most reliable character actors in the entertainment industry. Gerald says he owes his staying power in showbiz to his pito-pito movies.
PHOTO/S: File / Gerald Madrid Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results