Humingi ng paumahin ang Kapamilya singer-actress na si Zsa Zsa Padilla sa Kapuso actor na si Miguel Tanfelix dahil sa hindi nito agad pagre-reply sa X (dating Twitter).
Noong January 16, 2025, nang mag-tweet si Zsa Zsa para sabihin sa kanyang mga tagahanga na natapos na niyang panoorin ang ABS-CBN primetime series na Lavender Fields, kaya't naghahanap na siya ng bagong kakahumalingang panoorin.
Read: Kumusta ang finale episodes ng Widows' War at Lavender Fields?
Mababasa sa tweet ni Zsa Zsa (published as is), "Natapos ko na din ang teleseryeng, Lavender Fields. Ano kaya next na kakahumalingan?"
Sa comments section ng post ni Zsa Zsa ay nag-reply si Miguel.
Nirekomenda ni Miguel ang ongoing niyang TV series sa GMA-7, ang Mga Batang Riles.
Ani Miguel (published as is), "hello ms zsa zsa! try nyo po silipin yung Mga Batang Riles. hehe salamat po."

Ang reply na ito ni Miguel ay hindi agad napansin at nareplayan ni Zsa Zsa.
January 26, muling nag-tweet ang Kapamilya singer para ipaalam muli sa kanyang fans na may nakita na siyang bagong kakahumalingang serye, ito ang Incognito.
Ang Incognito ay pinagbibidahan nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.
Read: Richard Gutierrez shrugs off "cheaters" label on Incognito cast
Saad ni Zsa Zsa, "Started INCOGNITO. Ang ganda!!! Galing ng action scenes. Congrats, Direk @LesterPimentel at sa fight team mo! Sa mga hindi nakakaalam, si Direk Lester ang fight director ko sa ZZ Zaturnah."

NETIZENS' REACTION
Maraming netizens ang nakapansin na hindi pa sumagot si Zsa Zsa sa naunang rekomendasyon ni Miguel.
Ang Mga Batang Riles ay katapat ng Incognito, ang bagong serye ng ABS-CBN, na home network naman ni Zsa Zsa.
Kaya may supporters si Miguel na nagpaalala kay Zsa Zsa.
Reply ng isang netizen (published as is), "Mima di ka po nanood ng Batang Riles? Silipin mo daw po pls."
Saad pa ng isang fan ni Miguel (published as is), "madam @zsazsapadilla hope ma notice nyo po si @MiguelTanfelix_"
Pagsusumamo pa ng isa kay Zsa Zsa (published as is), "Pagbigyan nyo na po panoorin kawawa naman."
May ibang netizens din ang bumilib sa ginawang pagrerekomenda ni Miguel.
Sabi ng isang netizen, "I admire your humility @MiguelTanfelix_. You just earned my respect. I am an Incognito viewer but because of this, I will give Mga Batang Riles a chance."
"Nag provide lang naman si Miguel ng option since Ms ZsaZsa is asking.
"Hindi naman pinipilit si Ms Zsazsa. Magalang naman ang pagkakasabi wala naman pilitan," dagdag pa ng isa.
May fans din si Miguel na nag-alala na baka gawing isyu pa ng iba na inii-snub ni Zsa Zsa ang Kapuso actor.
Nagparinig kasi ang iba na tila di pinapansin ni Zsa Zsa ang mensahe ni Miguel.
ZSA ZSA RESPONDS TO MIGUEL'S RECOMMEDATION
Dahil marahil sa dumaraming comment sa post ni Zsa Zsa, sa wakas ay napansin na niya ang rekomendasyong ibinigay sa kanya ni Miguel.
Noong January 29, o 12 days mula nang mag-tweet si Miguel, nang nag-reply si Zsa Zsa.
Humingi si Zsa Zsa ng pasensya sa binata.
Nangako rin ang Kapamilya singer na ihahanay niya ang Mga Batang Riles sa mga susunod niyang papanoorin.
Read: Ratings: Lolong vs Batang Quiapo; Mga Batang Riles vs Incognito
Ani Zsa Zsa kay Miguel, "Thanks for the reco! Will watch it next! My apologies, did not see your message earlier."

Ang Mga Batang Riles ay pinagbibidahan ni Miguel, kasama sina Kokoy de Santos, Zephanie Dimaranan, Jay Manalo, Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Desiree del Valle, Antonio Vinzon, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at marami pang iba.
Read: Antonio Vinzon bags lead role in GMA-7’s Mga Batang Riles
