Malaki ang naging bahagi ng Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero sa showbiz career ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Kung kaya't ganoon na lamang ang lungkot at pangungulila ni Vilma sa pagkamatay ni Gloria.
Sumakabilang buhay ang beteranang aktres, sa edad na 91, noong Sabado, January 25, 2025.
Read: Legendary actress Gloria Romero dies at 91
VILMA SHARES FONDEST MEMORIES WITH GLORIA
Nagtungo si Vilma sa ikalawang araw ng burol ni Gloria sa Hall A ng Arlington Memorial Chapel, sa Araneta Avenue, Quezon City.
Read: Gloria Romero nagdiwang ng ika-90 na kaarawan
Sa panayam niya sa ilang entertainment press, ibinahagi ni Vilma ang ilang hindi malilimutang alaala niya kasama ang Queen of Philippine Cinema.
Ayon kay Vilma, malapit sa puso niya si Gloria dahil noong nagsisimula pa lamang siya bilang child actress ay nakasama na niya ang beteranang aktres sa ilang pelikula.
Lahad ni Vilma: "Si Tito Glo is napakalapit sa puso ko.
"Marami kaming pelikula na ginawa together. In fact, yung nine years old ako, sa dalawa kong pelikula, kasama ko na si Tita Glo.
"Kasama ko si Tita Glo dalaga ako, nag-asawa ako. At kahit noong nagkaanak ako, kasama ko si Tita Glo.
"Yung mga Darna ko, kasama ko rin si Tita Glo."
Nine years old lamang daw si Vilma nang una niyang makasama sa pelikula si Gloria.
Ito ay ang Anak, Ang Iyong Ina! (1963), na follow-up movie ni Vilma pagkatapos ng kanyang first movie na Trudis Liit (1963).

Gumanap din si Vilma na anak ni Gloria sa dalawang pelikula tungkol sa buhay ni dating President Ferdinand E. Marcos — Iginuhit ng Tadhana: The Ferdinand E. Marcos Story (1965) at Pinagbuklod ng Langit (1969).
Si Gloria ang gumanap na Imelda Marcos, at si Vilma naman ang gumanap na Imee Marcos.


Sabi pa ni Vilma, "Marami, marami [kaming pinagsamahan], kahit yung mga Darna ko.
"I think, if I'm not mistaken, we made twelve movies together or more."

Ilan pa sa mga pinagsamahang pelikula nina Vilma at Gloria ay Lipad, Darna, Lipad! (1973); Anak ng Asuwang (1973); Karugtong ang Kahapon (1975); Makahiya at Talahib (1976); Gaano Kadalas ang Minsan? (1982); Saan Nagtatago ang Pag-ibig? (1987); at Kapag Langit ang Humatol (1990).

Read: Lorna Tolentino, inalala ang huling pagbisita kay Gloria Romero
Dahil sa nabuo nilang pagkakaibigan sa mga pinagsamahan nilang pelikula, hindi raw nakakalimot si Gloria sa mga espesyal na araw sa buhay ni Vilma.
Sa katunayan, hindi raw nito nakakaligtaang batiin si Vilma sa tuwing sumasapit ang kaarawan nito.
Saad ni Vilma: "Si Tito Glo yung tao na tuwing birthday, e, hindi nakakalimot. Kapag nananalo ako ng awards, hindi nakakalimot.
"Tuwing birthday ko, hindi niya nakakalimutan. Sinasabi niya, 'Hija, Happy Birthday.'
"Kasi nga ka-birthday ko si Maritess, pareho kaming November 3. So, lagi niya akong binabati."
Ang "Maritess" na tinutukoy ni Vilma ay ang nag-iisang anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez.
VILMA DESCRIBES GLORIA AS A "QUEEN"
Ayon kay Vilma, ang bansag kay Gloria na Queen of Philippine Cinema ay hindi nalalayo sa tunay nitong katauhan bilang isang ina, kaibigan, at katrabaho.
Paglalarawan ni Vilma, tunay na "queen" si Gloria dahil sa taglay nitong talento, pagiging matatag, at mabuting tao.
Sabi ni Vilma: "Si Tita Glo is one perfect example ng queen, ayan ang queen.
"I mean, the way she speaks, paano nagdala ng buhay niya, may challenges pero naging matibay siya.
"Pinatunayan niya na reyna siya. Kapag pinag-usapan si Tita Glo, siya yung queen. Queen talaga."
Read: Anjo Yllana, inalala si Gloria Romero bilang "Inay Minerva"
GLORIA ROMERO'S DEATH
Hapon ng January 25, nang kumpirmahin ng nag-iisang anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez ang malungkot na balitang pumanaw na ang beteranang aktres.

Nakasaad dito: “TO OUR DEAREST FAMILY, RELATIVES AND FRIENDS:
"It is with great sadness to announce the passing of my beloved Mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero who peacefully joined our Creator earlier today January 25, 2025.
“For those who want to visit the wake of Mama, it will be held in Arlington Memorial Chapel, Hall A, Araneta Avenue, Quezon City.
“In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we've received. She will surely be missed dearly.”
Read: Gloria Romero shows no signs of slowing down: “Imbes na mabawasan ang trabaho ko, mas dumami pa.”
