Hello mga Kapamilya at Kapuso!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasanib-puwersa ang dalawang bigating network sa bansa, ang ABS-CBN at GMA-7, para sa Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother (PBB).
Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Kapamilya reality show.
Sa 24 Oras ngayong Lunes, January 27, 2025, opisyal na inanunsiyo ni Kuya o Big Brother ang nakatakdang pagsasama-sama ng ABS-CBN Star Magic talents at GMA Sparkle artists sa kanyang bahay.
Read: Pinoy Big Brother and its memorable real-life drama
Ang edisyong ito ay tatawaging "Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab."

Bukod sa pagsasama ng Kapamilya at Kapuso stars, nakatakda ring ipalabas ang PBB sa GMA-7.
Ito ang unang pagkakataong maieere ang popular reality show sa Kapuso Network, magmula nang ipalabas ang unang season ng PBB sa ABS-CBN noong August 2005.
ABS-CBN'S STATEMENT
Kasabay ng pag-anunsiyo sa 24 Oras ay ang paglalabas din ng pahayag ng ABS-CBN.
Sa kanilang social media accounts, masayang inanunsiyo ng ABS-CBN ang bagong kolaborasyon nila sa GMA-7.
Mababasa sa statement: "Pinoy Big Brother marks its 20th anniversary with an exciting milestone as GMA Network and ABS-CBN collaborate for its newest season, 'PBB Celebrity Edition Collab.'
"For the first time, PBB opens the doors of the iconic Bahay ni Kuya to welcome GMA Sparkle artists, alongside ABS-CBN's Star Magic talents.
"Together, Kapuso and Kapamilya stars will collaborate and create unforgettable moments inside the PBB house.
"Maraming salamat, Kapuso and Kapamilya."

Hindi ito ang unang beses na magsasanib-puwersa ang ABS-CBN at GMA-7 sa pagbibigay ng dekalidad na programa sa televiewers.
Read: GMA-7, ABS-CBN CEOs celebrate historic partnership
Unang nagkasundong mag-collab ang dalawang networks noong 2023 para sa teleseryeng Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap, at Gabbi Garcia.
Read: Kapamilya, Kapuso stars unite at 'Unbreak My Heart' special screening
Dahil sa maganda nilang samahan, muli itong nasundan nang pagkasunduan nilang iere rin sa GMA-7 ang Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Read: Vice Ganda calls airing of It's Showtime on GMA-7 "historic, iconic, mothering"
Noong April 6, 2024 unang umere sa Kapuso Network ang It's Showtime.
Read: It's Showtime "will continue to air in GMA in 2025"
Ang It’s Showtime ang pumalit sa binakanteng timeslot ng Tahanang Pinakamasaya, ang isinarang noontime variety show ng TAPE, Inc.
