Unbothered si Sanya Lopez, 28, kapag natatanong tungkol sa kanyang love life.
Matagal na panahon na raw single ang Kapuso star, at hindi naghahanap ng magiging boyfriend sa ngayon.
“Wala talaga!” natatawang sagot ni Sanya.
Read: Sanya Lopez, may pinagdaraanang problema sa pamilya?
Nakapanayam si Sanya sa birthday celebration ng skin and beauty skin expert na si Cathy Valencia sa Manila Polo Club, sa Makati City, noong November 2024.
Pagpapatuloy ni Sanya, “Hindi, kasi, paano ba? Hindi ko naman siya hinahanap, e. Kasi, kusa siyang dumarating.
"The more na hinahanap ko siya, the more na hindi siguro siya meant. Hindi ako naghahanap talaga. Kusa na lang siyang darating."
Ayaw sabihin ni Sanya kung kailan at sino ang kanyang huling boyfriend.
“Matagal na,” paiwas na sabi ni Sanya.
Idiniin ng Kapuso actress na hindi niya prayoridad ang pakikipagrelasyon.
"I mean, ako lang naman yun. Sarili ko naman desisyon.
"Pero yung kumbaga, yung manggagaya sa akin, e, di good luck sa inyo. Pero yung hindi gagaya sa akin, well, okay lang din. I support you.
"Kasi meron ding mga tao na happy sila kapag meron silang love life. Iba rin yung nagbibigay inspirasyon sa yo every day, yung ganoon."
Humirit si Sanya na sarili lang niya ang kanyang inspirasyon.
Sabay seryosong sabi rin niya, "Siguro yung mga work, yung mga blessing na dumadating sa atin."
Hindi raw para ipilit niyang magkanobyo kung hindi pa siya handa.
"Sa totoo lang po, ang hirap isingit ng mga bagay na yan.
"Pero kung dumating naman siya, ayoko kasi nung nagiging ano siya, like, an obligation na when it comes to relationship.
"I wanted na parang sobrang smooth lang ng lahat. Pag ganoon, feeling ko baka siya na.
"Kasi pag feeling mo may struggles, baka hindi pa siya."
Read: Marc Nelson speaks up about testifying against Maggie Wilson
SANYA LOPEZ'S IDEAL GUY
May ideal guy ba siya?
Sagot ni Sanya, "Gusto ko lang ng mabait. May special treatment, ganoon lang lagi.
"Siyempre, yung love ako. Provider.
"Ang dami. Baka padami ‘to nang padami pagkaano, pero ganoon. I mean, hindi ako naghahanap."
Ipinaliwanag din ni Sanya na siya ay dating for marriage at hindi basta laro lang.
"Nandoon ako sa husband-material na agad.
"Kasi hindi naman ako naghahanap ng partner for fun lang. Parang naghahanap na ako ng partner.
"Hindi man ako dumating sa sitwasyon na kailangan ko ng maraming karelasyon...
"Feeling ko ready na ako. So, kung sino man yun, I hope ready din siya, parang ganoon.
"Or kung napre-pressure siya, bahala ka. Hahaha! Pero yun.
"Ang relationship daw kasi hindi na masyadong seryoso, di ba, sa iba? Parang nagiging laro na lang siya, for fun na lang.
"So, I hope makahanap pa rin ako ng taong ganoon. Kung meron pa."
Read: Is this Precious Larra Su's countermove to Philip Laude's suit?
SANYA LOPEZ GOALS FOR 2024
Ngayong taon, ang gustong mangyari ni Sanya ay magkaroon ng sariling negosyo.
"Oo, pero ayaw ko muna magsabi tungkol diyan. Kasi, di ba, hindi naman ako palasalita lalo na kapag hindi pa natutuloy.
"Gusto ko naka-ready na siya. Pag nandiyan na saka ko na lang sasabihin.”
Mag-isa lang si Sanya na dumating sa birthday ni Cathy Valencia noong Nobyembre. Isa siya sa celebrity endorsers ng beauty clinic mula 2020.
Sabi niya tungkol sa pagiging loyal sa brand, "Kasi importante yun kung sino yung mga unang nagtiwala sa yo.
"As long as gusto ka pa nila, nandito lang ako para sa kanila."
