Matiyagang inabangan ng media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang pagtatagpo sa korte ng veteran comedian-TV host na si Vic Sotto at ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap.
Nagkaharap ang dalawa sa sala ni Judge Liezela Aquiatan ng Branch 205 ng Muntinlupa Regional Trial Court, sa Tunasan, Muntinlupa City, nitong Biyernes ng umaga, Enero 17, 2025.
Ito ay kaugnay ng writ of habeas data petition na inihain ni Vic laban kay Darryl dahil sa teaser ng kontrobersiyal na pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
Ganunpaman, hirap na hirap ang media na makakuha ng panayam at pahayag mula sa dalawa dahil sa gag order ng korte.
Read: Vic Sotto’s writ of habeas data petition granted by court
VIC SOTTO, DARRYL YAP ARRIVE IN LEXUS LM 350h
Habang naghihintay matapo ang hearing, napag-usapan ng ilang reporters ang tungkol sa mga dalang sasakyan nina Vic at Darryl.
Pareho kasing SUV na Lexus LM 350h ang sinakyan nila papunta sa korte.
Kulay black ang kay Vic...

Vic Sotto's black Lexus LM 350h
At gray naman ang kay Darryl...

Darryl Yap's gray Lexus LM 350h
Ayon sa website ng https://www.lexus.com.ph, ang 4-seater na Lexus ay nagkakahalaga ng PHP7.1M, habang ang 7-seater naman ay PHP10.7M ang presyo.

Dahil sa gag order, napag-usapan ng reporters mula sa ABS-CBN, GMA-7, TV5, Rappler, DZMM, at PEP na usisain na lamang si Darryl tungkol sa "twinning" nilang sasakyan ni Vic.

Reporters from different media outlets waiting for Vic Sotto and Darryl Yap
Pero hindi na rin siya natanong dahil sa higpit ng bodyguard ng direktor.
Napansin din ng reporters na tatlong civil weddings na ginanap sa iba't ibang sala ang idinaos, ngunit hindi pa rin tapos ang hearing nina Vic at Darryl.
Nagbiro pa ang ilang ikinasal na sumama na lang ang media sa reception nila.
Bandang 10:30 A.M. lumabas ng korte si Vic, at si Darryl naman ay 12:31 P.M. lumabas.
Wala pang balita kung kailan ang susunod na hearing at kung maisasampa ba sa korte ang 19 counts of cyber libel complaint ni Vic laban kay Darryl.
