Nagkaharap na sa wakas ang veteran comedian-TV host na si Vic Sotto at ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap.
Nangyari ito sa summary hearing ng writ of habeas data petition na inihain ni Vic laban kay Darryl sa Branch 205 ng Muntinlupa Regional Trial Court, sa Tunasan, Muntinlupa City, ngayong Biyernes, January 17, 2025.
Kaugnay ito sa kontrobersiyal na pelikula ni Darryl na The Rapists of Pepsi Paloma.
Itinakda ni Judge Liezela Aquiatan bandang 8:30 A.M. ang pagdinig at nagtagal ito ng ilang oras.
Read: Vic Sotto’s writ of habeas data petition granted by court
VIC SOTTO, DARRYL YAP BOTH MUM ON ISSUE
Unang lumabas ng korte si Vic, kasama ang asawang si Pauleen Luna, bandang 10:30 A.M.
Pero dahil sa gag order ng korte, ang tanging sinabi ni Vic sa mga nag-aabang na reporters: "Hindi ako puwede magsalita, e."
Pagkatapos nito ay dumiretso na siya sa loob ng kanyang SUV.
Hindi rin namilit pa ang mga media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na makakuha ng mahaba-habang pahayag mula sa kanya.

Vic Sotto and wife Pauleen Luna after the writ of habeas data hearing
Makalipas ang dalawang oras, 12:31 P.M., si Darryl naman ang lumabas ng korte.
Gaya ni Vic, matipid din ang kanyang mga sagot sa katanungan ng media.
Kumusta naman siya?
"Well, I'm okay. I'm still finishing the movie," sagot ng direktor.
Reporter: "Will we get to see the movie?"
Darryl: "It should be."
Reporter: "So, tuloy yung movie natin, Direk?"
Darryl: "Dapat."

Director Darryl Yap after the hearing of writ of habeas data
Read: Darryl Yap reacts to cyber libel complaint filed by Vic Sotto
VIC SOTTO-DARRYL YAP THE COURT BATTLE
Noong January 9, 2025, nagsampa si Vic ng 19 counts of cyber libel laban kay Darryl.
Ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na teaser ng pelikula ni Yap na The Rapists of Pepsi Paloma, kung saan direktang binanggit ang pangalan ni Vic Sotto.
Inihain ni Vic ang kanyang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court.
Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap
Habang umaandar ang oras noong araw na iyon, naglabas naman ng desisyon ang korte na pumabor sa TV host-comedian sa naunang inihaing writ of habeas data petition nila laban sa pagpapakalat pa ng teaser ng nasabing movie.
Noong January 13, naglabas naman ng gag order ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 kaugnay sa kasong cyber libel na isinampa ni Vic laban kay Darry.
Nakasaad dito ang utos ng korte sa pagpapatupad ng gag order sa lahat ng partidong sangkot sa kasong isinampa ni Vic laban kay Darryl.
Read: Muntinlupa court issues gag order in Vic Sotto vs Darryl Yap case
