PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sampaguita vendor in viral video is real student, scholar—police

DSWD says they will give student psychosocial aid to sampaguita vendor.
by Bernie V. Franco
Published Jan 17, 2025
student and security guard sm megamall
Mandaluyong City Police reveals sampaguita vendor in viral video is an 18-year-old student from Baesa, Quezon City, who is just trying to make ends meet. The student recently went viral when she and a security guard were caught on video having an altercation.
PHOTO/S: screengrabbed from Facebook

Totoong estudyante at hindi miyembro ng sindikato ang dalagang nasangkot sa viral video kung saan nakipagtalo siya sa security guard ng isang mall sa Mandaluyong City.

Sa katunayan, isang scholar sa isang private institution ang 18-anyos na dalaga.

Ito ang ibinunyag ng mga awtoridad sa isinagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Sa video na kumalat sa social media, isang tila batang babae na naka-school uniform at isang security guard ang mapapanood na nagtatalo sa may hagdanan na bahagi ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Pilit na pinapaalis ng security guard ang sampaguita vendor dahil nakaupo ito sa hagdanan na dinadaanan ng mallgoers papunta sa mall entrance.

Pagtayo ng estudyante, hinablot at sinira ng guard ang tindang sampaguita ng estudyante. Nauwi ito sa pisikalan ng guard at ng dalaga.

Bahagyang sinipa ng guard ang estudyante. Tuloy-tuloy naman ang paghampas ng estudyante sa guard dahil sa galit.

Dahil sa pag-viral ng naturang video, nagsagawa ng motu propio investigation ang Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Security guard sa viral video, tinanggal sa trabaho

Read: PNP: Security guard in viral video may face punishment

police confirms sampaguita vendor is a student

Hati ang opinyon ng netizens kung sino ang totoong may kasalanan sa insidente.

May mga kumampi sa security guard, at sinabing ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho. Pero may mga umuusisa rin kung ano ang nagtulak sa kanyang gumamit ng puwersa laban sa estudyante.

Marami naman ang kumampi sa estudyante na anila'y naghahanap-buhay lamang. Pero meron ding kumukuwestiyon kung estudyante ba ito o baka miyembro raw ng sindikato.

Ito ang binigyang-linaw ng Mandaluyong City Police.

“Ika-clarify po natin na yung bata po ay totoong estudyante,” pahayag ni Police Col. Mary Grace Madayag, chief of police ng Mandaluyong City Police sa interview sa kanya ng reporters.

“In fact nga po, siya po ay scholar sa isang private institution at matalinong bata.”

Tinukoy rin nilang 18 years old ang estudyante at nakatira sa Baesa, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alaman din ng mga pulis na totoong nagtitinda ito ng sampaguita para pandagdag sa kanyang mga pangangailangan.

“Nagsusumikap nga lang po na madagdagan ang mga pangangailangan nila sa kanilang eskuwela dahil po kade-demolish nga lang po ng bahay nila…" sabi ni Madayag.

“Yun po ay pinatunayan din ng barangay kung saan po nakausap din po namin yung barangay kung saan sila nakatira.”

Kaugnay pa rin ng isyu, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay sila ng psychosocial aid sa estudyante.

Sinabi rin ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na may direktiba silang bisitahin ang estudyante para kausapin ito at ang kanyang mga magulang.

May balak din daw silang kausapin ang security guard na sangkot sa isyu tungkol sa pagtrato sa mga bata.

MALL REACTION AND POLICE INVESTIGATION

Nang mag-viral ang isyu, naglabas ng pahayag ang management ng SM Supermalls.

Sinabi nilang tinanggal na sa tungkulin ang security guard at hindi na itatalaga sa alinmang establisimyento nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inabisuhan na rin daw nila ang security agency na kinabibilangan ng security guard na magsagawa ng imbestigasyon.

Inilatag din ng PNP-SOSIA ang senaryong posibleng kaharapin ng security guard kapag napatunayang may kapabayaan sa kanyang panig.

Kapag napatunayang may pagkakamali, maaari siyang masuspinde at matanggalan ng lisensiya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mandaluyong City Police reveals sampaguita vendor in viral video is an 18-year-old student from Baesa, Quezon City, who is just trying to make ends meet. The student recently went viral when she and a security guard were caught on video having an altercation.
PHOTO/S: screengrabbed from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results