Sa ilang proyektong pinagsamahan nina Jean Garcia at Ruru Madrid, naobserbahan daw ng seasoned actress ang maayos na work ethic ng Kapuso actor.
Nagkasama ang dalawa sa Book 1 ng Lolong (2022) at ngayon sa Book 2 nitong Lolong: Bayani ng Bayan.
Kumusta naman si Ruru?
Sabi ni Jean: "Ay, si Ruru, super love ko yan. Si Ruru kasi is isang tao na very sincere.
"Lahat ng mga sinasabi niya, totoo lahat siya. May action yun.
"Hindi niya sasabi na, 'Ay, ganito, ganyan,' pero walang gawa, puro salita.
"No, si Ruru ang artista at ang tao na sincere, totoo.
"Walang kaplastikan, walang kaanu-ano sa katawan.
"At saka walang yabang itong batang yun."
Naobserbahan na raw ito ni Jean noong Book 1 pa lang ng Lolong.
Lahad niya, "Bida siya dito sa Lolong.
"Lahat talagang... kunyari may problema, or merong hindi pagkakaunawaan, siya mismo ang gumigitna at inaayos. Kaya naging parang isang buong pamilya kami.
"Mabait na bata si Ruru. Magaling na artista. Mabait pa na anak.
"Mabait rin sa magulang. Mabait sa kapatid. Nakakatuwa lang."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean pagkatapos ng question-and-answer portion ng Lolong: Bayani ng Bayan media conference noong Lunes, January 13, 2025.
Read: Jean Garcia's son Kotaro to be launched as member of boy group

Jean Garcia during Lolong: Bayani ng Bayan mediacon
JEAN GARCIA ON RURU MADRID: "nagagalingan ako sa kanya."
Kumusta naman si Ruru bilang aktor?
Umamin kasi ang aktor na maraming nangba-bash sa kanyang pag-arte noon.
Read: Ruru Madrid recalls being called "ham actor" in the past
Ayon kay Jean, "Bilang aktor, magaling, e. Nakita niyo naman yung difference, iba siya sa Lolong.
"Iba siya sa Black Rider. Pero iba rin siya sa Green Bones.
"So, magaling na, marunong talaga.
"Ay, alam mo naman ang director natin, si Zig Dulay, alam mo na, Widows' War, papatapos na po kami."
Ano naman ang masasabi niyang may mga tumatawag noon kay Ruru na "banong umarte," "ham actor"?
Tugon ni Jean, "Alam mo ako, hindi ko kasi... bilib ako kay Ruru, e, nagagalingan ako sa kanya.
"Hindi man siguro siya super-super galing yung Lolong na ngayon, ibang-iba, di ba?
"Magaling na aktor. Iba-iba naman yung, di ba, huwag natin... at saka hindi naman mga ano...
"Ang mga tao, kaya nga walang kasiyahan, sometimes. Walang contentment. Palaging may nasasabing negative, di ba?
"Pero ako, I so love Ruru kasi mabuting tao. Magaling na aktor.
"Basta ano siya, isa siya sa mga hinahangaan ko ngayon na mga batang aktor na malayo pa ang mararating."
Read: Ruru Madrid closes 2024 with Green Bones, opens 2025 with Lolong
Mapapanood na sa himpapawid ang Lolong: Bayani ng Bayan simula sa January 20, 2025, pagkatapos ng 24 Oras.
