Hindi pa rin mapigilan ni Juliet Sunot na mapaluha sa tuwing binabanggit ang pagpanaw ng kapatid na si Mercy Sunot.
Read: Mercy Sunot, lead vocalist of Aegis, dies of cancer at 48
Si Mercy ay lead singer ng grupong Aegis. Pumanaw siya dahil sa sakit na cancer noong November 17, 2025.
Siya ay 48 taong gulang.
Read: Mercy Sunot: Her life in and outside of Aegis
Ang two-day concert ng Aegis sa February 1 and 2, 2025 ang unang major event ng grupo na wala si Mercy.
Sa presscon ng concert noong January 10, sinabi ni Juliet na lubos pa rin niyang ipinagdadalamhati ang pagpanaw ng kapatid.
"Siguro ang naiba, wala si Mercy. Pero kailangan talaga naming galingan. Kasi iba talaga yung kumpleto kami.
"Kasi nung time na naplano ito, wala si Mercy. Gusto namin gumaling lang talaga siya.
"Pero talagang umalis siya sa amin nang tuluyan," naluluhang pahayag ni Juliet.
Ayon kay Juliet, April 2024 nang magtungo ng U.S. si Mercy para doon magpagamot.
Hindi raw akalain ng grupo na hindi malalampasan ni Mercy ang sakit nito.
"Alam ng lahat na nasa U.S. si Ate Mercy. Nagpapagaling po siya. Nag-treatment po siya.
"Lalo na sa amin kasi kapatid po namin. Naiiyak po talaga kami. Nung nalaman namin na wala siya, halos di kami makakanta.
"Kasi talagang yung mga tao na lang kumakanta ng kanta niya. Di talaga namin maayos yung ano namin. Ang lungkot talaga."
Pilit daw nilang nilalakasan ang loob ngayon.
"Kailangan lang talaga naming magpatuloy. Nasimulan na po namin ito, so gagalingan po namin.
"Kasi alam kong pangarap niya ito, e, na mag-concert ulit. Sabi niya, 'Gusto ko nang umuwi.'
"Gusto niya sumama sa concert na ito, pero wala, e. Umalis po talaga siya sa amin."
Diin din ni Juliet: "Andito pa rin po kami kasi yun po gusto ni Mercy.
"Tuloy pa rin po yung Aegis kahit uugod-ugod kami."
Noon pa man ay may mantra pa raw si Mercy pagdating sa pagkakaisa ng kanilang grupo.
"Siya po nagsabi sa Aegis na walang iwanan, pero siya po ang nang-iwan sa amin," nalulungkot pa ring saad ni Juliet.

JULIET SUNOT: NO ONE CAN REPLACE MERCY IN AEGIS
Buhay pa rin si Mercy sa alaala ng Aegis.
"Alam niyo po pag nasa stage kami, talagang parang nararamdaman pa rin namin si Mercy," saad ni Juliet.
Nilinaw rin niyang hindi mapapalitan si Mercy sa Aegis.
"Wala po ipapalit kay Mercy. Siguro guest lang puwede.
"Si Mercy po forever siya sa Aegis. Wala po mawawala na Mercy," diin ni Juliet.
Nakatakdang i-dedicate ng grupo ang kantang “Sa Huling Pag-uwi.”
CHANGES IN AEGIS BAND
Kung dati ay sina Juliet at Mercy ang saluhan sa biritan, ngayon ay popronta na si Ken Sunot kasama ni Juliet.
"Mas lalo akong na-pressure kasi iba yung genre ni Ate [Juliet]," pag-amin ni Ken.
"Lalo na itong concert na ito na first time naming wala si Ate [Mercy]. Kakayanin ko. Gagalingan ko pa. Sana challenge sa akin."
Paliwanag ni Juliet, "Kami ni Mercy yung matagal na, kaya kami ang nagsasaluhan.
"Sa ngayon, kapag sinabi ko sa kanya na, 'Ikaw to, ako to,' kailangan namin magtulungan.
"Kung sabi niyo po napilayan [ang Aegis], pilay po talaga nung nawala si Mercy.
"Iba po talaga. Nasanay kami na buo, andyan kami lahat."
Pero umaasa raw ang Aegis na "pilay man po, baka mas lalo kaming maging matatag at maging magaling" dahil sa hamon na kanilang kahaharapin.
Read: Aegis, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Mercy Sunot
