Nakatakdang maghain ng reklamo ang veteran TV host-comedian na si Vic Sotto laban sa controversial director na si Darryl Yap.
Ito'y kasunod ng pagbanggit ng pangalan ni Vic sa inilabas na teaser ni Darryl para sa pelikula niyang The Rapists of Pepsi Paloma.
Ang pelikula ay base sa buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.
Read: Sexy star Pepsi Paloma still trending 38 years after her death
Ayon sa legal counsel ni Vic, nakatakdang maghain ng pormal na reklamo ang Eat Bulaga! host laban kay Darryl sa Muntinlupa City Regional Trial Court bukas, Huwebes, January 9, 2025.
THE CONTROVERSIAL TEASER OF The Rapists of Pepsi Paloma
Malakas na ingay ang nilikha ng teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma na isinapubliko noong January 1, 2025, dahil sa tahasang pagbanggit ng pangalan ni Vic sa eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante.
Read: Coca Nicolas speaks on Pepsi Paloma controversy
Si Gina ang gumaganap na Charito Solis, ang yumaong beteranang aktres.

Habang si Rhed naman ang gumaganap na Pepsi Paloma.

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser
Sa kontrobersiyal na eksena nina Gina at Rhed, mapapanood ang pagkumpronta ni Charito (Gina) kay Pepsi (Rhed) nang walang-habas nitong tanungin kung totoo bang "ni-rape" siya ni Vic Sotto.
Read: Keempee de Leon, ayaw makisali sa Pepsi Paloma controversy
Narito ang binitawang linya nina Gina at Rhed sa teaser:
Gina: "Ipaliwanag mo sa akin! Magsabi ka sa akin! Ipaliwanag mo, dahil hindi ko naiintindihan.
"Pepsi sumagot ka! Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?"
Rhed: "Oo!"
Kalakip ng teaser ang caption na ito:
"LABAN O BAWI
"Teaser 1
"Inakusahan ng Rape ni Pepsi Paloma si Vic Sotto atbp; subalit makalipas ang ilang kaganapan ay inurong nito ang demanda.
"Bakit?
"Abangan si Rhed Bustamante bilang PEPSI PALOMA"
Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa February 2025, tatlong buwan bago ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Pepsi na winakasan ang sariling buhay noong May 31, 1985.
Read: Pelikula ni Darryl Yap base sa kuwento ng pamilya ni Pepsi Paloma
Additional report by Jojo Gabinete
