Engaged na ang aktres na si Louise delos Reyes sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Jino.
Sa Instagram post ni Louise nitong Linggo, December 23, 2024, masaya niyang ibinahagi ang naging proposal sa kanya ni Jino.
Kalakip nito ang ilang litrato kung saan si Louise ay nakayakap sa nobyo, at isa pa kung saan ipinapakita niya ang kanyang engagement ring.

Base sa post, naganap ang proposal ni Jino kay Louise sa Hilton London Syon Park, sa United Kingdom, kunsaan sila nagbakasyon.
Mababasa sa caption ng aktres (published as is), "Yes [red heart emoji] #122124."
Read: Do Bea Binene and Louise delos Reyes regret leaving GMA-7?
CONGRATULATORY MESSAGES TO LOUISE AND JINO
Sa comments section ng post ay bumuhos ang pagbati ng ilan sa mga kaibigan at fans ni Louise.
Kabilang sa mga nagpahatid ng congratulatory messages sina Barbie Forteza, Bea Binene, Carla Abellana, Ryza Cenon, Karen Reyes, Janno Gibs, at Benj Manalo.
Komento ni Babie at Ryza Cenon, "Congratulations!!!!"
Saad naman ni Bea, "OMYGAHDDDDDD!!!"
Pagbati ni Carla, "Congratulations, Louise!"
"Waaahhh congrats sis!!!" sabi ni Karen.
Bati naman ni Janno (published as is), "Congrats ."
"Congratssssss!!!!," dagdag pa ni Benj.
Read: Louise delos Reyes apektado sa nangyari sa kanyang showbiz career
LOUISE-JINO RELATIONSHIP
Anim na taon nang magkasintahan sina Louise at Jino bago sila ma-engage.
Read: Louise delos Reyes on live-in set-up with boyfriend
Noong June 28, 2024, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang sixth anniversary. Nag-post si Louise sa Instagram ng larawan nila ni Jino na kuha sa kanilang anniversary celebration.
Mensahe noon ni Louise kay Jino, "We've been together for six years, and I can't wait to see what our future holds.
"Thank you for being my rock and my wings, for never asking for anything in return, and for always putting me first.
"You are my best friend, my peace, my heart, my home. I love you.
"Happy 6th anniversary, Jino."
LOUISE'S PAST RELATIONSHIPS
Ang bokalista ng bandang Hale na si Champ Lui-Pio ang huling napabalitang karelasyon ni Louise bago nito makilala si Jino.
Bago ito, naging karelasyon din ng aktres ang aktor na si Aljur Abrenica.
Noong October 2017 nang ipagtapat ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon sila ng relasyon ni Louise.
Ayon kay Aljur, ito ay noong ginagawa nila ang defunct primetime series na Kambal Sirena (2014) sa GMA-7.
Read: Louise delos Reyes, nagawang malampasan ang suicidal thoughts
Tumagal lang daw ng “isang buwan” ang relasyon nila ni Louise, at nauwi rin sa hiwalayan.
Saad noon ni Aljur, “Magulo kasi nung time na yun, e.
"We just realized na mas mabuting magkaibigan na lang kami."
December 20, 2024, sa presscon ng pelikulang Deleter na entry ng Viva Films sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF), kunsaan isa sa cast si Louise, ay muling naungkat ang relasyon nila noon ni Aljur.
Ngunit halatang ayaw itong pag-usapan ni Louise.
Aniya, ayaw na niyang balikan at uriratin pa kung ano talaga ang namagitan sa kanila ni Aljur nang magkatambal sila sa Kambal Sirena.
Read: Louise delos Reyes not surprised by Aljur Abrenica's revelation of their short-lived romance
Hindi niya diretsahang inaming naging sila nung ginagawa nila ang Kapuso fantasy series, kagaya ng pag-amin ni Aljur.
Sabi lang ni Louise: “Siguro kasi may masamang memories na kasama sa tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan.
“Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit na ano. Wala na talaga.
"Pero yung experience lang, ano yun, e, dark times kasi. Kaya ayoko na lang i-associate, ayoko nang isipin yun, move forward na lang tayo.”
Hindi niya gaanong ma-describe ang naging relasyon nila noon ni Aljur, pero gusto na raw niyang kalimutan ito.
Naging civil naman sila sa isa’t isa nang nagkasama sila sa FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
Read: Louise delos Reyes wants to leave past issue with Aljur Abrenica behind
“Hindi naman sa naging pangit. Siguro yung start, naging pangit hanggang sa gitna.
“Parang andun yung care, andun yung love, pero may nawalang element na hindi mo puwedeng i-push yung relationship kung wala yun.
“Walang peace of mind, di ba? Kapag may relationship kayo, merong peace of mind, walang naging ganun.
“Tapos, masyado nang publicized yung lahat. So, parang hindi na talaga puwedeng ipagpatuloy. Pero we remained… siguro hindi friends, pero casual.
“Kasi siyempre, maliit lang naman ang mundo ng showbiz, e. Magkakasama at magkakasama kayo magkikita kayo.
"Walang bad blood, walang ganun. Trabaho na lang tayo,” saad ni Louise.
Read: Louise delos Reyes wants to bury "dark times" with Aljur Abrenica
