PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dominic Roque admits to dating Sue Ramirez

Dominic Roque: "We're going out and, ayun, kinikilala namin ang isa't isa."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 20, 2024
Dominic Roque admits dating Sue Ramirez
Dominic Roque on dating status with Sue Ramirez: "Happy naman kami together. We're going out and, ayun, kinikilala namin ang isa't isa."
PHOTO/S: Dominic Roque/Sue Ramirez on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang aktor na si Dominic Roque tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Sue Ramirez .

Ito'y matapos nilang maispatang magkasama at naghahalikan sa isang bar sa Siargao Island noong Nobyembre.

Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?
Photo/s: Screengrab @TikTok

Read: Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo si Dominic sa red-carpet premiere ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry na The Kingdom, ngayong gabi ng Biyernes, December 20, para suportahan si Sue.

Kabilang si Sue sa cast ng pelikula na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual.

Kasabay ni Dominic na dumalo sa premiere night ang kapwa aktor at matalik niyang kaibigan na si Marco Gumabao, na boyfriend naman ng isa pang cast member ng The Kingdom na si Cristine Reyes.

Sa red carpet ay inusisa ng ilang entertainment reporters sina Marco at Dominic tungkol sa kani-kanilang lovelife.

"Anong suporta ang ibininigay natin sa ating cast tonight?" tanong ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori.

Sagot ni Marco, "Siyempre, we want to congratulate the whole team, cast, and production team.

"Grabe, sobrang ganda ng trailer nila and we [can't wait to wach the movie]."

Sundot na tanong kay Marco, "Parang kinilig kami na parang hindi ka naman kasama dito, Marco, pero nandito ka pa rin... para kay?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi, plus one ko lang siya," sagot ni Marco, sabay turo sa katabing si Dominic.

DOMINIC FINALLY ADMITS REAL SCORE WITH SUE

Dito na nabaling ang atensiyon kay Dominic.

Tinanong siya tungkol sa natatanggap na suporta ng tambalan nila ni Sue, na "DominSue."

Natatawang sagot ng aktor, "Happy... pinagpapawisan ako. Wala na akong ibang masabi, Merry Christmas na lang."

"Dom, kayo na ba?" pahabol na tanong sa kanya.

"Wala, wala... We're dating, we're dating," pag-amin ni Dominic.

Dagdag pa niya, "Happy naman kami together. We're going out and, ayun, kinikilala namin ang isa't isa."

SUE Speaks up about real score between her AND DOMINIC

Samantala, bago ang pagtatapat ni Dominic sa estado nila ni Sue ay nauna nang inamin ng aktres na nagde-date nga sila ng aktor.

Sa mediacon ng The Kingdom noong December 1, nagbigay siya ng maikling pahayag.

Ayon kay Sue, "Basta I’m happy. We’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Thank you po."

Sabay dugtong na, "We’ve been seeing each other."

Read: Sue Ramirez admits real score with Dominic Roque

Iyon ang unang pagkakataong nagsalita si Sue tungkol sa kanila ni Dominic.

Si Sue nay nanggaling sa limang taong relasyon kay Mayor Javi Benitez.

Read: Javi Benitez confirms breakup with Sue Ramirez

Habang si Dominic naman ay galing sa breakup nila ng fianceé na si Bea Alonzo.

Read: Bea Alonzo says marriage is not everyone’s "endgame"

Read: Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque on dating status with Sue Ramirez: "Happy naman kami together. We're going out and, ayun, kinikilala namin ang isa't isa."
PHOTO/S: Dominic Roque/Sue Ramirez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results