Makalipas ang mahigit limang buwan, muling nanindigan ang Kapuso actor na si Dennis Trillo na hindi talaga siya ang nasa likod ng viral comment tungkol sa ABS-CBN.
Noong July 1 2024, usap-usapan online ang reply ni Dennis sa isang netizen sa TikTok na nagtatanong tungkol sa asawa niyang si Jennylyn Mercado.
Dito, tinanong ng ilang netizens si Dennis kung bakit wala si Jennylyn sa inilabas na bagong station ID ng GMA-7.
Si Jennylyn ay kilalang homegrown talent at isa sa itinuturing na big stars ng Kapuso network kaya hindi maiwasang magtaka ang netizens kung bakit wala siya sa nasabing station ID.
Tanong ng isang netizen kay Dennis (published as is), "Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma'am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN"
Nakakaintrigang sagot umano ni Dennis: "May ABS pa ba?"
Read: Did Dennis Trillo really ask, "May ABS pa ba?"
Dahil dito, marami sa netizens ang naghimutok sa tila raw pabalang na sagot ng aktor.
May ilan ding pinaratangan si Dennis na walang malasakit at konsiderasyon sa ginawang panggigipit ng gobyerno sa Kapamilya Network.
Noong July 10, 2020, pinatay ng Kongreso, sa ilalim ng administasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang franchise renewal application ng ABS-CBN.
Bunsod nito, tigil-operasyon ang lahat ng television at radio stations na nasasaklawan ng napasong prangkisa ng ABS-CBN.
Tinatayang halos kalahati ng 11,000 empleyado ng kumpanya ang nawalan ng trabaho na noong mga panahong iyon ay kasagsagan ng pandemya.
Read: President Rodrigo Duterte admits using "presidential powers" against ABS-CBN
Bagama't nagsalita na noon ang management team at mismong si Dennis para ipaalam sa publiko na na-hack ang kanyang TikTok, marami pa rin ang magpahanggang ngayon ay hindi naniniwala sa anila'y palusot ng aktor.
Read: Dennis Trillo breaks silence on viral "May ABS pa ba?" comment
DENNIS TRILLO DETAILS WHAT HAPPENED DURING THE DAY HIS TIKTOK HACKED
Makalipas ang limang buwan matapos pag-usapan ang umano'y pagko-komento ng pabalang ni Dennis, muli itong naungkat nang makapanayam siya ni Bianca Gonzalez sa The B Side

Ang interview ay para lang sana sa promotion ng 2024 MMFF (Metro Manila Film Festival) entry ni Dennis na Green Bones.
Ngunit bilang Kapamilya talent, hindi pinalampas ni Bianca na tanungin si Dennis kung paanong na-hack ang kanyang TikTok account.
Read: Dennis Trillo matunog na best actor sa MMFF 2024?
Saad ni Bianca kay Dennis: "I cannot let this chance pass without asking you something that I have zero judgment for.
"I want to know, this is super curious as me, because one of the recent things that I read is the viral comment that you made or that someone made with your name on it.
"This is, 'May ABS pa ba?' I just wanted to really know, ano ba talaga yung totoong kuwento behind that viral…na pinalaki ng mga tao comment."
Read: Robi Domingo: "May ABS-CBN pa rin."
Mahihinuhang nabigla si Dennis sa tanong ni Bianca.
Pero sinagot ito ni Dennis para na rin maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya.
Kuwento ng aktor, nasa taping siya ng Pulang Araw nang ma-hack ang kanyang TikTok account.
Nag-upload pa raw siya ng video dito bago sumalang sa kanyang eksena nang hindi namamalayang may nag-hack umano sa kanyang account.
Pagbabalik-tanaw ng Kapuso actor: "Ang nangyari doon, nasa taping ako. Isang taping yon na napakaraming kong eksena noon. This is a series, sa Pulang Araw.
"So, ang ginawa ko, sabi ko para gumanda yung mood ko, mag-post muna ako ng isang TikTok para ma-boost yung mood ko ganyan-ganyan.
"Tapos nung na-post ko na siya, nakita ko na okay may views na, nag-comment si David Licauco, pumunta na ako sa set. Ginawa ko na yung eksena namin."
Nang matapos i-take ang kanyang mga eksena ay nagulat na lang daw si Dennis nang makatanggap siya ng mensahe sa kanyang manager tungkol sa pagiging viral niya online.
Aniya, "Pagbalik ko, nagkakagulo na. Tinext na ako ng manager ko na, 'Ano tong nangyayari?' Sabi ko, 'Anong nangyari?'
"Ito kasing TikTok account ko hindi ko alam na mayroon sa devices, may access [na hindi ako].
"After lang non, tsaka ko lang dinelete yung mga devices na [nila-log-in yung TikTok ko]."
DENNIS RESPECTS ABS-CBN
Sumusumpa raw si Dennis na hindi siya ang nagpatutsada tungkol sa ABS-CBN.
Maaari raw na nagamit lang ang kanyang pangalan, ngunit hinding-hindi raw niya kailanman babastusin ang network na kanyang pinagsimulan.
Saad niya: "Kung ako, never ko yon gagawin. Siyempre galing tayo sa ABS-CBN. Malaki yung respeto natin doon sa network na yon.
"Although walang prangkisa pero nandiyan pa rin sila.
"Ako yung tao na walang kaaway, e. Hindi ako napapalagay na mayroon akong kaaway o may someone na may sama ng loob sa akin.
"And never akong sasagot sa ganon sa napaka-innocent lang na question. Ako yung tao na hindi nagbu-burn ng bridges para mag-comment lang ng ganon."
Noong 2001 ay napabilang si Dennis sa Star Circle Batch 10, na binubuo ng mga artista ng talent arm ng ABS-CBN na kanilang planong hubugin.
Kabilang sa mga ka-batch niya sina Bea Alonzo, Nadine Samonte, Andi Manzano, Karel Marquez, Alfred Vargas, at TJ Trinidad.
Read: Alfred Vargas at Dennis Trillo, "nag-reunion" pagkatapos ng 16 taon
Bago ito, napabilang si Dennis sa ilang teleserye sa ABS-CBN gaya ng Tabing Ilog (1999- 2000), Pangako Sa 'Yo (2000), at Sa Dulo ng Walang Hanggan (2001).
Taong 2013 nang lisanin ni Dennis ang ABS-CBN at lumipat sa GMA-7.
Dito niya nakuha ang kanyang kauna-unahang lead role nang gumanap siyang Gabriel sa 2004 hit series na Mulawin.
Read: Dennis Trillo recalls memories of Mulawin vs. Ravena as it comes to an end
