Nagbigay-pugay ang current partner ni Andrew Schimmer na si Dimps Schimmer sa namayapang partner ng aktor na si Jho Rovero.
Ngayong Biyernes, December 20, 2024 ang ikalawang anibersaryo ng kamatayan ni Jho.
Read: Andrew Schimmer’s partner Jho Rovero dies
DImps TO JHO: "Be happy up there, dont worry sa mga naiwan mo."
Sa Facebook ngayong Biyernes, December 20, 2024, nag-post si Dimps ng larawan ni Andrew at mga anak nito kay Jho na sina Andrea at Schimmer, sa tabi ng puntod ng kanilang ina.

Andrew Schimmer with daughter Andrew and son Xander
Sa caption, sinabi ni Dimps na bagamat hindi niya nakilala si Jho ay alam niyang mabuti ang pagkatao nito base sa mga kuwento ng kanyang mga anak at kamag-anak.
Hindi na raw kailangang alalahanin pa ni Jho ang kanyang mga naiwan dahil ipagpapatuloy nila ni Andrew ang mga pangarap niya para sa mga ito.
Maayos din daw ang pakikitungo ni Dimps sa mga kamag-anak ni Jho.
Buong post ni Dimps (published as is): "In remembrance of a mother, wife, sister and a good daughter who left behind a legacy of love....#2ndDeathAnniv...
"Di man tayo magkakilala nung buhay ka pa, sa mga kwento ng kids mo, parang nakasama na rin kita... iniwan mo sila ng mga alaala na habambuhay nilang dadalin...
"Be happy up there, dont worry sa mga naiwan mo, nandito lang ako to raise them well kasama ng mga kids ko gaya ng pangarap mo sa knila... kami na magpapatuloy ni John Andrew Schimmer.... pangako...
"Note: dont worry, in good terms din kami nila mama mo at ni sister mo infact magkachikahan kami sa messenger Inayos mo lahat... Thank you"
Ipinakilala ni Andrew sa publiko ang bagong partner noong unang anibersayo ng kamatayan ni Jho.
Read: Andrew Schimmer has new girlfriend one year after partner's death
May mga anak din si Dimps sa dating nakarelasyon nito.
Kasalukuyang nagdadalantao si Dimps sa panganay niyang anak kay Andrew.
Read: Andrew Schimmer and partner Dimps expecting their first baby
