PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Blanco laments arrest of Mayor Enrico Roque for alleged rape

James: "Kung sino pa yung matino at tumutulong sa kapwa siya ninyong sinisira!"
by Jojo Gabinete
Published Dec 18, 2024
enrico roque james blanco
James Blanco (left photo, in white shirt) speaks up after the arrest of close friend and movie producer, Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque (in eyeglasses); attests to the character of the politician.
PHOTO/S: Facebook

Trigger warning: Mention of rape

Ikinalungkot ng aktor na si James Blanco ang balitang inaresto ang kanyang mga kaibigang sina Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at ang konsehal na si Jonjon Roxas.

Kaugnay ito ng kasong rape na isinampa laban sa dalawa at isa pang indibidwal.

Ayon sa court document, nangyari umano ang panggagahasa nila sa isang menor de edad na babae noong Abril 6, 2019.

Mariing pinabulaanan ng kampo nina Roque ang alegasyon. Gawa-gawa lamang daw ito at “politically motivated.”

Inaresto si Roque habang nasa party na ginanap sa pag-aari niyang resort na Amana Waterpark, Martes ng gabi, Disyembre 17, 2024.

Read: Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, 2 others arrested for rape charges

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James ngayong Miyerkules ng hapon, Disyembre 18, inamin niyang may kinalaman sa mga akusasyon laban kina Roque at Roxas ang kanyang maanghang na Facebook post.

Nakasaad dito (published as is): “Ibang klase kayo talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung sino pa ung matino at tumutulong sa kapwa sya ninyong sinisira!

"Hindi na talaga aasenso ang ating bansa kung patuloy kayo sa kahayupan ninyo”

james blanco post

JAMES BLANCO DEFENDS MAYOR ROQUE, COUNCILOR ROXAS

Ayon kay James, matagal na silang magkakakilala nina Roque at Roxas.

Mabubuting tao umano ang mga ito kaya hindi siya makapaniwala sa mabibigat na paratang laban sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng aktor sa PEP: “Kumpare ko si Konsi Jonjon dahil inaanak ko ang anak niya.

"Tapos namatay ang asawa niya noong pandemic. Napakatino niya.

“Nalulungkot ako sa mga nangyayari.

"Si Mayor Enrico, napakabait niyan. Ang dami niyang natutulungan."

Dagdag pa niya, “Alam mo ba ang bayan ng Pandi, walang utang sa gobyerno?

"Nakita ko talaga, walang corruption sa pamumuno niya.

"Nakikita ko ang mga pagtulong niya, pera niya mismo ang kanyang ginagamit."

Read: James Blanco pinagtataguan ng business partner

Nag-aalala raw nang husto si James dahil hindi na sila nagkausap ni Roque mula pa noong Martes, Disyembre 17.

Lahad niya: “May meeting dapat ako kay Mayor this week. May imi-meet kaming direktor dahil may ipi-pitch sa kanya.

“So, kahapon [Martes], kinumusta ko siya. Nagtataka ako, hindi siya sumasagot.

"Minsan, ang pinakamatagal na hindi niya pagsagot, isang oras. Alam ko kapag busy siya.

“Pero gabi na hindi pa rin siya sumasagot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Paggising ko kaninang umaga, may nag-send na sa akin ng balita. Hindi ako naniwala.

"Sinubukan ko uling tawagan si Mayor, hindi sumasagot.

"Tinawagan ko ang driver niya, na-confirm ko nga ang balita. Nagulat talaga ako."

james blanco enrico roque
James Blanco (right) with Mayor Enrico Roque in an undated photo
Photo/s: Facebook

ROQUE AS MOVIE PRODUCER

Bukod sa pagiging mayor ng Pandi, Bulacan, isa ring movie producer si Roque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang may-ari ng Cineko Productions, na nag-produce ng mga pelikulang Family Matters (2022) at Family of Two (2023), na parehong naging entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kabilang sa cast ng Family Matters si James, na nagtatrabaho rin sa Cineko Productions.

Co-producer din si Roque ng MMFF 2024 official entry na Espantaho at ng comeback movie ni Hilda Koronel na Sisa.

Read: Hilda Koronel to make much-awaited comeback via Sisa

Sabi ni James sa PEP, “Alam mo ba, four years ago, pinlano na naming magkaroon ng movie si Tita Hilda sa Cineko Productions?

"Talagang dream ni Mayor na ipag-produce ng pelikula si Tita Hilda. Na-delay lang ang pag-uwi ni Tita Hilda sa Pilipinas."

Nabanggit ni James na gusto nitong dalawin sina Roque at Roxas, pero walang makapagsabi sa kanya sa kasalukuyang kinaroroonan ng mga kaibigan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Blanco (left photo, in white shirt) speaks up after the arrest of close friend and movie producer, Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque (in eyeglasses); attests to the character of the politician.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results