Ikinasal na ang Eat Bulaga! host na si Jose Manalo, 58, sa kanyang long-time partner na si Mergene Maranan, 37.
Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang beach resort sa Boracay, ngayong Martes, December 17, 2024, ayon sa video at litratong ipinost ng ilan sa kanilang mga bisita.
Sa official Facebook page ng Eat Bulaga!, makikita ang video ng paglalakad nina Jose at Mergene matapos ang seremonya ng kanilang kasal, habang sila'y hinahagisan ng bulaklak ng kanilang mga bisita.

JOSE-MERGENE'S WEDDING GUESTS
Bukod sa kani-kanilang pamilya, present din sa kasal nina Jose at Mergene ang ilang kasamahan ng TV host-comedian sa Eat Bulaga!.
Kabilang na rito sina Tito Sotto at asawa niyang si Helen Gamboa, Vic Sotto at maybahay nitong si Pauleen Luna, Joey de Leon at asawa nitong si Eileen Macapagal, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Ryzza Mae Dizon.




Present din ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, at Maine Mendoza at Arjo Atayde.


Bukod sa co-hosts ni Jose, nasaksihan din nina Alden Richards, Kristine Hermosa, Oyo Sotto, Ciara Sotto, Ice Seguerra, at Liza Diño ang pag-iisang dibdib nina Jose at Mergene.


JOSE-MERGENE'S ENGAGEMENT
Noong Linggo, December 6, isinapubliko ni Mergene ang engagement niya kay Jose.
Sa video na in-upload ni Mergene sa kanyang Instagram makikita ang pagkanta ni Jose nang bigla siyang yayain ng aktor sa harapan para mag-propose.
Mababasang caption dito ni Mergene (published as is), "It’s you. It’s always been you.. [ring and red heart emoji] 02/12/24."
December 8, ibinahagi naman ng dalawa sa kanilang joint Instagram post ang naganap na prenup shoot nila sa Canada.
Read: Jose Manalo now officially engaged to partner Mergene Maranan
JOSE-MERGENE'S RELATIONSHIP
Ang mga detalye ng relasyon nina Jose at Mergene ay pribado.
Read: Jose Manalo reveals why he doesn't mind getting mobbed by fans
Ngunit pinaniniwalaang nabuo ang kanilang pag-iibigan nang aktibo pa si Mergene sa Eat Bulaga!.
Si Mergene ay dating miyembro ng all-female dance group na EB Babes mula noong 2006 hanggang 2020.
Ngunit bago ma-link sa isa't isa sina Jose at Mergene ay nahiwalay na si Jose sa dati niyang asawa na si Anna Lyn Santos.
Read: Jose Manalo and wife face legal charges for alleged multi-million jewelry scam
Ang ina ng lima niyang anak—kabilang ang mga aktor na sina Benj at Nicco Manalo.
Sa kasamaang palad, pumanaw si Anna Lyn noong January 2022 sa edad na 54.
