PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada happy for Kathryn-Alden movie's box-office success

Karla Estrada is now a proud lola!
by Julie E. Bonifacio
Published Dec 14, 2024
Karla Estrada
Karla Estrada is sincerely happy for the unprecedented box-office success of Hello, Love, Again, Kathryn Bernardo's movie with Alden Richards. She exclaims, “Of course, lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi iyan, di ba? Kapag magkakasama tayo sa industrya, dapat naghihilahan tayo pataas."
PHOTO/S: YouTube

Madiing itinanggi ni Karla Estrada na may bagong girlfriend na ang anak niyang si Daniel Padilla.

Karla Estrada, Daniel Padilla
Karla Estrada / Daniel Padilla
Photo/s: Bernadette Sembrano YouTube channel, _supremo_dp (Instagram)
Isang taon na rin ang nakakalipas mula noong pumutok ang balitang hiwalayan nina Daniel at ng kanyang reel- and real-life partner na si Kathryn Bernardo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa red carpet ng grand mediacon para sa inaabangang ABS-CBN action-drama series na Incognito, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla at kinumpirma namin sa kanya kung totoo ngang may bagong girlfriend na si Daniel.

“Hindi,” diin niya. “Ikaw talaga…”

Um-attend si Karla sa special screening and grand launch ng Incognito para suportahan si Daniel.

Read: Baron Geisler, ipinalit kay Enrique Gil sa Incognito cast?

Karla Estrada
Karla Estrada at the Incognito press conference last November 30, 2024.
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandito ako for the entire cast of Incognito. Support siyempre natin sa bagong palabas especially sa anak ko,” ngiti niya.

Sa trailer ng Incognito ay mapapanood ang mga ilang eksena ni Belle Mariano. May special appearance si Belle dito.

Dahil dito, inalam namin kay Karla kung possible na magkaroon din siya ng special participation sa show.

“Maybe yung bunso ko, si Carmela,” sambit ni Karla. “Oo. Abangan natin.”

Bilang ina, natuwa si Karla sa pagkakaroon muli ng show ni Daniel pagkatapos ng controversial na hiwalayan nila ni Kathryn.

“Actually, hindi lang ako yung natuwa. Mas lalo na si Daniel.

“Kasi, naging handa siya at ang tagal na nating pinaghahandaan ang isang aksyon na palabas,” pahayag ni Karla.

“Kasi iyan talaga, actually ang halos hindi pa niya nagagawa. Nakagawa na siya ng drama, comedy and all.

“Eto kasi, all-out action. Happy siya with his Tito Ian [Veneracion], Richard Gutierrez, and Baron Geisler. Kasi nakakahugot talaga siya, marami siyang natututunan sa aksyon.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa pagsu-shoot ng Incognito, ano ang mga pinagkakaabalahan ni Daniel nung kasagsagan ng isyu nila ni Kathryn?

“Well, alam mo iyan, hindi naman mapakali sa buhay niya. Ang dami niyang negosyong binuksan, di ba?

“And workshop. Hindi siya naglubay para kapag dumarating yung mga ganitong pagkakataon, ready ka. So, ready siya.”

And besides, nasa DNA na talaga ni Daniel ang pagiging action star.

Pagri-reveal pa ni Karla, “Saka abangan natin yung malaking pelikula niya next year. Aksyon din.”

Ano naman ang ibinigay niyang supporta kay Daniel noong panahon na may matinding pinagdadaanan ito?

“Alam mo, ang nanay ang unang nalulungkot kapag malungkot ang mga anak.

“Kapag may pinagdadaanan ang mga anak, mas gusto mo kunin na lang ang mga pinagdadanaan nila.

“Pero tuturuan din natin ang mga anak natin na bumangon mag-isa, because it’s not gonna be forever na kasama natin sila, di ba?

“Paano pag mamaya mawala na tayo? So, tuturuan natin ang mga anak natin na tumibay ang mga buto nila,” lahad ni Karla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KARLA HAPPY FOR KATHRYN-ALDEN MOVIE'S BOX-OFFICE SUCCESS

Speaking of Kathryn, masaya rin si Karla sa malaking tagumpay ng Hello, Love, Again movie ng ex-GF ni Daniel.

Sa report ng PEP Troika, lagpas na ng PHP1.4 billion ang worldwide gross ng pelikula na pinagbidahan nina Kathryn at Alden Richards.

Read: Hello Love Again, lagpas PHP1.4B na ang worldwide gross

“Of course, lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi iyan, di ba? Kapag magkakasama tayo sa industrya, dapat naghihilahan tayo pataas.

“Congratulations! I’m very happy. I’m very proud of Kathryn and Alden.

Nabati na ba niya si Kathryn?

“Hindi pa,” sagot ni Karla. “Hindi pa kami nagkikita.”

KARLA QUITS TV SHOW AS PREPARATION FOR 2025 ELECTIONS

Samantala, may mga speculation sa pagkawala niya sa kanyang programang Face 2 Face sa TV5.

“Nagpaalam talaga ako doon. Kasi may gagawin tayo, di ba? May gagawin tayong Tingog. We’re in the campaign period na, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang si Karla sa nominees ng Tingog Party List noong May 2022 elections. May partisipasyon siyang muli sa nasabing party list sa 2025 elections.

“Bawal kasing mag-appear sa kahit saang show kapag magka-campaign ka. E, as an endorser of Tingog Party List, kailangan nating mag-focus. Dahil ang party list namin, as we all know, national kasi.

Isasama ba niya si Daniel sa campaign ng party list niya?

“Hindi ko pa iyan masasagot,” ani Karla.

Nung nagpaalam siya sa Face 2 Face, sinabihan ba siya na welcome siyang bumalik sa show?

“Oo, kung ano yung… kasi hindi naman iyan… not just Face 2 Face. Kung may ibang show na puwede.

“Kasi, kaya nagpaalam talaga ako. Pero siyempre, ang priority natin sa ABS [-CBN]. Because nandito ang… ito talaga yung pamilya, di ba?

“Ang sinasabi ko lang, kung nagbubukas ang mga pintuan at ang lahat ay nagkakasundu-sundo... alam niyo masyado nang magulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sana ang industrya natin tayo ang mag-initiate ng pagkakaisa.”

Wala raw siyang sinunog na tulay?

“Ay, hindi tayo nag-burn ng bridge. Kasi kapag ako nag-burn, totoo siyang nasusunog talaga. Charot! Ha-ha-ha!”

Read: Korina Sanchez, "bagong mukha" ng Face 2 Face

KARLA TO TAKE SHOWBIZ HIATUS AFTER ELECTIONS; FOCUS ON PUBLIC SERVICE

Babalik ba siya sa TV after election?

“Of course,” diin niya.

“Hosting, I think dito ulit [sa ABS-CBN]. Tawid-tawid lang. Tutal ganoon naman.

“Pero, ngayon sa gagawin ko for public service, baka mag-focus na lang muna ako dito.

“Hayaan ko na lang yung mga anak ko dito sa industriyang pinag-umpisahan natin.”

Pahinga raw muna si Karla sa showbiz.

“Oo, public service tayo para marami ang matutulungan.”

Bakit niya naisipang pasukin ang public service?

“Matagal ko nang gusto talaga ang public service, di ba? Alam niyo naman yun.

“Pero ito kasi nabigyan ako ng pagkakataong mas marami talaga ang natutulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At, I’m really, really very happy kung nasaan ako ngayon, with my Tingog Party List. They’re all from Leyte. They’re all from Tacloban City. Mga kaibigan ko talaga sila, especially, Martin Romualdez.”

KARLA NOW A PROUD LOLA

Kumusta ang puso niya?

“Okey naman. Masayang-masaya,” ngiti ni Karla.

“I’m okay. Sobrang saya ko, kasi I’m a lola now. Si Carlito, my second son, nagsilang na ang kanyang wife.

“Lalaki, his name is Claudio. November 12 siya pinanganak. So, magti-three weeks. Wala pang isang buwan.”

Ano ang feeling ng isang lola now?

“Hindi ko pa maramdaman dahil alam mo naman na rock and roll tayo. Pero siyempre, parang bunsong kapatid yung feeling.

“Kasi ang aga ko, e. Ang aga ko nagkaanak kay Carlito."

Twenty-one years old si Karla nang isilang niya si Carlito na anak niya kay Naldy Padilla, ang lead vocalist ng 1990s Pinoy rock band na Orient Pearl. Pinsan si Naldy ni Rommel Padilla, ama ng panganay ni Karla na si Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, expected natin iyan na kapag maagang nagkakaanak, maagang magiging lola,” pagtatapos ni Karla.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada is sincerely happy for the unprecedented box-office success of Hello, Love, Again, Kathryn Bernardo's movie with Alden Richards. She exclaims, “Of course, lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi iyan, di ba? Kapag magkakasama tayo sa industrya, dapat naghihilahan tayo pataas."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results