PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zig Dulay does not want to claim "actor's director" title but...

"Pero lahat ng pelikula ko, lahat ng ginawa ko, nanalo yung mga artista."
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 14, 2024
Zig Dulay in one of his seminars for young filmmakers.
Direk Zig Dulay: “Kasi sa totoong buhay, hindi ko naman kini-claim yung maging actor's director, pero kung babalikan yung filmography ko, hindi sa pagmamayabang, pero lahat ng pelikula ko, lahat ng ginawa ko, nanalo yung mga artista."
PHOTO/S: @zigcarlo Instagram

Nakadagdag-pressure kay Direk Zig Dulay ang expectations ng mga gusto siyang makatrabaho sa TV at pelikula.

May mga naghahambing na nga sa kanya sa legendary directors na sina Lino Brocka o Ishmael Bernal, dahil sa dami raw ng artista ngayon na gusto siyang makatrabaho.

“Medyo malaking bagay yan. Ang hirap i-claim. Pero si Lino Brocka at si Ishmael Bernal ay mga idol talaga.

“Masarap sa pakiramdam na ma-i-line up sa kanila. Pero, never ko naman silang mapapalitan,” pahayag ni Direk Zig sa media conference ng Green Bones, ang official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinakatuwa ng 37-year-old award-winning director na marinig mula sa mga katrabaho niyang artista na siya ang dahilan kung bakit sila pumayag na mapasama sa hawak niyang project.

“Kinikilig ako. Every time na sinasabi nila yun and that's the reason why nakakadagdag ng pressure sa akin na gusto nila akong maka-work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam kung ano yung meron, at hindi ko alam kung naibigay ko ba sa kanila yung expectations nila, parang gano'n.

“At the same time, I am grateful dahil gusto ko din silang maka-work. Pero mas yun na kinikilig ako, natutuwa ako na excited silang maka-work ako, excited silang may makuha or may matutunan somehow doon sa pagko-collaborate namin.”

Direk Zig, an "actor's director"?

Masyado pa raw maaga para tawagin siyang “actor’s director” dahil kakaunti pa lang daw ang naiaambag niya sa industriya.

“Kasi sa totoong buhay, hindi ko naman kini-claim yung maging actor's director, pero kung babalikan yung filmography ko, hindi sa pagmamayabang, pero lahat ng pelikula ko, lahat ng ginawa ko, nanalo yung mga artista.

“Maybe because ang role na pinapakita ko sa kanila bilang director ay ilabas sa kanila yung tunay nilang husay.

“Yung tunay nilang galing. At lagi ko yung pinipiga.”

Ilan sa mga artistang nanalo ng acting award sa pelikula ni Direk Zig ay sina Zsa Zsa Padilla at Gloria Sevilla (2014 MMFF New Wave Category: Best Actress and Best Supporting Actress for M: Mother’s Maiden Name); Alessandra de Rossi (2016 Sinag Maynila Best Actress for Bambanti); Angeli Bayani (2017 Cinemalaya Best Actress for Bagahe); Nar Carbico (2019 Sinag Maynila Best Actor for Akin Ang Korona); at Euwenn Mikaell (2023 MMFF Best Child Performer and 2024 FAMAS Best Child Performer for Firefly).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pakikipagtrabaho raw ni Direk Zig sa dalawang bida ng Green Bones na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid, inaral daw niya ang personalities ng mga ito para makuha niya ang dapat na lumabas na pag-arte sa kanilang roles sa pelikula.

“Ang mga artista, iba't ibang tao yan with iba't ibang personalities. Ibig sabihin, iba-iba din yung treatment kung paano.

“So, pinag-aaralan mo sila somehow, iniisip mo, kinikilala mo sila, ito yung meron sila, paano mo isasama yan sa eksena?

“Ganun ko sila nakikita. Parang nagluluto na merong secret ingredients. Paano mo ipapasok yung ingredient na yan sa pelikula para makapag-present kayo ng bagong luto?”

very busy direk zig

Bukod sa pagdirek ng pelikula, busy rin si Direk Zig sa pagdirek ng GMA Prime teleserye na Widows’ War at nagtuturo pa ito sa workshop for young filmmakers sa iba’t ibang probinsya.

Nakakatulog pa ba si Direk Zig?

“Nakakatulog naman ako. Hindi lang masyadong halata kasi double deck na yung eye bags ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siguro dahil mahal ko yung ginagawa ko. Hindi ako masyado nakakaramdam ng pagod.

“And at the same time, nararamdaman ko din na passionate yung mga tao sa paligid ko.

“Yung nabanggit mo kanina na excited sila to work with me, masarap sa pakiramdam. Parang enough na dahilan yun kung bakit patuloy mong gagawin yung ginagawa mo kahit nakakapagod siya physically. But I am constantly inspired.”

Bukod sa pagiging direktor sa TV at pelikula, isa ring screenwriter, cinematographer at editor si Direk Zig.

Nagtapos siya ng kursong Communication Arts major in Journalism and minor in Broadcasting sa University of the Philippines in Baguio.

Nakuha niya ang Master of Arts in Araling Pilipino (Creative Writing and Film), mula sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City, kunsaan naging protégé siya ng veteran screenwriter na si Armando “Bing” Lao.

Ang first full-length film ni Direk Zig ay 1017: Sa Paglaya Ng Aking Salita in 2009. Nasundan ito ng Huling Halik (2011), M: Mother’s Maiden Name (2014), Bambanti (2015), Paglipay (2016), Bagahe (2017), Akin Ang Korona (2019), Black Rainbow (2021), at Firefly (2023).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa TV ay naging direktor siya ng Sa Puso Ni Dok (2014), Dangwa (2015-2016), Karelasyon (2015-2017), Sirkus (2018), Wagas (2013-2019), Sahaya (2019), Tadhana (2018-2019), I Can See You (2020), My Fantastic Pag-ibig (2021), Legal Wives (2021), Stories From The Heart (2021-2022), Magpakailanman (2019-2022), Maria Clara at Ibarra (2022-2023), My Guardian Alien (2024) at Widows’ War (2024-present).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Zig Dulay: “Kasi sa totoong buhay, hindi ko naman kini-claim yung maging actor's director, pero kung babalikan yung filmography ko, hindi sa pagmamayabang, pero lahat ng pelikula ko, lahat ng ginawa ko, nanalo yung mga artista."
PHOTO/S: @zigcarlo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results