PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dad slams store for alleged discrimination against his PWD kid

H&M Philippines releases reaction.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Dec 13, 2024
Dad with stroller kid PWD
Dad slams H&M for allegedly discriminating his kid who is a PWD. H&M quickly responds to the dad's post on Facebook.
PHOTO/S: Facebook

Nitong mga nakalipas na taon ay isinusulong na gawing mas inklusibo ang ating lipunan para sa mga taong may kapansanan o Persons With Disability (PWD).

May mga ginawang hakbang para masiguradong accessible ang mga pampublikong espasyo para sa lahat.

Pero sa kabila nito, may mga pagkakataon pa ring nakararanas ng diskriminasyon ang mga PWD.

Kamakailan, viral ang Facebook post ng isang pamilya. Tungkol ito sa kanilang hindi magandang karanasan sa isang clothing store.

Anila, pinalabas sila ng store manager dahil sa stroller ng kanilang anak na may kapansanan sa paningin at pandinig.

Ang post ay mabilis kumalat at umani ng maraming reaksiyon, at sa kasalukuyan, ito ay may 9.9k reactions, 1.8k comments, at 21.2k shares.

Read: Single mom from Latvia decides to live in PH because of karaoke

THE DISAPPOINTING EXPERIENCE OF A CUSTOMER

"Galit na galit kami ng asawa ko," bungad ng Facebook user sa kanyang post.

Ayon sa kanya, ang tanging layunin nila ay mamili ng damit para sa kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa kabila ng kanilang mabuting intensiyon, pinalabas daw sila ng manager ng clothing store.

Ang post na ama (published as is), "Imbes mag sorry Un MANAGER, sabi PA wag daw kmi mamili sa store Nila."

Ang insidente ay nagdulot ng matinding pagkadismaya sa kanila, lalo na't hindi nila naisip na magkakaroon ng ganitong problema.

"Kakalungkot Lang may ganito wala empathy sa customer, Sana mabasa at makarating sa pamunuan ng H&M Philippines," dagdag pa nitong pahayag.

Ang kanilang katanungan sa FB post, "Tama ba talaga ba bawal ang PWD sa store nio?"

Naka-tag sa post ang official Facebbok account ng clothing brand, pati ang non-government advocacy organization na Pinoys with Disabilities Inc., at ang National Council on Disability Affairs DTI Philippines.

Dad viral Facebook post
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang ama ang may strong reaction kundi pati na rin mga netizens.

(Note: All comments are published as is.)

Ang sabi ng isang netizen, “No sympathy at all. Minsan kasi ang mga tao, hindi nila alam kung ano ang hirap natin para maalagaan o kahit minsan maipasyal man lang ang mga anak natin na mga pwd.

“Meron din kaming anak na may special needs (Autism at adhd) at lahat na ata ng panghuhusga naranasan namin. Thank you for sharing sir para maging aware din ang lahat.”

PWD discrimination 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi naman ng isa pa, “If anything the staff should have extended special attention to your child by assisting you and giving you priority treatment.

“I think they lack training in this aspect. You need to report this and not let them get away with discrimination.”

PWD kid discrimination 2

Ganito naman ang sabi ng isa: “Grabe, no sympathy naman ang manangement. Alam po ba nila na mas mahal pa ang stroller wagon nyo kesa sa items nila. File a case for discrimination.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
PWD kid discrimination 3

Samantala, may ilang netizens ding nagtanggol sa clothing store.

Sabi ng isa, “There are always two sides of the story.... I don't judge from one side alone... I observed din na may kalakihan Ang stroller... Maybe, the stroller should be placed to one side of the Shop and not be pushed around on its alleyways so that it might not interfere with the people traffic inside the store, unless the PWD is the one actively choosing/buying items”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
PWD kid discrimination 4

Sabi ng isa pa, “Kwento nila yan kaya syempre sila ang bida jan. Magsampa kayo ng kaso hindi ung hingi agad simpatya sa social media. Pano kung may katwiran ung management, hihingi ba kayo public apology?”

Reply dito ng isa pang netizen, “Sana wag mangyare sa pamilya mo at magkaroon ka ng anak na PWD. Goodbless sayo”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa ng isa pa, “Kaya nag post kasi matinding panawagan, mabigyang pansin ng tamang ahensya at nang hindi nila maisantabi o maliitin yung reklamo tulad nyang mga binitawan mong mga salita”

Read: Old painting in barn sale bought for PHP2,900 sold for PHP12M

PWD discrimination post 5

Kung susumahin, nais ipunto ng netizens na walang problema kung anuman ang “rules” na mayroon ang clothing store.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero maaari pa sigurong ma-improve kung paano nila in-approach ang customer.

Sabi nga sa isang netizen, “I think, its not really the rules ang naging problema dito.. its the way on how the manager APPROACHED the customers, kung pano nya hinandle ang situation.

“Obviously, may nakatrigger sa customers kung bkit sila nagalit, as in galit na galit (based sa statement). They felt disrespected, and kahit sinu namang tao na mafeel ang ganun, tlgang matitrigger na magalit.”

PWD kid post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE FASHION RETAILER’S RESPONSE

Naglabas naman ng pahayag ang H&M Philippines noong Disyembre 10, 2024, upang tugunan ang insidente.

Inamin ng kumpanya na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng kanilang staff at ng customer.

"Our team approached the customer regarding a large stroller without realizing that it was being used by a child with a disability," ang pahayag ng kumpanya.

Ikinalungkot ng kumpanya ang nangyaring insidente at agad na humingi ng paumanhin.

"We regret any distress this may have caused and are reviewing the situation to ensure we learn from it," dagdag nito.

Nilinaw din ng H&M na ang kanilang mga team members ay pinaalalahanan hinggil sa kanilang "accessibility policies" upang matiyak na hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

"We are committed to improving our practices to better serve all our customers," pagtatapos nila sa kanilang pahayag.

H&M reaction discrimination issue
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A CALL FOR AWARENESS ON DISABILITY RIGHTS

Ang insidenteng ito ay nagbigay liwanag sa mas malawak na isyu tungkol sa karapatan ng mga PWD sa mga pampublikong lugar, lalo na sa mga commercial establishments.

Ayon sa Republic Act 7277, o ang Magna Carta for Disabled Persons, "no disabled person shall be discriminated on the basis of disability in the full and equal enjoyment of the goods, services, facilities, privileges, advantages or accommodations of any place of public accommodation by any person who owns, leases, or operates a place of public accommodation."

Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay may karampatang parusa, tulad ng multa na hindi bababa sa PHP50,000 o pagkakakulong nang hindi bababa sa anim na buwan.

Samantala, habang patuloy ang pagsusuri na isinasagawa ng H&M Philippines sa nangyaring insidente, ang mga tanong ukol sa accessibility at treatment ng mga PWD sa mga public spaces ay patuloy na nagsusulputan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng pangangailangan sa pagtanggap sa mga PWD, hindi lamang sa mga kumpanya, kundi sa buong lipunan.

Kailangang mas paigtingin pa ang awareness campaign at enforcements ng rules para mas maging conscious ang bawat indibidwal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dad slams H&M for allegedly discriminating his kid who is a PWD. H&M quickly responds to the dad's post on Facebook.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results