PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Voice winner Sofronio Vasquez reposts Rey Valera's advice

Rey Valera to Sofronio: "... ikaw ang gagawa ng sarili mong swerte."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 12, 2024
Sofronio Vasquez recounts Rey Valera's advice after The Voice USA win
After making history as the first Asian winner of The Voice USA, Sofronio Vasquez (left) recounts the encouraging words he received from veteran singer-songwriter Rey Valera (right).
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube/Sofronio Vasquez on Instagram

Matapos manalo sa The Voice USA, nagbalik-tanaw ang American-singer na si Sofronio Vasquez sa naging payo sa kanya noon ng veteran singer-songwriter na si Rey Valera.

Sa kanyang Instagram Stories nitong Miyerkules, December 11, 2024, ni-repost ni Sofronio ang post ng isang netizen ng throwback video clip ni Rey habang binibigyan niya ng komento ang pagkanta noon ni Sofronio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang taon bago sumali si Sofronio sa The Voice USA ay sumali muna siya sa "Tawag ng Tanghalan," ang singing competition ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Naging punong hurado noon si Rey.

Sofronio Vasquez recounts Rey Valera's advice after The Voice USA win
Rey Valera
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Tatlong beses sumubok si Sofronio sa "Tawag ng Tanghalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una siyang sumalang noong 2016, ngunit bigo siyang mapiling finalist.

Sa pangalawang pagkakataon, noong 2017, ay muling sumubok si Sofronio ngunit hanggang semifinals lang ang inabot niya.

Noong 2019, muling bumalik si Sofronio para sa "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak."

Sa pagkakataong ito ay nakuha niya ang ikatlong puwesto. Ang itinanghal na grand champion ay si Mark Michael Garcia.

Bago pa ito, sumali rin siya sa The Voice Philippines noong 2014, pero walang lumingon sa kanya ni isang coach sa Blind Audition.

REY Valera’s advice TO SOFRONIO Vasquez

Dahil sa pagkapanalo ni Sofronio sa The Voice USA Season 26, ilang netizens ang nag-repost ng video kung saan nagbigay ng komento si Rey sa naging performance ni Sofronio sa "Tawag ng Tanghalan."

Read: Sofronio Vasquez hailed as first Asian winner of The Voice USA

Tila mabilis naman itong napansin ni Sofronio kaya't ini-repost niya ang nasabing video clip sa kanyang Instagram Story.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kalakip ang caption na (published as is), "Thank you Lord."

Sofronio Vasquez recounts Rey Valera's advice after The Voice USA win
Photo/s: Screengrab Sofronio Vasquez on Instagram

Sa video, makikita at maririnig ang tila pagma-manifest ni Rey sa singing career ni Sofronio.

Ayon kay Rey, noon pa man ay nakikita na niya ang determinasyon at pagpupursigi ni Sofronio para sa pangarap nitong maging isang ganap na singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas man daw niyang makitang mag-isa si Sofronio, hindi ito naging hadlang para ipakita ng aspiring singer na siya ay mahusay at may ibubuga pagdating sa kantahan.

Saad noon ni Rey kay Sofronio: "Alam mo gumawa ka ng reputasyon dito ha, at tuwing makikita kita sa labas, ang meaning ko, tuwing magkakasalubong tayo, ikaw lang yung nakikita kong walang kasama.

"Wala, ikaw lang mag-isa, you're all alone. Hindi ko maintindihan why, pero I think [may pagkakapareho] tayo konti.

"You are your best friend. Ikaw ang mentor mo, sarili mo. Ikaw na rin yung cheering squad mo at the same time."

Sofronio Vasquez recounts Rey Valera's advice after The Voice USA win
Sofronio Vasquez gets emotional over Hurado Rey Valera's comment.
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa taglay na galing at determinasyon, nakikita raw ni Rey na balang araw ay papanig ang kapalaran na magtagumpay si Sofronio.

Hindi man sa "Tawag ng Tanghalan" kundi sa ibang pagkakataon.

Aniya, "Kung hindi ka man ngitian ng Lady Luck ngayon, I’m sure dahil yon sa alam niya na ikaw ang gagawa ng sarili mong suwerte at hindi mo siya kailangan.

"Because yung ganyang klaseng tao, you will always find your way."

SOFRONIO SAYS WINNING THE VOICE USA IS A "Dream come true"

Samantala, sa hiwalay na Instagram post, ibinahagi ni Sofronio ang litrato nila ng Canadian singer-songwriter na si Michael Bublé.

Si Michael ang napiling coach ni Sofronio sa The Voice USA.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "dreams really do come true."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang litrato niya na hawak-hawak ang kanyang The Voice USA trophy ang ini-upload ni Sofronio sa Instagram ngayong Huwebes, December 12.

Saad niya sa caption (published as is), "believe that you can, and manifest it with your whole heart."

Read: Sofronio Vasquez makes it to The Voice USA finale

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After making history as the first Asian winner of The Voice USA, Sofronio Vasquez (left) recounts the encouraging words he received from veteran singer-songwriter Rey Valera (right).
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube/Sofronio Vasquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results