PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Confiado not pursuing cyberlibel rap against content creator

Here's why Mon Confiado decided not to pursue complaint vs. content creator.
by Melba R. Llanera
Published Dec 11, 2024
Mon Confiado
Character actor Mon Confiado on not pursuing his cyber libel complaint versus content creator Ileiad for putting out what he says is a false and malicious story about him: "Dahil busy naman ako at dahil siya ay humingi na rin ng paumanhin; at yung nanay napakaraming messages na humihingi sa akin ng tawad, humihingi ng sorry…"
PHOTO/S: Mon Confiado on Facebook

Nagdesisyon Mon Confiado na huwag nang ituloy ang kanyang cyber libel complaint laban sa content creator na si Jeff Jacinto, aka Ileiad.

August 12, 2024 nang pormal na naghain ng reklamo sa Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mon laban sa content creator.

Kaugnay ito ng umano’y mapanirang post ng content creator laban kay Mon.

Ayon kay Mon, ginawan siya ng false story ni Ileiad na ipinost pa sa kanyang Facebook account.

Diumano, namataan umano ng content creator si Mon sa isang grocery store sa Marikina.

Lumapit daw ito sa aktor para magpa-picture, pero dinuro-duro raw siya ng character actor.

Nakita rin daw niya si Mon na kumuha ng ilang piraso ng chocolate bars at wala raw sanang balak bayaran, subalit sinita umano ng cashier.

Nang kailangan na raw bayaran ni Mon ang chocolates ay pinagsisigawan umano niya ang cashier.

Nang kumprontahin daw ni Mon si Ileiad, sinabi raw ng huli na isang “joke” lang ang lahat ng ginawa niyang post laban sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas na ang ginawa pala ni Ileiad ay ang tinatawag na “copypasta.”

Ito yung mga block text na kinokopya at ipino-post ng netizens. Kadalasan itong ginagawa bilang “inside jokes” at may intensiyong “ridicule the original author or provoke a response from users.”

Read: Mon Confiado files cyber libel complaint against content creator

MON CONFIADO UPDATE

Kinumpirma ni Mon ang tungkol sa pag-urong niya ng reklamo laban sa content creator sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP si Mon sa 39th Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Winford Hotel And Casino noong November 24, 2024.

“Dahil busy naman ako at dahil siya ay humingi na rin ng paumanhin; at yung nanay napakaraming messages na humihingi sa akin ng tawad, humihingi ng sorry…

“Mahirap lang daw sila. Wala silang pambayad ng abogado," paliwanag ni Mon.

Sa huling update na nakarating kay Mon, pinadalhan na raw ng subpoena si Ileiad, kaya may prosesong sinusunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang problema napadalhan na siya ng subpoena ng NBI, di na ako um-attend ng iba pang hearings.

“Nasa kamay na ng NBI. Ako naman, pinapaubaya ko na lang.

“Saka di naman ito malaking kaso. Kumbaga, ang bottom line lang naman ay makapagbigay ng awareness na hindi naman tayo dapat ginagamit."

Tinanong namin si Mon kung umakyat na para maging kaso ang inihain niyang reklamo sa NBI.

Sagot ni Mon: "Hindi ko na na-monitor ito, sa tingin ko, hindi pa.

"Ano ‘yan, e, padadalhan siya ng subpoena, iimbitahin ng NBI, kailangan niyang magpaliwanag para pagbatiin kami.

"Yun naman ang purpose, e.”

Ayon kay Mon, isa sa nakapagpalambot talaga ng puso niya ay ang ina ni Ileiad na paulit-ulit na humihingi ng pasensiya dahil sa ginawa ng anak nito.

Ang mahalaga raw ay natuto na ang content creator sa nangyari.

"Sa akin, baka sa bandang huli ako pa ang mapasama kapag ito ay tinuloy ko at pinatulan pa," ani Mon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“The fact na nanay ang humihingi ng tawad, siya naman din.

“Yung sa akin pinadaan na nga sa media, isang malaking bagay na yun. Lesson na rin sa kanya yun.

“Ako naman, nakapagbigay ng awareness, okay na yun sa akin."

Bukas ang PEP sa panig ng mga taong sangkot sa isyung ito.

Read: Mon Confiado slams netizen who posted fabricated story about him

MON ON WINNING AN ACTING AWARD

Samantala, itinanghal si Mon bilang Best Supporting Actor sa 39th Star Awards For Movies para sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi.

Labis ang pasasalamat ni Mon sa award na ipinagkaloob sa kanya ng PMPC.

Sabi ng aktor: "Sobrang overwhelmed, sobrang saya kasi, actually, first Star Award ko ito.

“Nano-nominate naman ako pero di nanalo. Ngayon nanalo na.

“To be honest, nung ako ay nagsisimula pa lang mag-artista, pangarap ko ma-interview ng mga press.

“Yung lumabas lang ako sa mga write-ups ng press people, malaking bagay na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon after 30 years, pinarangalan na nila ako, kaya maraming salamat.

“Talagang honored ako. Iba rin ang feeling kapag Star Awards ang nagbigay sa iyo kasi, siyempre, mga press ‘yan.

“Kumbaga, babad sila sa nangyayari sa mga pelikula, sa mga performances, so nakaka-overwhelmed lang."

Isa sa in demand na character actors sa kasalukuyan, naniniwala si Mon na ang mga tulad niyang supporting or character actors ay tuloy-tuloy ang trabaho at di nawawala.

"Tama naman yun. Ang perfect example na diyan ay si Direk Eddie Garcia, for a long time supporting actor siya, pero tinitingala natin, hindi nawawala.

“For a time nagbida siya sa mga action films, pero established na siya as supporting actor, as character actor.

“I guess, pag character actor walang pressure, e, ke kumita o hindi kumita ang pelikula. Next project kasali ka na naman, hanggang tumanda ka.

“Basta mahal mo ang trabaho mo, maayos ang trabaho mo, I guess tumatagal ang character actor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON MMFF ENTRY, other projects

Ibinalita rin ni Mon ang ibang pang proyektong kinabibilangan niya, kabilang ang Espantaho, isa sa entries sa 2024 Metro Manila Film Festival entries,

"Ngayon ay part ako ng Espantaho, pelikula ni Direk Chito with Judy Ann Santos for MMFF.

“Part ako ng series na Lumuhod Ka Sa Lupa ng TV5. Marami akong upcoming films na hindi pa syinu-showing, gaya ng Lilim ni Direk Mikhail Red na isang horror film.

“Mayroon akong war film na ang title ay In Thy Name. Mayroon din kaming pelikula ni Direk Paul Soriano, The Fisher, at mayroon kaming series ni Jericho Rosales, yung Cellblock."

Puring-puri ni Mon ang professionalism at husay na nakikita niya kay Judy Ann Santos na siyang lead actress ng Espantaho.

"The best. Nakakatrabaho ko na si Judy Ann since bata pa siya, yung mga pelikula nun Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig [1990]. And nakatrabaho ko siya sa Aishitemasu [2004].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami pa kaming ginawa, ‘tapos itong Espantaho.

“Nag-mature na rin si Judy Ann as an actress. Napakahusay niya kaya kailangang makita nila ang performance niya.

“Di lang dahil horror ito. Mahirap pag horror, e. Actually, di lang siya horror, may pagka family-oriented itong kuwento nito."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Character actor Mon Confiado on not pursuing his cyber libel complaint versus content creator Ileiad for putting out what he says is a false and malicious story about him: "Dahil busy naman ako at dahil siya ay humingi na rin ng paumanhin; at yung nanay napakaraming messages na humihingi sa akin ng tawad, humihingi ng sorry…"
PHOTO/S: Mon Confiado on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results