Bilang isang multi-awarded actor, ano ang mas mahalaga para kay Allen Dizon: kita ng pelikula niya sa box office o acting award?
“In terms of producer, siyempre dapat box office. In terms of ako, bilang artista, siyempre award," sagot ni Allen.
“Pero sana both, di ba? May mga kita na yung producer and may award pa ang mga artista.
“Sana… para sa akin, hindi naman yung sobrang box office, basta maibalik lang yung ROI [return of investment] ng producer, okay na.
"At least wala kang guilt feeling na yung pelikula ko, walang nanood.
"Although may award ako, pero yung producer ko kawawa naman.
“Gusto ko it's a give and take, gusto ko lahat masaya.
"At least yung kinuha ka para, at least, makabawi yung producer.
"Kinuha ka dahil gusto ka dahil magaling kang artista, nagka-award ka. Di ba?
“Kumbaga, dapat iniisip mo rin yun e. Para sa akin, sana both.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen sa story conference ng Unconditional ng BR Film Productions, noong Nobyembre 30, 2024, sa Azadore restaurant sa Scout Fernandez corner Scout Torillo, Quezon City.
Ang upcoming movie ay mula sa panulat ni Jerry Gracio at sa direksiyon ni Adolfo Alix Jr.
Bukod kay Allen, tampok din sa pelikula si Rhian Ramos, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, Paolo Gumabao, Rico Barrera, Brandon Ramirez, at Joel Lamangan.
Read: Allen Dizon sees the director as ultimate authority on the set

ALLEN DIZON ON MOVIES AND DRAMA SERIES
Tagumpay na nakakatawid si Allen sa pelikula at sa telebisyon, napakarami na niyang nagawang pelikula.
Malapit na ring ipalabas ang Fatherland habang gagawin naman niya ang isa pang bagong pelikula, ang Unconditional.
Kailan lamang ay napanood din si Allen sa top-rating Kapuso drama series na Abot-Kamay Na Pangarap na nagwakas sa ere nitong Oktubre, 2024.
Read: Allen Dizon, nabili ang dream car dahil sa Abot-Kamay Na Pangarap
Ano ang pagkakaiba ng pagiging artista sa pelikula at telebisyon? Saan siya mas enjoy?
Saad ni Allen, “Siyempre alam mo naman, first love ko pelikula talaga, e. Pelikula talaga yung mas forte ko.
“At alam naman natin pag TV, siyempre mas pagod dahil maraming taping, maraming sequences.
“At siyempre, mas marami kang kikitain sa TV, especially regular show, regular yung dating ng pera sa iyo.
“Pero siyempre yung puso mo nagiging ano na lang, nagiging mechanical ka na lang, parang routine, nagiging routine pag TV.
“Yung acting mo pareho na lang, yung itataas mo, yung ibababa mo.
"Hindi kamukha ng pelikula, may subtlety ka pa rin.
“Yung pelikula may rawness pa rin na lalabas sa iyo dahil iba-ibang role ang ginagampanan mo and kailangan mong aralin talaga yung bawat… kumbaga, mga dialogue mo, kung paano yung ano ng mata mo.
“Sa pelikula kasi dapat consistent ka, e. Kumbaga, dapat kung ano yung ginagampanan mong role, dapat mapapaniwala mo yung mga tao, audience, na totoo ka dun sa ginagawa mong character, di ba?
“Sa TV, wala na, after bukas, after nun, wala na yun e, nakalimutan na yun, e.
"Ang pelikula, pag tumanda ka nandiyan pa yun, hanggang sa mga apo mo nandiyan pa yan."
Read: Allen Dizon, very challenging ang role sa Abot-Kamay Na Pangarap
