Maningning at masaya ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 grand media and fan conference na ginanap sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, noong Biyernes, December 6, 2024.
Dinaluhan ang event ng mga bida at supporting cast ng sampung pelikulang kalahok sa ika-50 edisyon ng MMFF.
Kabilang na rito ang cast ng Uninvited, Espantaho, And The Breadwinner Is..., Topakk, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, Hold Me Close, Green Bones, The Kingdom, Isang Himala, at My Future You.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries
MMFF then and now: chanda romero from first to 50th
Espesyal para sa beteranang aktres na si Chanda Romero na mapabilang siya sa MMFF 2024.
Ito ay dahil sa unang pagdaraos ng Metro Manila Film Festival noong taong 1975 ay kasama rin siya, sa pamamagitan ng action film na Alat! kung saan bida si Tony Ferrer.
Sa 50th edition ng MMFF, kasamasi Chanda sa cast ng horror movie na Espantaho.
Tampok din dito sina Judy Ann Santos, Eugene Domingo, Janice de Belen, at Lorna Tolentino.

Kuwento ni Chanda, "First of all, I want to say that this is a long time coming kasi, these people don't know, hindi pa ipinanganak to, yung first Metropolitan Film Festival in 1974, kasama na ako.
"So, after 50 years, here I am. So this is a golden adventure for me. Golden moment."
Pinalakpakan nang husto si Chanda ng audience at press people na nasa event.
(Ang sinabi ni Chanda na taon kung kailan nagsimula ang MMFF ay "1974," ngunit base sa datos ay noong 1975 talaga ito ginanap.)
Read: Judy Ann at Gladys, magkaibigan pero magkatapat sa MMFF 2024
EUGENE DOMINGO ON QUESTION ABOUT SENIOR CITIZEN
Halakhakan naman ang dulot sa audience sa kuwelang sagot ni Eugene Domingo, na kasama rin sa cast ng And The Breadwinner Is..., sa tanong na binasa ng host na si Enchong Dee mula sa isang fan.
Kasama ni Eugene si Gladys Reyes at direktor na si Jun Lana.

Tanong ni Enchong, "Ito naman yung susunod nating tanong from Virgie San... Ito para kay Uge at kay Gladys. How can you relate your movie to us, senior citizens? Thank you."
Kunyaring gulat na sagot ni Eugene, "Ano?"
Sagot nina DJ Jhai Ho at Enchong, seryoso raw yung tanong at hindi imbento.
Sabi ni Eugene, "Okay, sige, aaminin ko na. Magka-batch kami ni Chanda Romero nung 1974.
"Naalala mo? Di ba? Akalain mong umabot tayo ngayon 2024, Chanda?
"Kasama si Tommy Abuel. Alam mo yan? Oo. So, masaya ka na, Enchong?"
Sagot ni Enchong, "Tanong kasi ni Virgie yun. How can you relate this film to the senior citizens?"
Sabi ni Eugene, "Bakit ako?"
Singit ni DJ Jhai Ho, "Nabunot lang yan, Ate Uge. Nabunot yan."
Sabat ni Enchong, "Bakit galit ka sa akin?"
Tugon ni Eugene, "Hindi. Kakausapin ko yung mga senior citizens. Oo. Bakit ako nga?
"Sandali, sandali. Ito na lang. Ricky Lee, pakipaliwanag. Pakipaliwanag, bakit kailangang panoorin ng senior citizens ang And The Breadwinner Is...?"
Nabigla naman si Ricky Lee pero hindi ito nagsalita.
Dagdag pa ni Eugene, "O, ito na lang. Direk Laurice [Guillen], baka puwedeng tulungan mo ako.
"Paano ba ipapaliwanag? Ito na lang. Ito naman kasi si Enchong, ang gulo-gulo!
"Ito na lang. Seryoso na lang. E, hindi lang naman senior citizens ang kailangan manood, Enchong.
"Oo, pati ikaw. Yes. At saka tayong lahat. Kasi parte ito ng katotohanan.
"Sa pamilyang Pilipino, lahat tayo may kilalang breadwinner. Baka ikaw ang breadwinner?
"O, yung kapatid mo, matagal nang pasan-pasan ang pagiging breadwinner.
"So, panahon na para mapanood natin. Ito ay unique sa kultura ng Pilipino na bakit nga ba sa isang pamilya may isang titindig para sa lahat.
"So, isipin na lang natin na pag pinanood natin ang Breadwinner, baka naman may mensahe ito sa yo.
"Baka may kailangan tayong baguhin, hindi ba?
"So, mas maganda naman na bawat isa sa pamilya, baka naman puwedeng lahat tayong breadwinner. Di ba?
"So, para sa mga senior citizens, maliwanag na po ba?
Halakhakan pa rin ang audience sa banter nina Eugene, Enchong at DJ Jhai Ho.
Read: MMFF 2024, mahigitan kaya ang kinita ng MMFF last year?
MMDA CHAIRMAN DON ARTES: "kita-kita po tayo sa sinehan."
Proud naman si MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes sa sampung entries sa festival ngayong taon.

Pinaghirapan daw ito ng "mga producers, directors, artista, at mga filmmakers po na nandito."
Kaya pakiusap niya sa mga tao: "Abangan po natin sila sa cinemas starting December 25.
"Meron po tayong parada ng artista sa Maynila sa December 21 at Awards Night sa Solaire, December 27.
"So, kita-kita po tayo sa sinehan."
