Binuweltahan ni Regine Velasquez ang isa niyang basher sa X (dating Twitter) nitong Sabado ng gabi, December 7, 2024.
Mahaba at magalang ang naging sagot ng Asia’s Songbird sa X user na may handle na @_MAXHIE.
Sabi ni Regine sa kanyang reply: “When did I ever ask you for something I need? Did I ask you for money?”
Read: Regine Velasquez receives apology over MYX billing issue

Read: Regine Velasquez serenades mall-goers at grand store opening
Pagbibigay-diin pa niya (published as is): “I invite you to watch my concerts, sure, but I’m not forcing you too.
“I ask if you can listen to my songs which are practically free, hindi kita pinipilit. Kung ayaw mo, walang problema sa akin.”
Mahinahon pa ring idinagdag ni Regine: “Hindi rin naman kita pinilit na hangaan ako. YOU decided to do that; I didn’t ask you to.
“But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sa akin, ano yun?
“You have so much expectations of me. You don’t even know me personally. You just think you know me but you don’t.
“God bless you.”
Read: Ogie Alcasid on daughter Leila's engagement, marriage to Regine
BASHER'S X ACCOUNT LOCKED
Naka-lock ang account ni @_MAXHIE kaya hindi malinaw kung ano ang naging tweet nito patungkol kay Regine.
Nag-reply naman kay Regine ang mister na si Ogie Alcasid bilang suporta sa kanya: “Baba, I love you.”
Maging ang fans ng Asia’s Songbird ay nagpakita rin ng suporta sa pamamagitan ng mga komento.
Read: Ogie Alcasid, bumalik sa pagiging cat person

Read: Regine Velasquez, Mark Bautista "walang pamasahe pauwi" noon
Karamihan sa mga ito ay nagsabing huwag na lang niyang intindihin ang nam-bash sa kanya.
Nagpapapansin lang daw ito.
Suwerte rin daw ang kanyang bashers dahil nagre-reply siya sa mga ito.
May fans din si Regine na nagsabing paminsan-minsan ay dapat talagang patulan ang mga "feelingerang bashers."
Nakatakdang magdaos ng kanyang Valentine concert si Regine na pinamagatang Reset sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati, sa February 14, 15, 21 and 22, 2025.
Read: Regine Velasquez denies Ogie Alcasid divorce rumors

