Engaged na ang Eat Bulaga! host na si Jose Manalo, 58, sa kanyang partner na si Mergene Maranan, 37.
Si Mergene ay dating miyembro ng all-female dance group na EB Babes.
Sa video na in-upload ng TikToker na may handle na @jhoanofarc19 ngayong Sabado, December 7, 2024, makikita si Jose na nasa lobby ng isang establisimyento at kumakanta ng “Ikaw” ni Yeng Constantino.
Read: Jose Manalo reveals why he doesn't mind getting mobbed by fans

Read: Priscilla Meirelles, John Estrada attend event of daughter Anechka
May nag-a-accompany sa kanyang gitarista at sax player.
Makalipas ang ilang sandali ay naglakad si Jose habang patuloy na kumakanta.
Sinundan siya ng camera.
Nakadukot ang kanyang kaliwang kamay sa bulsa ng kanyang suot na blue shorts.
Read: TikToker's post about marrying "stepdad" sparks flood of comments
MERGENE SURPRISED BY JOSE'S PROPOSAL
May kalayuan din ang nilakad ni Jose, at nang marating niya ang isang bahagi ng establisimyento ay maririnig ang kinikilig na tilian.
Tumigil na rin ang comedian-host sa paglalakad at pagkanta.
Saglit pa, makikita si Mergene na sumisigaw ng: “Ano iyan? Ano iyan? Totoo?”
Hindi agad sumagot si Jose kaya muling nagtanong si Mergene: “Weh? Totoo ba? Luh!”
Read: Nicco Manalo, hindi isyu ang pagkukumpara sa kanya sa amang si Jose Manalo
Hindi pa rin sumagot si Jose kaya nilapitan na ito ni Mergene.
Bulalas nito, “Luh, nahihiya ako!”
Sambit nito nang makalapit kay Jose, “Totoo pala...”
Itinuloy naman ni Jose ang pagkanta nang magkatapat na silang dalawa.
Hirit pa rin ni Mergene, “Joke lang ‘to.”
Sabi naman ng TV host, “Alam mo naman, kilala mo na ako noon. And now and forever.”
Read: Benj Manalo once thought this veteran actor was his father
MERGENE MARANAN SAYS “YES!”
Inilabas na ni Jose ang engagement ring mula sa kanyang bulsa, at lumuhod sa harap ni Mergene.
Ipinakita niya ang singsing kay Mergene sabay sabing, “Puwede ba kitang pakasalan?”
“Yes,” sagot naman ni Mergene.
Napasigaw ng “Yehey!” ang mga kasama nila.
Read: Why Kuya Kim Atienza wears beret in new GMA-7 show

Read: Trina Candaza denies she has a rich boyfriend: "I'm not dating anyone right now."
Saglit pa, isinuot na ni Jose sa daliri ni Mergene ang singsing.
“Congratulations!” sabay-sabay na bati sa kanila ng mga nasa venue.
Mahigpit ding nagyakap ang newly engaged couple.
Read: Belle Mariano on chemistry with Donny Pangilinan: "You can't fake it."

Read: Vic Sotto "sumobra ang bonding" with Piolo Pascual; admits, "Nag-fanboy mode ako..."
Nagpasalamat si Jose sa mga sumaksi sa kanyang proposal.
“Nahihiya ako,” sabi naman ni Mergene.
Binigyan din ni Jose ng mga bulaklak ang fiancée, sabay sabi ritong, “I love you. Mahal na mahal kita.”
Ang mga detalye ng relasyon nina Jose at Mergene ay pribado.
Ngunit pinaniniwalaang nabuo ang kanilang pag-iibigan nang aktibo pa ang EB Babes bilang regular dancers sa Eat Bulaga!, mula 2006 hanggang 2020.

Matagal nang hiwalay si Jose sa dati niyang asawa na si Anna Lyn Santos, kung saan mayroon siyang limang anak—kabilang ang mga aktor na sina Benj at Nicco Manalo.
Pumanaw si Anna Lyn noong January 2022 sa edad na 54.
