PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Arcilla on Maris Racal-Anthony Jennings issue: “Move on na”

John Arcilla reminds people to attend to their own affairs.
by Bernie V. Franco
Published Dec 6, 2024
John Arcilla, Anthony Jennings and Maris Racal
John Arcilla (left photo) on Anthony Jennings-Maris Racal controversy: "Mga bata pa sila, dumaan din naman tayo sa ganyan."
PHOTO/S: John Arcilla on Facebook / Shaira Luna

May panibagong post ang award-winning actor na si John Arcilla kasunod ng development ng isyu nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Katulad ng marami, may opinyon din si John ukol sa kontrobersiya nina Maris at Anthony na pinag-uusapan sa social media at sinusubaybayan ng publiko.

May nauna nang ipinost si John sa Facebook para ipahayag ang kanyang saloobin ukol sa kontrobersiya ng dalawang Kapamilya stars.

Nais niyang tumbukin na ang biktima sa pangyayari ay si Maris at ang ex-girlfriend ni Anthony na si Jamela Villanueva.

Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

Nagsimula ang isyu nang i-post ni Jamela sa social media ang screenshots ng private conversations nina Anthony at Maris.

Alegasyon niya, habang magkarelasyon pa sila ni Anthony ay may namamagitan na sa aktor at kay Maris.

Sina Maris at Anthony ay kilalang loveteam sa showbiz.

Read: Netizens sympathize with Rico Blanco amid Maris-Anthony issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Biyernes, December 6, 2024, nagbigay ng magkahiwalay na pahayag sina Maris at Anthony ukol sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

Inako ni Maris ang kanyang pagkakamali. Inamin niyang may namagitan sa kanila ni Anthony dahil nahulog ang loob nila sa isa’t isa sa trabaho.

Pero buong akala raw niya ay single si Anthony dahil ito umano ang sinabi sa kanya ng aktor.

Huli na raw nang malaman ni Maris na hindi pala totoong nakipag-break si Anthony kay Jam.

Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex

Nagsalita na rin si Anthony. Sa maiksing pahayag ay humingi siya ng sorry kina Maris at Jam.

Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva

JOHN ARCILLA POSTS ANEW

Kasunod ng inilabas na reaksiyon nina Maris at Anthony, panibagong post ang ibinahagi ni John ngayong Biyernes.

Nais ipahiwatig ng award-winning actor na ituon naman ng publiko ang atensiyon sa sari-sariling buhay.

Sana raw ay may magandang natutunan ang lahat na sumubaybay sa isyu nina Maris, Anthony, at Jamela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ok na ba ang lahat? Malinaw na?” bungad na post ni John.

Diin niya (published as is), “Gusto ko sana sabihin patawarin na natin sila, pero wala naman tayong KAILANGAN PATAWARIN SA KANILANG TATLO DAHIL WALA NAMAN SILANG NAGING KASALANAN SA ATIN.

“They did what they did at that time because that is what THEY THOUGHT are the BEST THINGS to do nung tumatawid sila sa pagkakataong iyon AT ITO NGA ANG NAGING RESULTA.

“We LEARN our lessons in many ways. Mga bata pa sila, dumaan din naman tayo sa ganyan. Sa mga hindi pa eh PUNYETA na lang pag di pa tayo TUMINO”

Giit niya pa, “Huwag na tayong mag matigas sa kwentong hindi atin. Sila ang gagawa ng ending nito.”

Ayon pa kay John, may kanya-kanyang opinyon ang lahat na maaaring magkakaiba. Pero hindi na para lubos makisawsaw pa sa mga taong nasangkot sa isyu.

“Lahat tayo ay nagkaka mali - at bigyan natin ang bawat isa ng pagkakataon para makabangon at makita ang susunod na hakbang,” sabi ng dramatic actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahaging pa ni John, nire-reflect ng bawat isa ang kanilang sarili sa mga taong sangkot kung sa kanila mangyayari o nangyayari ang parehong sitwasyon.

Punto niya, “representative lang yung mga taong involved sa kwento ng mga sarili nating bitbit sa buhay.

“So move on na and Let’s all be positive and take good care of our own consequences.”

Saad pa niya, “Nagkabunga na ang ating mga pag aalala para sa kanila.

“Sabi nga ‘ALL’s WELL THAT ENDS WELL’ Let us wish everyone a good life. Ang lagi kong mantra: ‘Don’t Wish them Bad, Wish them Consciousness’ Mabuhay!”

John Arcilla post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla (left photo) on Anthony Jennings-Maris Racal controversy: "Mga bata pa sila, dumaan din naman tayo sa ganyan."
PHOTO/S: John Arcilla on Facebook / Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results