Pumirma si Kuya Kim Atienza ng panibagong tatlong taong kontrata sa GMA Network noong December 2, 2024.
Nagpasalamat ang tinaguriang Philippine Trivia King sa pamunuan ng Kapuso network sa patuloy na pagtitiwala sa kanya.
“All I can say is I’m just honored and so humbled na kailangan niyo pa ako at this point. Ako po ay so inspired.
“My stay here in GMA, I’m just having so much fun. I’m feeling so relevant and I’m feeling so used in a good way and for me to continue for these coming three years, I look forward to it the most.
“I know these three years will pass so fast again like the past three years, and we shall be sitting in this desk again and I will be signing another three-year contract again.”
Present sa contract-signing event ang mga Kapuso executives na sina Gilberto R. Duavit Jr., president and chief executive officer; Atty. Annette Gozon-Valdes, senior vice president ; Nessa Valdellon, GMA Public Affairs first vice president; Michelle Seva, GMA Integrated News vice president and deputy head for news programs and specials; Darling De Jesus-Bordegon, consultant for GMA Entertainment Group; at ang manager ni Kuya Kim na si Noel Ferrer.
Read: Kim Atienza on new death hoax: “Nope, not today.”

Read: Kim Atienza defends daughter's involvement in protests
Nagkaroon din siya ng press conference para sa bagong show niyang Dami Mong Alam, Kuya Kim na ginanap sa 8F Bistro sa Victoria Sports Tower, Quezon City.
Ang new TV show ay umeere tuwing Sabado, 10: 45 a.m. sa GMA Network.
Nagkaroon na ito ng pilot episode last November 30.
Read: Kim Atienza showers Vhong Navarro with kind words
KUYA KIM’S SHOW TO FEATURE TRENDING TOPICS AND VIRAL VIDEOS
Ibinahagi ni Kuya Kim na ang kanyang bagong show ay fast-paced.
Tatalakay ito sa mga trending topics and viral videos—at hahalukayin niya ang kuwento sa likod ng mga ito.
Anu-ano ang mga kakatwang detalye?
Base ba sila sa science?
Ang show ay para sa mga mahilig manood sa TV at netizens na laging nakatutok sa kanilang gadgets.
“Kuya Kim pa rin ang mapapanood nila, pero ibang flavor naman ng Kuya Kim.
“Sa mundong ito, kailangang flexible tayo.
“At sa edad na 58, medyo millennial, Gen Z-ish Kuya Kim naman.
“Yung mga matatandang nanonood ng telebisyon, kilala na nila si Kuya Kim, e. Kahit matanda sa akin, Kuya ang tawag.
Biro pa niya, “Pati nga ang tatay ko, ang tawag sa akin, Kuya.
“Ang target audience natin dito bukod sa mga naniniwala na kay Kuya Kim ay mga Gen Z, yung mga nakatutok lagi sa kanilang smartphones, mga digital natives.”
Read: Kim Atienza, netizens sympathize with ex-couple Bea Alonzo and Dominic Roque
Paglilinaw niya, “Pero ang essence ay pareho pa rin—nagbibigay pa rin ng impormasyon na makabuluhan at magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
“Ang equity ko sa telebisyon ay magbigay ng impormasyon, magbigay ng kaalaman, sa isang paraan na naiintindihan ng marami, ng lahat ng edad nang hindi kumplikado, simple at swak kahit kanino.”
Read: Kim Atienza tells Pura Luka Vega her art is "deeply offensive to majority of Filipinos"

Read: Kim Atienza on 'It’s Showtime' airing on GTV: “There’s a space for everyone.”
Mapapansin din aniya na ang concept at format ng kanyang show ay iniakma para maging swak sa panlasa ng mga mas batang viewers.
Maging ang image niya ay mas bagets.
Nagpalit siya ng sombrero—from Safari hat to beret.
At may mga blings din siya.
Read: Celebrities with kids studying abroad
KUYA KIM’S PASSION FOR READING
Dahil ang title ng show ay Dami Mong Alam, Kuya Kim, natanong ng entertainment media si Kuya Kim kung paano niya napalawak ang knowledge.
Pag-amin niya, “Noong estudyante pa ako, tamad akong mag-aral.
“Pero napakahilig kong magbasa.”
Laman umano siya ng Thomas Jefferson Library sa Makati City, at kung anu-anong libro raw ang kanyang binasa niya roon.
Dala-dala niya ang love for reading hanggang ngayon.
“Dati-rati, before social media, I was reading books and magazines all the time.”
Kahit ngayong digital na at wala nang print materials, nagbabasa pa rin siya ng mga aklat.
“Ang Kindle ko, nandito sa telepono ko, and I watch a lot of videos and podcasts.”
Aniya, ang kanyang Kindle ay may 400 books.
Read: Watch Kim Atienza's reaction when asked about Vice Ganda
KUYA KIM’S TAKE ON SOCIAL MEDIA
Positibo naman ang pananaw ni Kuya Kim sa popularidad ng social media—na para sa kanya ay “a must.”
“Some people say that we should avoid social media because it is bad for mental health.
“Social media is neutral. It would depend on the person to use it positively or negatively.”
Read: Kim Atienza asked about liking netizens' criticisms about Vice Ganda
Hangga’t maaari, gusto ni Kuya Kim na maging “salt and light” sa social media.
“And at the same time, I follow people who are salt and light as well—so it becomes a positive experience.”
Ang salt and light ay isang metaphor na ginamit sa Bible para isalarawan ang mga taong nagbigay ng positive impact sa mundo.
Matatagpuan ang mga ito sa Matthew 5:13 at Matthew 5:14-16.
Para kay Kuya Kim, dahil nasa mata siya ng publiko, mahalaga para sa kanya na naka-immerse sa social media.
“We have to know the trends, how the algorithm works, how each platform works and use it to be salt and light to all my viewers and all my subscribers.”
Hinikayat din niya ang mga viewers—lalo na ang mga kabataan—na maging mahilig pa rin sa pagbabasa ng libro kahit sa digital format.
Read: Vice Ganda takes a swipe at Kim Atienza for "liking" comments against It's Showtime host
