Pakiramdam ng dating aktres na si Michelle Madrigal ay kumpleto na ang kanyang pamilya.
Bukod sa may seven-year-old daughter na siyang si Anika Woolfolk, kakakasal lang din niya sa kanyang second husband na si Kevin Neal.
Sa Instagram nitong nakaraang November 29, 2024, Thanksgiving Day sa Amerika, nag-post si Michelle ng larawan nila ni Kevin kasama ang anak niyang si Anika.
Ang Thanksgiving Day sa Amerika ay isa sa pinakamahalagang holiday sa U.S. dahil nagkakatipun-tipon ang bung pamilya para magsalu-salo sa hapag-kainan.
Pero kapansin-pansin sa post ni Michelle ay wikang Tagalog ang ginamit niyang caption.
Aniya, "PAMILYA.
"Taos pusong pagmamahal bilang asawa at ina. Walang katapat na pasasalamat sa diyos sa mga biyaya ngayong 2024.
"Sa dami ng pinagdaanan pagsubok, patuloy parin ang pagtitiwala sa panginoon. Sila ang aking lakas at inspirasyon na lumaban."

Read: Michelle Madrigal “grateful" to partner Kevin Neal
MICHELLE MADRIGAL happy about married life
Noong October, ipinahayag ni Michelle ang pasasalamat sa Diyos dahil sa kanyang asawang si Kevin na itinuturing niyang "answered prayer."
Sa Reel na kanyang in-upload ay makikita si Kevin at ang anak niyang si Anika na masasabing maganda ang relasyon sa isa't isa.
Makikita sa video na nilagyan ito ni Michelle ng mga salitang: "POV: GOD answered your prayers..."
Sabi ni Michelle sa caption, pangarap niya talaga noong makabuo ng pamilya ngunit hindi ito naging madali sa kanya.
Pero dahil sa Panginoon, nahanap na niya ang totoong babago sa buhay niya kung saan minahal din pati ang kanyang anak sa unang asawa.
Buong caption ni Michelle, "God’s timing is truly perfect.
"I’ve always dreamed of having a family, and while my path hasn’t been a straight one, I know He always provides.
"I may not be exactly where I thought I’d be in life, but I’ve been blessed in ways that matter most.
"A safe, loving home. Health. A man who not only loves me, but who also fears God and has become an incredible stepdad to my daughter.
"The true wealth in life is found in these small, everyday blessings."
Read: Michelle Madrigal on married life: God’s timing is truly perfect
Ikinasal si Michelle sa second husband niyang si Kevin noong July 22, 2024.
Read: Michelle Madrigal now married to American fiance in Texas
Divorced na si Michelle sa unang asawang si Troy, kung saan meron silang isang anak na babae, si Anika.
Read: Michelle Madrigal opens up about reasons that led to her heartbreaking divorce
