PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos recounts overcoming a tough chapter in her life

“May dagok na ganun, e, na gigising sa iyo para ayusin Niya yung sistema."
by Rommel Gonzales
Published Dec 1, 2024
judy ann santos for espantaho
One of Judy Ann Santos's lessons in life: “May dagok na ganun, e, na gigising sa iyo para ayusin Niya yung sistema."
PHOTO/S: courtesy of Rommel Gonzales

Sa halos apat na dekadang nasa showbiz si Judy Ann Santos, bibihira siyang masangkot sa anumang kontrobersiya.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juday sa shooting ng Espantaho noong September 17, 2024, sa Mexico, Pampanga.

Mahaba ang panayam, kung saan binalikang-tanaw ni Juday ang ilang crucial moments sa career niya.

May mga pagkakataong nakaramdam siya ng pagod lalo pa't nagsimula siya sa showbiz bilang child star.

“At some point, pag pagod ka and feeling mo wala kang kakampi, lalo pag bata ka, siguro mga ano ito, 16, 17 na halos wala ako talagang pahinga. Maiisip mo talaga, ‘Worth it pa ba ito?’"

Hindi rin siya spared sa mga pang-iintriga kahit wala naman siyang masamang ginagawa.

Tuloy, naitanong niya sa sarili, "Bakit ba ako naging artista?"

Natatawa na lang siya ngayon each time naaalala niya, pero nung mga panahong yun, hindi maiiwasang ma-feel bad siya.

“Sabi nila mukha akong siopao. Sabi nila para akong aparador. Sabi nila nagkamata at ilong lang ako, pag ngumiti ako, buhay na siopao na ako,” at tumawa si Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, pag tinitingnan ko yung sarili ko sa umaga, parang totoo nga,” at muli siyang humalakhak.

“Nung bata ako, nung bata ako na ang daming… hindi pa bashers ang tawag sa mga nagba-blind item and all."

A TOUGH CHAPTER IN JUDY ANN'S LIFE

Pero ang pinakamatinding pinagdaanan niya ay yung kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong 2005 para sa violation ng Tax Reform Act of 1997 o Section 255 ng Republic Act No. 8424.

Ang pinag-uusapang halaga ng "underdeclaration" ng income ay nasa PHP1,718,925.52, base sa court documents na nasa ChanRobles Virtual Law Library.

Nai-file ang tax evasion case noong 2005 at na-dismiss sa Court of Tax Appeals noong 2013.

Looking back, ang pangyayaring yun ang isa sa mga rason kung bakit pumasok sa isip ni Juday na mag-quit noon sa showbiz.

Read: Judy Ann Santos recounts the time when she almost quit showbiz

Pag-alala ng award-wining actress, "Lalo na kung pagka talagang cloudy na cloudy na yung utak mo, kasi ang dami kong… ang dami ko naman pinagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na nagkakaso ako, ang daming intriga, ang daming… kumbaga, babagsak ka talaga, e.

“May point talaga ng buhay mo na babagsak ka.

"Parang feeling ko ang pinaka-naging isa sa mga malaking rason, pinakamalaking issue na pinagdaanan ko na made me want to quit was nung nagkakaso ako against BIR.

“Iyon talaga yung parang hindi ko matanggap na, ‘Anong nangyayari?’"

“Parang bakit biglang lahat ng tao… hindi ko naman alam talaga kung anong nangyayari.

"Bilang eight years old, malay ko naman sa tax,” at natawa si Judy Ann.

judy ann santos
This photo of Judy Ann Santos was taken during the shoot of Espantaho in Mexico, Pampanga, (Note: background was altered.)
Photo/s: Rommel Gonzales
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JUDY ANN SANTOS'S LIFE LESSON

Pero ang pangyayaring yun din ang nagdulot sa kanya ng matinding aral: na mas maging hands-on siya sa mga finances.

Aniya, “But then again, lesson learned, maayos na ang pangkalahatan na yun. Parang yun nga e, bibigyan ka ng isang matinding challenge ni Lord, para ma-realize mo na, ‘Kasi ito anak, medyo nakakalimot ka na.’

“May dagok na ganun, e, na gigising sa iyo para ayusin Niya yung sistema.

“So ngayon, may sistema na kami. Kumuha na ako ng group of lawyers para maiayos yung mga contracts.

“Kumbaga, kailangan ko lang talagang pagdaanan yun kasi kung hindi, hindi ko naman din malalaman kung ano dapat yung legalities na dapat meron ako as an artist.”

Ilang taon siya noon?

Sagot ng 46-year-old actress, “24, 24-25.”

Sa awa ng Diyos ay nalusutan niya lahat iyon.

“Oo, at saka pagod din kasi, talagang ang tindi nun,” bulalas ni Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And it's a good thing na hindi siya nag-quit dahil sa mga sumunod na taon ay nakagawa siya ng mga box-office at critically-aclaimed films, gaya ng Ang Dalawang Mrs. Reyes (2018) at Mindanao (2019), naging visible sa telebisyon, at naging isa sa most sought-after endorsers.

Fast forward to December 2024, magiging puspusan na ang promo para sa pelikula niyang Espantaho, na official entry ng Quantum Films, Cineko Productions, at Purple Bunny Productions sa 50th Metro Manila Film Festival, na gaganapin sa Disyembre 25, 2024.

Kasama ni Juday sa pelikula sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos, Nico Antonio, Donna Cariaga, Mon Confiado, ang child actor Kian Co, at may special role sina Eugene Domino at Tommy Abuel.

Si Chito Roño ang direktor ng pelikula.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One of Judy Ann Santos's lessons in life: “May dagok na ganun, e, na gigising sa iyo para ayusin Niya yung sistema."
PHOTO/S: courtesy of Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results