Hiningan ng reaksiyon si Vilma Santos tungkol sa pagkakakulong kay John Wayne Sace na gumanap bilang anak niya sa pelikulang Dekada '70.
Naaresto si John Wayne dahil sa salang pagpatay sa isang lalaki sa Pasig City noong October 28, 2024.
Kaibigan ni John Wayne ang biktimang tinamaan ng apat na bala ng baril.
Read: John Wayne Sace arrested for alleged shooting incident
Naalala ni Vilma si John Wayne nang ipalabas ang digitally enhanced version ng Dekada '70 sa University of Santo Tomas (U.S.T.) noong November 27.
"Kanina nga, noong pinapanood ko siya, I feel bad. Kasi alam ko yung nangyari sa kanya, yung issue," saad ni Vilma.
"Noong pinapanood ko siya, ang bata pa niya. Tuwing tinitingnan ko siya, parang nakikita ko na parang ang bait-bait pa niya. Wala siyang problema at that time.
"But, you know, dinaanan siya ng challenges sa buhay na baka hindi niya nakayanan to the point na may hindi magandang nangyari sa kanya."
Sa ngayon, dasal ang maibibigay niyang suporta para kay John Wayne.
Pahayag ni Vilma: "I cannot promise anything. Kasi, hindi naman tayo puwedeng akala natin, parang tama ang lahat.
"But, you know, I’m just hoping and praying—maybe, in my own little ways. But I don’t know where he is.
"Kung ano ang puwede kong mai-contribute as a person, as a mom, or nakatrabaho ko bilang anak.
"Para ko na rin siyang anak, in my own little way, meron. Pero, I don’t even know how to communicate. Correct me if I’m wrong, he’s in jail."
Pagkatapos nilang gawin ang Dekada '70 noong 2002, nawalan na rin daw sila ng komunikasyon ni John Wayne, na huminto sa pag-arte.
"After doing this film, I think, there was only two times na nagkita kami. Hindi ko na siya nakita, ever.
"Nakita ko na lang itong nangyari sa kanya.
"I think, nagkita kami, Christmas presentation ng ABS-CBN when I saw him. I checked on him and he said, he was okay. Kasi active pa siya noon sa telebisyon."
Patuloy ni Vilma, "But it’s been a while na hindi na kami nagkikita at hindi rin naman ako naging gano’n ka-visible sa industry kasi nga naging public servant ako.
"So it’s been a while na hindi kami nagkita, and then I heard about the bad news sa kanya.
"So, I feel bad for him. I don’t know how how, but right now, I’m praying for him.
"Sana maka-recover pa rin ang bata."
Read: Victim's daughter speaks out after arrest of John Wayne Sace
Nakapanayam si Vilma ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa talk-back session pagkatapos ng screening ng Dekada '70 para sa high school students ng U.S.T.
Ipapalabas din sa U.S.T. ang digitally enhanced versions ng Bata, Bata Paano Ka Ginawa?, Tagos ng Dugo, at Ekstra.
Kasama rin sa plano ang paglalathala ng tatlong klase ng libro tungkol kay Vilma, kabilang na rito ang coffee table book at ang kanyang talambuhay.
VILMA SANTOS ON MOTHERHOOD
Tinanong ng PEP kung anong karakter ni Vilma ang mas gusto niyang tumatak sa makakabasa ng kanyang mga libro.
"Maraming bagay kasi ang bumubuo ng pagkatao ko," saad niya.
"Pero ang pinaka-big priority is being a mother. When I became a mother, yun ang fulfillment ng buhay ko.
"It’s nice to be wife, mahal ko ang asawa ko. Pero iba pa rin ang mother. Miracle, e, miracle."
Wala raw kapantay para kay Vilma ang pagiging ina.
Sabi pa niya: "Hindi ka makapaniwala na may buhay na nanggagaling sa iyo.
"Of course, we know it’s from the Lord. But you know, literally, yung pinalaki mo ng nine months. It’s unexplainable. It’s a miracle.
"And kung meron pinakamahalaga sa buhay ko, ito ay ang pagiging isang ina. Yun ang memorable sa buhay ko and it’s a miracle to be a mother.”
