"Wais na Misis" ba talaga si Neri Naig Miranda matapos mapabalitang inaresto siya ng pulisya?
Ito ang tanong ng maraming netizens dahil sa balitang patung-patong na kaso ang kinahaharap ngayon ng dating aktres.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa kanya ay 14 counts of violation of Securities Regulation Code, hiwalay na kasong estafa, at syndicated estafa.
Read: Neri Miranda's laundry area is a delightful tambayan for paglalaba
NETIZENS SHARE OPINION ABOUT "WAIS NA MISIS"
Sa Instagram post ni Neri noong November 20, 2024, kung saan may produkto itong iniendorso, nagpalitan ng kuru-kuro ang kanyang followers ukol sa bansag sa misis ni Chito Miranda.
Komento ng isa, "Wais na Misis pa din ba?"
Sagot dito ng isang Instagram user na tila nang-aasar, "wais parin naka estafa eh haha"

Komento pa ng isang netizen, "Not so wais na misis Neri, manloloko ka pala. Nakakahiya, dami palang tinatago kabulukan sa buhay haha. So kulob"
Buwelta naman ng isang netizen dito, "perpekto ka? Hindi ka nagkakamali?"
Sagot ng naunang nagkomento, "Hindi ako nange-estafa hahah"

Ipinagtanggol naman ng isang netizen si Neri dahil hindi pa umano ito naglalahad ng kanyang panig.
Komento ng netizen, "Don't judge Ms Neri right away. Di nyo pa nga naririnig ang side niya. Nabigla din ako sa issue kasi I look up to her as wais na misis."

Nagpahayag din ng pagsuporta kay Neri ang isang netizen: "I still and forever gonna admire you po... Naniniwala akong malalagpasan nyo yan. I'll be praying for you po and to your family.
"Mga negosyante ay ganyan talaga minsan na overlook natin ang mga bagay bagay hindi lahat alam natin kaya nagkakamali tayo ng hindi natin namamalayan but whatever the reason po we the people who admire you and believe in you will pray for you. Can't wait po to see you back in posting"

Narito ang iba pang komento ng netizens:
Read: Neri Miranda buys stock, life insurance for one-year-old son Cash
THE NEWS ABOUT THE ARREST OF "ALIAS ERIN" / "ALIAS NERI"
Nitong nakaraang November 26, 2024, inanunsiyo ng Southern Police District sa kanilang Facebook page ang pag-aresto nila sa isang actress-businesswoman.
Ngunit hindi nila direktang pinangalanan ang aktres na itinago lamang sa "alias Erin."
Ayon sa post ng pulisya, nangyari ang pag-aresto kay "alias Erin" sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong Sabado, November 23.
Kabilang sa mga kinakaharap na kaso ng naaresto ay 14 counts of violation of Securities Regulation Code, hiwalay na kasong estafa, at syndicated estafa.
Umabot sa P1.7-M ang buong piyansa para sa 14 counts of security regulations violation at non-bailable naman ang syndicated estafa at estafa.
May "commitment order" na ring in-issue ang huwes ng Pasay Regional Trial Court kaya siguradong nakakulong na si "alias Erin."
Bago pa siya tawaging "alias Erin", tinawag muna siyang "alias Neri."
Read: SPD reports arrest of actress-businesswoman “alias Erin”
Ngayong Miyerkules, November 27, inilabas na rin ng SPD ang actual video ng pag-aresto kay "alias Erin" kung saan makikitang binasahan ang akusado ng kanyang Miranda Rights doctrine.
Read: SPD releases actual video of “alias Erin” arrest
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa nagbigay ng anumang pahayag si Neri at ang asawa niyang si Chito Miranda.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
