PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahra Tamondong, dark horse in Manila's 2025 race, has an ace

Why is Mahra Tamondong unfazed by well-known rivals Honey, Isko, and Sam?
by Rommel Gonzales
Published Nov 25, 2024
mahra tamondong 2025 elections
Mahra Tamondong, a businesswoman who owns a real estate company, is running for mayor of Manila in the 2025 elections. She will be in the race with incumbent Manila city mayor Honey Lacuna, TV host-actor and former Manila mayor Isko Moreno, actor Raymond Bagatsing, and businessman and party-list representative Sam Verzosa.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

#ELEKSYON 2025

Sa unang tingin, tila David na sumasagupa kay Goliath si Mahra Tamondong.

Tinatawag ding Super Marah ng kanyang kampo, si Tamondong ay mayoralty candidate sa siyudad ng Maynila na bumabangga sa mga di hamak na mas kilalang mga personalidad.

Mahra Tamondong
2025 Manila mayoralty candidate Mahra Tamondong
Photo/s: Facebook

Makakalaban ni Super Mahra sa May 2025 mid-term elections sa pagka-alkalde ang incumbent Manila city mayor na si Honey Lacuna at ang mga humahamon ditong sina Isko Moreno, Raymond Bagatsing, at Sam Verzosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo bang tatapatan ni Marah ang lahat ng naglalakihang pangalang iyan?

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marah noong Oktubre 22, 2024, sa Max's restaurant sa Ermita, Manila.

Lahad ng 47-anyos na kandidata: “Ang masasabi ko lang po diyan, lahat po tayo ay may karapatan.

“Lahat po tayo ay pantay-pantay, lalo na yung pagtingin po natin sa tao ay pare-parehas.

“Gusto ko din pong makatulong katulad ng gusto nila. Iyon lamang, ako po ay bumaba sa laylayan, dito po sa masa.

“Dito po mas higit kong nakita na wala naman pong masama kung ipaglaban ko yung mga kababayan ko na Manilenyo.

“Na kahit papaano mapansin."

Siya na rin ang nagsabing bumabangga siya sa pader.

"Hindi ko naman po sinasabi na natatakot ako sa kanila dahil pader sila.

"Wala pong nakakatakot sa pakikipaglaban.

“Ang higit po nating kailangang katakutan, yung sitwasyon po na nakita natin at nasaksihan ko, na kailangan hindi na po ito magpatuloy o kailangan magkaroon talaga ng tunay na pagbabago sa Maynila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sam Verzosa, pormal nang naghain ng kandidatura para Manila mayor

MAHRA REVEALS dREAMS FOR HER CITY

Ano ang background ni Mahra, na pangalawang beses nang tatakbo sa pulitika? Tumakbo siyang konsehal sa ikalimang distrito ng Maynila noong May 2022 elections. Natalo siya.

Pag-amin ni Mahra: “Sa totoo lamang wala po kaming lahing pulitiko sa part po namin, sa generation po ng mama’t papa ko at sa akin.

“Pero may mga relatives po kami sa ninuno na nasa politics, pero ako po sa aming pamilya, sa immediate family, wala pong pulitiko, ako lamang po ang naghangad na makapasok dito.

“At ito po ay hindi ko pinangarap, kung hindi talagang Panginoong Diyos po ang nagbigay sa akin ng pagkakataong makapasok dito."

Hindi niya nilinaw ang pagpasok ng Diyos sa usapan. Maiintindihan na lang ito kung iisiping lahat halos ng pulitiko ay ganoon din ang sinasabi.

Malamang ito ay dahil mas nakararami ang mga Katoliko sa Pilipinas, kaya ang pagbanggit sa Diyos ay pagkonekta na rin sa mas nakararaming botante.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagpapatuloy ni Mahra: “Ngayon, ang aking background po, ako po ay lumaki at ipinanganak sa San Andres Bukid, Manila.

“Naranasan ko pong maglaro sa lansangan na naka-paa lamang, naranasan ko po na araw-araw nakikita ko po yung sitwasyon ng San Andres, dahil nung araw po iyan po ay kangkungan pa at may mga tulay pa po diyan.

“At ang kadalasan pong negosyo diyan ay yung mga bakal, yung mga bote, diyaryo, so ako po sanay po ako sa ganyang lugar."

Ngunit mapagpangarap daw si Mahra.

“Nangarap po ako na, sabi ko, siguro dahil ito ay Maynila, capital city ng Pilipinas, siguro dadating yung panahon na magiging mala-New York City po ang Maynila.

“Matataas yung mga bahay, magkakaroon ng buildings, mararanasan po natin yung naranasan ng ibang mga bata sa ibang lugar.

“Yung pangarap na yun po ang nag-udyok sa akin na talagang pasukin ko po lahat ng pagnenegosyo. Lalo na po pagdating sa real estate, yung mga bagay po na sa tingin ko makakatulong para ako po ay talagang magkaroon din ng success sa aking buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin ang kanyang educational background.

“Siyempre po, college graduate. Ako po ay graduate ng St. Mary’s Academy at ng La Concordia College, na kung saan ang mga guro ko po dito kadalasan ay mga madre po.”

Ang kursong tinapos ni Mahra, aniya, ay “Management po."

Si Marah ay may sariling real estate company, at may anak na kambal.

Read: Isko Moreno, nagpaparamdam na sa kanyang "pagbabalik" sa Manila

MAHRA believes more heart than brains is needed in politics

Wala siyang background sa politics, pag-amin ni Mahra.

"Wala po at all, pero ang advantage ko po, dahil ako po ay ipinanganak sigurong nationalistic, ibig sabihin mapagmahal po talaga ako sa kapwa, mapagmahal ako sa bayan.

“Dahil nung bata po ako pag may nag-aaway na kalaro ko, ako po yung unang-unang umaawat, na ayoko pong mag-away-away.

“Ako rin po yung hindi makatiis kapag may nakita po akong nakahiga sa lansangan, nilalapitan ko po, hindi po yun dahil gusto kong sumikat kung hindi yung maging makabayan marahil na nasa puso ko, yun po yung umiiral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya kahit wala po akong political background, iba po yung pagiging isang tunay na Pilipino, iba po yun kapag nagmahal talaga."

Alam ng marami na ang posisyon ng pinuno sa isang lungsod—gaya ng Maynila, na may populasyong 14.9 million, ayon sa 2024 report ng United Nations World Population Prospects—ay nangangailangan ng kaalaman sa administrasyon at sa batas.

Hindi ba naisip ni Mahra mag-aral muna ng public service bago tumakbong mayor?

Mas kailangan sa public service ang puso kaysa sa kaalaman, ang sagot ni Marah.

Sa kanyang sariling salita: “Hindi naman po siguro mahirap unawain yung mga susunod po na mangyayari, pero ang pinakamahalaga kasi yung paglilingkod nasa damdamin mo talaga.

“Kasi kahit mag-aral ka, kung wala naman po sa iyong puso, e, mahirap din pong gampanan yung pagiging leader po sa isang lungsod.”

MAHRA PROUD TO HAVE PBBM’S BLESSING

Ngunit lumalabas na hindi pala pumapalaot sa pulitika si Mahra nang walang alas.

Hindi man siya kilala na gaya nina Honey, Isko, at Sam, may hawak siyang importanteng baraha.

Sa unang pagsubok ni Mahra sa pagtakbo noong 2022, nasa ilalim na siya ng Partido Federal ng Pilipinas. Ito ang partido ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., o tinatawag na PBBM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagtagumpay si Marah, ngunit nitong 2025 ay tatakbo uli ito sa partido pa rin ni PBBM.

Alam ng lahat na malaking alas sa isang eleksyon ang mapasama sa partido ng isang nakaupong Presidente.

Paliwanag ni Mahra: “Tayo kasi ay may loyalty, e. Mahalaga po kasi kung may loyalty ka, yung prinsipyo mo ay iisa lamang, yung pananaw mo hindi nagbabago.

“So iyan din po ang aking prinsipyo—kung may loyalty ka, kahit ano pong mangyari, ipaglalaban mo po basta para sa tama.”

Paano sila nagkakilala ni PBBM?

“Actually po, nung panahon ng last election, isang tao po ang nag-udyok sa akin na tumakbo po sa Maynila bilang konsehal.

“Hindi ko rin inaakala na ako po ay makakapapasok sa Partido Federal, sapagkat po nung panahon na yan alam naman po natin yung rivalry sa politics e mabigat.

“Pero sabi ko nga, kapag ang plano talaga ng Panginoong Diyos ay para sa iyo, talagang tutugma po yung sitwasyon po natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa paikot na lohika ni Marah, “Kaya ako po ay nakapasok dahil siguro inadya na rin po ng panahon na ako po ay makapartido kay Presidente Bongbong Marcos.”

Sa tingin niya, ano ang nakita ni PBBM para mas piliin siya kaysa sa mas may karanasan na sa pulitika?

“Yung pagpili po ni PBBM, siguro hindi naman pinili," ang may hindi kalinawang sagot ni Mahra.

Pagpapatuloy niya: "Dahil gusto ka lamang, kung hindi nakita niya naman po talaga yung aking advocacy na ibinaba ko po dito sa Maynila.

“So, marahil nakita niya rin po yung talagang tunay na paglilingkod na ibinaba ko po sa tao, kahit na hindi po ako isang pulitiko.”

Aniya pa: “Actually wala naman po siyang sinabi kung anong dahilan pero lahat naman po siguro may karapatan at pagkakataon.

“Siguro nagkataon lang po dahil ako po ay kapartido niya nun pa lang last election. at ako naman po ay nagkaroon na magagandang merito sa partido, na lalo na po sa pagtulong.

"Siguro yun lang din po ang naging daan para ako po ay mapunta sa kanya,” pahayag ng kumakandidatong Manila mayor sa ilalim ng partido ni Presidente Bongbong Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahra Tamondong, a businesswoman who owns a real estate company, is running for mayor of Manila in the 2025 elections. She will be in the race with incumbent Manila city mayor Honey Lacuna, TV host-actor and former Manila mayor Isko Moreno, actor Raymond Bagatsing, and businessman and party-list representative Sam Verzosa.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results