Humingi ng dispensa ang ABS-CBN Digital Team kay Regine Velasquez matapos batikusin ng ilang netizens ang billing ng Asia's Songbird sa MYX Music Awards 2024 na kumalat sa social media.
Umalma ang ilang netizens dahil mas malaki pa ang mga mukha at pangalan nina Bini Johanna at Bini Maloi kay Regine.
Gayundin kay James Reid at ang big winner sa Pinoy Big Brother Gen 11 na si Fyang Smith.
Si Regine ay nasa ibaba at kahilera nina Elijah Canlas, Gloc 9, Chloe San Jose, Alexa Ilacad, at KD Estrada.
Nasa hulihan din ng listahan ang pangalan ng sikat na mang-aawit na nagdala ng maraming karangalan sa bansa.
Read: Fyang Smith is PBB Gen 11 Big Winner
Hindi ito pinalampas ng mga tagasuporta ng Asia's Songbird.
Ibinahagi nila ang kanilang pagkadismaya sa X (dating Twitter).
Sabi ng isa, "Kahit hindi Regine fan or yung mga casuals, nabastusan din talaga sa ginawa na'to ng @myxglobal sa THE Regine Velasquez. Recipient ng MYX Magna Award si Regine, tapos babastusin lng ng ganyan. Wala akong pakialam kung binura nyo na yung photo. BASTOS kayo, Myx! BASTOS KAYO!"
Sabi ng isa pa, "TOP-TIER PRESENTERS????? then isiniksik lang sa gilid na gilid si Regine Velasquez.. Asia's Songbird... anu na naman kakalatan 'to???!!! sa sobrang laki ng name ni REGINE sa industry at hindi nugu artist para babastusin nyo na naman!!!!at sa page pa talaga ng abs ah.. hindi nyo na lang sana sinama kung nakakabastos lang din ang paglalagyan nyo!!! @myxglobal @ABSCBNpr"
Ayon naman sa isa, "@myxglobal, seriously? This is beyond disrespectful. The lack of respect for Regine Velasquez’s ICONIC legacy is wild. She is the blueprint, the standard, the legend. Do better."
Read: Regine Velasquez Biography: How she became Asia's Songbird
REGINE VELASQUEZ: "Oh thank you very much..."
Sa Instagram ngayong gabi ng Huwebes, November 21, 2024, nag-post si Regine upang ipaalam na nakatanggap siya ng apology letter mula sa ABS-CBN Digital Team dahil sa insidente.
Ito ay sa kabila na ongoing pa MYX Music Awards 2024.
Mababasa sa liham: "Dear Ms. Regine,
"We would like to sincerely apologize the oversight in the promo material we released yesterday.
"We have deep respect and admiration for your craft and remarkable contribution you have given the music industry
"We will strive to do better moving forward.
"Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
"Sincerely. ABS-CBN Digital Team"

Caption ni Regine sa kanyang post, "Oh thank you very much didn’t have to but I appreciate it [smile emoji] #kalma [laughing in tears emoji]"
View this post on Instagram
Sa kabila nito, dumalo pa rin si Regine sa MYX Music Awards 2024.
