Proud na proud ang aktor na si Dominic Roque sa tagumpay ng bagong pelikula ng kanyang "bro" na si Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Again.
Sa Instagram nitong Sabado, November 16, 2024, ibinahagi ni Dominic ang paglalaan niya ng oras para panoorin ang pelikula nina Kathryn at Alden Richards sa ika-apat na raw nito sa mga sinehan.

Alam daw ni Dominic ang sakripisyo at paghihirap ni Kathryn para gawin ang Hello, Love, Again, kaya naman ganoon na lamang ang kanyang saya nang tuluyan na itong lumabas sa takilya.
Read: WHAT PEP KNOWS: Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?
Mababasa sa caption ni Dominic, kalakip ang ilang kuha nilang litrato ni Kathryn pagkatapos nilang manood (published as is), "Hello, Love, Again. Congratulations Brooo! I'm proud of you!
"Lam ko pagoood, sayaaa, trinabaho mo talaga to, pinag handaan mo talaga, at kung anu anu pa!"

Bukod sa malapit niyang kaibigan na si Kathryn ay binati rin ni Dominic ang lahat ng bumubuo ng pelikula sa maganda raw nitong kinalabasan.
Aniya, "Ang gagaling nyo, ang ganda ganda ng pelikula, sulit na sulit!
"Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng Hello, Love, Again."
HELLO, LOVE, AGAIN sets record in earning P245M in just three day
Patuloy na lumilikha ng panibagong box-office records ang pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn at Alden.
Ayon sa ABS-CBN, ang reunion movie ng KathDen ay humamig ng PHP90M sa ikatlong araw nito sa local cinemas, kaya umabot na sa PHP245M ang ticket sales nito sa loob ng three days.
Read: Kathryn, Alden develop deeper friendship in Hello, Love, Again
Ang Hello, Love, Again ay nagbukas sa 656 sinehan nationwide noong November 13, at nagtala ng record-setting opening-day gross na PHP85M (hindi adjusted sa inflation) sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Record-setting din ang dami ng sinehang pinagpalabasan para sa isang pelikulang Pinoy.
Read: Hello, Love, Again naka-P85M sa first day; palabas sa 656 cinemas
Sa pangalawang araw nito noong November 14, bumaba ng halos 18% ang kinita ng Hello, Love, Again — PHP70M. Umabot sa PHP155M ang two-day gross nito.
Maituturing ring fastest Filipino film to reach the PHP150M-mark ang sequel ng Hello, Love, Goodbye (2019).
Read: Hello, Love, Again naka-P155M sa first two days of showing
Ngunit pagdating ng ikatlong araw nito noong November 15, tumaas ng 28% ang hinamig ng Hello, Love, Again.
Naka-PHP90M ito sa 726 cinemas, at umabot na nga sa PHP245M ang cumulative gross sa mga sinehan.
Ang PHP90M ang pinakamalaking single-day box-office gross para sa isang local film.
Read: Hello, Love, Again kumita ng P245M in three days
Bukod sa kinita, ang 726 cinemas sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang tinatayang pinakamalawak na pagpapalabas sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Read: KathDen movie Hello, Love, Again ipalalabas sa 500 sinehan
