PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stell and Justin of SB19 thrill audience at Streetboys concert

Stell to Streetboys: "Kayo po ang inspirasyon ng mga parents namin."
by Jerry Olea
Published Nov 9, 2024
streetboys sb19
Stell Ajero and Justin de Dios (seated) of SB19 join Streetboys members at the reunion dance concert of the iconic '90s all-male group at the New Frontier Theater on November 8, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea

SB19 x SB90s!

Nagpasiklab ang SB19 members na sina Stell at Justin sa finale ng 31st anniversary dance concert ng Streetboys nitong Nobyembre 8, 2024, Sabado ng gabi, sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City.

Hindi magkamayaw ang audience sa pagtili!

Read: Streetboys, bakit inabot ng 31 years ang reunion dance concert?

sb19 justin stell streetboys concert
SB19's Justin and Stell
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng production number nina Stell at Justin kasama ang Streetboys, ang pakiusap ni Vhong Navarro, “Guys, puwede ba kayong bumati sa aming mga manonood ngayon?”

Sigaw ni Stell, “Magandang gabi, New Frontier!!! Magandang gabi po, ako po si Stell from SB19.”

Ipinasa ni Stell ang mic sa katabi na nagsabi, “At ako naman po si Justin! Magandang-magandang gabi po sa inyong lahat, at siyempre unang-una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa opportunity na ito.

“Congratulations, Streetboys! Whooaa! Maraming-maraming salamat po!”

Read: Streetboys, walang inggitan mula noon hanggang ngayon

streetboys sb19
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STELL TO STREETBOYS: "KAYO PO ANG INSPIRASYON NG MGA PARENTS NAMIN"

Ibinalik ni Justin ang mic kay Stell, na nagturan, “Bago pa man magkaroon ng SB19, siyempre nandito na yung mga totoong idols nating lahat — Streetboys — everyone, palakpakan natin!

“Maraming-maraming salamat po dahil it’s once in a lifetime opportunity to perform with these very talented and legendary group.

“Na talaga namang balita ko noon, pag sumayaw sila, lahat nagtitilian. Tama ba?!”

“Yes!” hiyaw ng audience.

“TAMA BA?!” pag-ulit ni Stell. Sigawan uli ang audience.

Dagdag ni Stell, “Kaya maraming-maraming salamat po dahil sa totoo lang, kayo po ang inspirasyon ng mga parents namin.”

Halakhakan ang mga tao.

Sabi pa ni Stell, “Tuwang-tuwa po yung magulang ko na nakasayaw ko kayo. Parang… nakasama na daw po talaga namin ang mga ninuno namin! Maraming-maraming salamat!”

vhong navarro stell ajero
Vhong Navarro and Stell Ajero
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hagalpakan muli ang audience, at pati ang Streetboys ay natawa sa pagbibiro ni Stell.

Sabi ni Jhong Hilario kay Stell, “Kaya talaga nung rehearsal, hindi mo alam kung ano ang itatawag sa amin — kung kuya o tito.

“Pero grabe! Pinagbigyan kami ni Justin saka ni Stell. Malaking bagay yon! Grabe! Sobrang maraming salamat!

“Alam namin, napaka-busy nyo pero pinagbigyan nyo kami. Again, palakpakan natin… Justin and Stell of SB19!”

Yumuko sina Stell at Justin, at kumaway-kaway.

Read: Direk Chito Rono, walang paboritong members ng Streetboys

SREETBOYS ON SB19 AS SPECIAL GUESTS

Matapos ang dance concert ay nagpaunlak ng interview ang Streetboys.

Ipinaliwanag ni Vhong Navarro kung paano napasama sa SB90s concert ang dalawang members ng SB19.

streetboys concert
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapat ni Vhong, “Nag-presscon po kami. Nag-presscon po kami, narinig po nila na iniimbitahan ang SB19 na… biglang parang ang sinabi yata, hindi sila available.

“So ang ginawa, sila’y nag-reach out sa amin. Gumawa ng paraan kahit hindi sila kumpleto, makapag-guest lang. Kaya talagang… sobrang…”

“Thank you!” sabay-sabay na sabi ng Streetboys habang pumapalakpak.

Maliban kina Vhong at Jhong, ang siyam pang Streetboys na tampok sa dance concert ay sina Spencer Reyes, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, Nicko Manalo, Christopher Cruz, at Sherwin Roux.

streetboys ogie regine
Streetboys with producer Ogie Alcasid and wife Regine Velasquez (on the screen)
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Vhong, “Kaya naman SB90s yan, e, kasi nga, gusto namin silang mai-guest. Para maging SB19.”

Hataw kung hataw ang SB19 x SB90s!

“Sobra! Saka ang galing nilang sumayaw! Kuhang-kuha nila yung dance steps namin!” bulalas pa ni Vhong.

Hirit pa ni Jhong, “SB19 din namin kami… 1993!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stell Ajero and Justin de Dios (seated) of SB19 join Streetboys members at the reunion dance concert of the iconic '90s all-male group at the New Frontier Theater on November 8, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results