Usap-usapan ngayon online kung may espesyal bang ugnayan sina Sue Ramirez at Dominic Roque.
Ito'y matapos silang makunan ng video habang naghahalikan sa isang bar.
@gelieiphones Sue and Dominic Roque srsly? ???????????? #SueAndDominic #Sue #dominicroque ? original sound - Ms_Sweety
Sa video na kuha ng netizens, makikita si Sue na nakasuot ng puting dress, habang si Dominic naman ay nakasuot ng black na T-shirt at cap.

Nakaupo sila habang pinapalibutan ng kanilang mga kaibigan nang biglang hawakan ni Sue ang mukha ni Dominic, dahilan para sunggaban siya ng aktor at tuluyang magdikit ang kanilang mga labi.

Matapos maghalikan, makikita pa ang paghawak ni Dominic sa kamay ni Sue bago ito tuluyang tumayo.

Ayon sa Reddit, kuha ang video nina Sue at Dominic sa isang bar sa General Luna, Siargao, kunsaan parehas na nagbabakasyon ang dalawa.
Tila tugma naman ito sa Instagram Stories at post nina Sue at Dominic.
Nitong Huwebes, November 7, 2024, nag-post si Sue sa Instagram ng larawan niya habang siya ay nasa Lamari, Siargao.

Ngayong Biyernes, November 8, nag-post si Dominic sa kanyang Instagram Stories habang siya ay nasa isang resort sa General Luna, Siargao.

NETIZENS' REACTION
Kung marami ang napapatanong sa ugnayan nina Sue at Dom, may ilang netizens naman ang ikinatutuwa ang pagsasama ng dalawa lalo na't parehas naman daw sila ngayong walang karelasyon.
Komento ng isang netizen sa Reddit (published as is): "both are single naman, so go lang."
Saad pa ng isa, "Okay lang naman if nag gegetting to know sila. I really like Sue din as a person, like if may makakavibe ako na artista, si Sue yon. Pretty na may sense of humor and unproblematic. Parang bagay nga sila ni Dom talaga. Si OA (Sue) at si nonchalant (Dom). Sue tend to attract calm boys ano? Hahahahaha."
Saad naman ng isa pa, "Di ba si Sue yung ka love triangle ng Kathniel sa Pangako Sa'yo? Infairness hindi sya na link kay Daniel. Wala din silang issue ni Kath so ok nga lang talaga if magkatuluyan sila ni Dom."
"They look like just casually hanging-out. But if ever they'll date talaga, go for it. Mukang mabuting tao naman sila pareho and both are single," dagdag pa ng isa.
SUE RAMIREZ'S EX-BOYFRIEND?
Si Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez ang huling napabalitang karelasyon ni Sue, bagamat hindi pa tukoy kung sila pa rin hanggang ngayon.
Read: Sue Ramirez opens up about managing LDR with Victorias City Mayor Javi Benitez
Kamakailan lamang ay naintriga ang kanilang relasyon nang mapabalitang nagwakas na ang halos limang taon nilang pag-iibigan.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag sina Sue at Javi kung ito ay may katotohanan.
DOMINIC ROQUE'S PAST ROMANCE WITH BEA ALONZO
Samantala, si Dominic naman ay kumpirmadong single ngayon matapos niyang mahiwalay sa ex-fiancée niyang si Bea Alonzo.
Noong February 11, nag-post ang dalawa sa social media upang kumpirmahin ang kanilang desisyong tapusin na ang kanilang relasyon, halos pitong buwan matapos mag-propose ni Dominic kay Bea noong July 18, 2023.
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea na mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay.
Read: Bea Alonzo not blaming Dominic Roque for their breakup
May ilang female celebrities na rin ang nauugnay kay Dominic makaraan niyang maging single.
Read: WHAT PEP KNOWS: Is Dominic Roque courting Kathryn Bernardo?
Isa na sa iniisyu sa kanya ang malapit niyang kaibigan na si Kathryn Bernardo.
