PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xyriel Manabat claps back at basher over malicious comment

Xyriel Manabat once again shows she's no pushover.
by Arniel C. Serato
Published Nov 5, 2024
Xyriel Manabat answers bashers anew
Actress Xyriel Manabat answers basher on TikTok anew: "Sa ugali ka na nga lang babawi sa kat4ng@han mo pa PINAKITA kung sino ka."
PHOTO/S: Courtesy: TikTok

Muling sumagot ang aktres na si Xyriel Manabat sa isang basher.

Nitong nakaraang November 3, 2024, nag-post si Xyriel sa kanyang TikTok account tungkol sa ipinu-promote niyang Korean scalp care oil.

@xyrielmanabat_ Hairtok for today ???? ????‍?? @Mediall Philippines #KOREANSCALPCARE #KOREANHAIRSECRET #FREEZINGHAIR #MEDIALL #CHARISCELEB ? Light hip-hop beat/long ver.(1425963) - nightbird_bgm

Ayon kay Xyriel, dapat maganda raw ang buhok dahil ito ang unang nakikita sa isang tao.

Pero iba naman ang tinumbok ng isang nagkomentong netizen na una raw nakikita kay Xyriel.

Wala mang direktang tinukoy ang netizen, mahihinuhang ibang parte ng katawan ng aktres ang unang napapansin dito—ang malusog nitong dibdib.

Ayon sa netizen, "Weehhh buhok ba talaga unang una nakikita sa ‘yo??"

Ne-gets ni Xyriel ang malisyosong komentong ito kaya buwelta niya: "Sa ugali ka na nga lang babawi sa kat4ng@han mo pa PINAKITA kung sino ka"

Xyriel Manabat bashers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kunyari ay sumagot ng sad emojis ang nasabing basher.

Sabat naman ng isa pang basher, "Haha.. pikon ka naman Retokada ka!!"

Xyriel Manabat bashers

Hindi na ito sinagot nii Xyriel.

Sa kabilang banda, natuwa naman si Xyriel sa isang komento ng isang follower niya.

Ayon dito, "Yung mata po halatang hardworking girl ka tlga pahinga din idol para lalong gumanda"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Xyriel sa kanya, "HAHAHAHHAAHHAAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA THANKS FOR THIS"

Xyriel Manabat bashers

Read: Who does Xyriel Manabat allude to in rude "elderly people" post?

XYRIEL MANABAT ALWAYS BASHED BECAUSE OF HER BOOBS

Inamin ni Xyriel na noon pa man ay may kaakibat na pasakit ang pagkakaroon niya ng malaking dibdib.

Bukod daw kasi sa paghahanap ng damit ay problema rin niya ang sakit na dulot nito sa kanyang katawan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ang ibinahagi ni Xyriel nang makapanayam siya ni Ogie Diaz sa YouTube channel ng huli noong June 20, 2023.

Sabi niya, “Sa totoong buhay po, masakit sa likod.

"Totoo po yung back pain, tapos nakukuba ka po talaga, tapos ang hirap pong humanap ng matinong posisyon.

"Mahirap po talaga siya."

Pagbabahagi ng dating child actress, hindi niya masisisi ang iba kung nais nilang magkaroon ng malaking hinaharap.

"Kumbaga, kahit malaki, masikip kapag isinuot sa kanila ang ganda. Well, ewan ko po, yun lang po yung perspective ko."

Hindi naman daw sa inaayawan ni Xyriel ang ibinigay sa kanyang pangangatawan.

Ngunit kung pag-uusapan ang pagiging praktikal ay pipiliin niyang maging flat-chested na lang.

Aniya, "Mas less wardrobe malfunction. Hindi po dahil sa attention or sa pagiging sexy ibabase, yung practicality.

"Wardrobe malfunction, body pains. Struggle po siya, e.

"Hindi ko naman po siya ikinakahiya o inaayawan, kasi yung iba talaga pinapalagay pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa rin sa nakikitang rason ni Xyriel ang kakulangan niya sa tangkad kung kaya't patuloy na napapansin ang kanyang dibdib.

ON DISRESPECTFUL COMMENTS FROM NETIZENS

Noong 2020 nang simulang atakihin si Xyriel ng mga bashers dahil sa pagbabago ng kanyang katawan.

Malalaswa at below the belt ang comments ng ibang netizens, tulad ng “bold star, sobrang laki ng boobs, kamanyak-manyak.”

Read: Xyriel Manabat responds to "may hair yung armpit" comment from basher

Hindi rin ikinaila ni Xyriel na ang isyung ito ay nakaapekto sa kanyang mental state at umabot pa sa usaping legal.

Aniya, “Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash.

“Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas."

Read: Xyriel Manabat opens up about going to therapy after "sexual assault" on her photos

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Xyriel Manabat answers basher on TikTok anew: "Sa ugali ka na nga lang babawi sa kat4ng@han mo pa PINAKITA kung sino ka."
PHOTO/S: Courtesy: TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results