Sinagot ni Ellen Adarna ang ilang netizens na nagkomento kung bakit hindi niya isinapubliko ang kanyang pagbubuntis.
Bagamay may mga haka-hakang lumabas, marami pa rin ang nagulat nang mapabalitang isinilang na ni Ellen ang panganay nilang anak ng asawang si Derek Ramsay.
Sa Instagram nitong nakaraang October 26, 2024, nagbahagi si Derek ng ilang larawan kung saan makikitang nilalambing at nilalaro niya ang baby girl nila ni Ellen.
Wala siyang caption kundi smiling face with heart-eyes emojis.
View this post on Instagram
Komento ng isang follower, "So excited for you and @maria.elena.adarna in this new journey!! i can see how you will be when she becomes a teenager"
Pabirong sagot ni Ellen, "or how derek will be ahahahhaahaa"

Read: Ellen Adarna touched by firstborn Elias's gesture for baby sister
ELLEN ADARNA: "Last thing i need are opinions from people..."
Sabi ng isa pa, "i didnt know na buntis pla si ellen now nanganak na wow"

Sagot ng isa pang follower, "hindi talaga nila sinbi kasi last time na buntis si ellen, pinost agad ni derek, kaya nastress si ellen kaya nakunan. My post sila dati. Sabi pa nga ni ellen pag nabuntis ako ulit hindi ko na sknya sasabihin(kay derek), pero of course alam ni derek pero nag quiet na lang siya kasi nasabihan na siya ni mam ellen.
Dagdag pa nito, "gusto kasi ni ellen, surprise. Yung malalaman na lng ng lahat na may baby na pala. My post sila dati."

Dito na sumagot si Ellen.
Paglilinaw ng aktres, hindi niya itinago ang kanyang pagbubuntis dahil alam ito lahat ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak.
Pinili raw niyang maging tahimik at mapayapa ang kanyang pagbubuntis at ayaw niyang sumawsaw rito ang publiko.
Buong komento ni Ellen, "hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and di ko naman tinatago when i go out, crop top ako kahit malaki tyan.
"I just didnt announce because i dont need to. I want a quiet and peaceful pregnancy. Last thing i need are opinions from people i dont know and unsolicited advice."

Isinilang ni Ellen ang anak nila ni Derek noong October 22, 2024.
Read: Ellen Adarna gives birth to first baby with husband Derek Ramsay
