Gulat na gulat ang ilang netizens sa pag-oorganisa ng party ng Hollywood actress na si Shay Mitchell kaugnay ng selebrasyon ng Filipino American History Month sa Los Angeles, California.
Isang Pinay netizen ang nag-post sa Instagram nitong Linggo, October 27, 2024, ng mga video at picture na kuha sa nasabing selebrasyon.
Mismong si Shay umano ang nanguna sa pag-oorganisa para mapagtipun-tipon niya ang ilang Pilipinong nakabase sa L.A.
Read: Shay Mitchell channels inner Catriona Gray; "steals" Anne Curtis's glam team
Sa Instagram Story na ini-repost ni Shay, makikita ang kuhang video ng kanilang naging dinner party na ginanap sa isang kilalang Filipino restaurant sa Los Angeles.
Bilang mga Pilipino ang dumalo, boodle fight style ang hapag-kainan. May lechon at iba pang kilalang pagkaing Pinoy ang nakahain sa dahon ng saging na kanilang pinagsaluhan.
Nakasulat sa Instagram Story video, "Celebrating Filipino American History Month with a delicious dinner at Sampa.
"Hosted by @shaymitchell and @rembrandt."

Ang Oktubre ay makabuluhang buwan sa kasaysayan ng Filipino-American dahil ginugunita nito ang unang naitalang pagkakaroon ng mga Pilipino sa Estados Unidos.
NETIZENS REACT
Sa reddit, usap-usapan ang ginawa ni Shay.
Marami sa netizens ang nagulat dahil kamakailan lang ay naisyu siyang tila ikinakahiya raw ang kanyang pagka-Pilipino.
Post ng isang netizen, kalakip ang screenshot nang ini-repost na Instagram Story ni Shay (published as is): "Mukang pursigido si Ateng Shay to redeem herself ano. Sya pa talaga naghost ng dinner to celebrate Filipino-American month and among her guests are Patrick Starr at R'bonney. Kung sana inaddress nya na lang agad ung issue nya noon claiming she's Irish-Spanish, instead of being Fil-Am, edi pambansang pinsan na rin sana sya."
Ateng Shay Mitchell may pagcelebrate na ng Filipino American History Month
byu/lurkerlang01 inChikaPH
Komento naman dito ng isa, "Welcome back to being a Filipino, Aling Shay! kailan ulit next?"
Saad pa ng isa, "Paiba iba ng nationality si ateng."
"Filipino na naman sya?? Whenever its convenient lang talaga si ate mo," dagdag pa ng isa.
Shay Mitchell seemingly denies Filipino roots
Naging kontrobersiyal si Shay dahil hindi nito binaggit ang pagkakaroon niya ng dugong Pilipino sa kanyang American TV show na Thirst With Shay Mitchell.
Bahagi ng pahayag ng Canadian-born actress, "My dad's Irish. My mom's Spanish.”
Dahil dito, umani siya ng batikos sa social media at naging laman ng foreign news sites.
Naging topic of discussion din sa foreign TV programs ang pagtanggi ni Shay sa kanyang Filipino ethnicity.
Read: Maureen Wroblewitz on Shay Mitchell denying her Filipino roots
Si Shay ay naging tanyag dahil sa Hollywood TV series na Pretty Little Liars, gayundin sa You sa Netflix.
Ang kanyang amang si Mark Mitchell ay Irish, habang pure-blooded Filipino ang kanyang inang si Precious Garcia.
Related din siya kay Lea Salonga.
Read: Shay Mitchell of "Pretty Little Liars" is second cousin of Lea Salonga
SHAY Mitchell recalls being bullied BECAUSE OF HER ETHNICITY
Sa isang YouTube interview noong 2016, inilahad ni Shay ang naranasang bullying dahil sa kanyang pagiging Pinay.
Ang YouTube interview ay may titulong “Shay Mitchell on Embracing her Filipina Heritage.”
Inamin niya ritong dati niyang itinago ang kanyang pagiging Pinay.
Nagkaroon daw siya ng insecurities dahil sa pagiging “too Filipina” dulot ng kanyang kulay.
Ikinuwento rin ni Shay na nakaranas siya noon ng bullying mula sa mga kaklase, pero kalaunan ay tinanggap daw niya ang kanyang tunay na pinagmulan.
