PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Ricketts reveals secret to 30-year marriage with Mariz

"Matibay."
by Rommel Gonzales
Published Oct 28, 2024
mariz and ronnie ricketts
Ronnie Ricketts describes his 30-year marriage with Mariz as "matibay," attributing its strength to open communication.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Kinumpirma ni Ronnie Ricketts na hindi niya susubuking pasukin muli ang mundo ng pulitika.

“Oh no, I’m not gonna run," bungad ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"I'm happy, ano na lang ako, a good husband to my wife.

“Ayoko ng politics, e. I will support na lang siguro, I will support friends na tatakbo, family.”

Isa sa mga kaibigan ni Ronnie na tatakbo ay ang aktor na si Phillip Salvador, at susuportahan niya raw ito.

“Iyan, Senator Bong Revilla. Of course, Dr. Willie Ong, Senator Lito Lapid.”

Read:

Phillip Salvador to run for senator in 2025

Dr. Willie Ong gustong maging "martir" kaya tatakbong senador

Tumakbo na dati si Ronnie bilang congressman sa Muntinlupa noong 2016, ngunit hindi siya pinalad manalo.

“Yes, a long time ago. Mahirap, e, when I experienced it sabi ko, 'Magulo ito, mahirap.'

“Pero masarap yung umikot, masarap yung makita yung mga tao, ang dami mong natututunan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka naman ang asawa niyang si Mariz pala ang para sa pulitika?

Tumawa muna si Ronnie bago sumagot na, “Alam mo, ang galing niya, ha. Sabi ko sa kanya, ‘Hon baka…,’ kasi ako maiinitin ang ulo ko, e, napapaaway ako sa kampanya or ganyan.”

Patungkol pa ni Ronnie sa kanyang misis na katabi niya habang kausap ng PEP, “Magandang magsalita iyan pag nasa stage. Ako minsan, ‘Tama na, lika na,’ ganyan. But I think it's not for me.

“Pero wala naman sa linya namin ang politics talaga, e. So maybe a long shot, long shot yun.”

Pero ayon kay Mariz ay wala rin siyang hilig sa pulitika.

ronnie ricketTs, first time to work on teleserye

Imbes na sa pulitika ay nakatutok si Ronnie sa kanyang pag-aartista.

Aniya, “May bago akong ginagawa ngayon, TV, Mga Batang Riles. I’m very excited about this project.”

Ayon kay Mariz, unang beses niyang mapapanood si Ronnie sa isang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa ni Ronnie, “Tayo ang mentor nung mga batang riles, so yung martial arts ko mailalabas ko.”

Mga bida sa Mga Batang Riles sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Antonio Vinzon, at Bruce Roeland.

First time ito ni Ronnie na mapapanood sa GMA-7 dahil, aniya, "Hindi ako tumatanggap ng serye, e.”

Bakit niya tinanggap ang project?

Sagot niya, “Gusto ko yung role, e, yung gagawin ko, yung karakter, iyon yung importante sa akin.”

Hindi pa raw sigurado kung kailan ang airing ng Mga Batang Riles.

“I think sabi dati… but nade-delay kami because of the weather also. So hopefully, by October, pero baka ma-move tayo.”

Huling nagtrabaho si Ronnie sa pelikula bago nagpandemya.

“Movies, 2018. Tapos yung kay Doc Willie [Ong], I made his movie, di ba, 2019. So iyon yung last, tapos pandemic na, e.

"But I never accepted any TV shows. This is the first time I’m accepting one, kasi nga gusto ko yung project.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RONNIE RICKETTS AND MARIZ'S SECRET TO LASTING MARRIAGE

Tatlumpung taon na ang pagasama nina Ronnie at Mariz. Ano ang sikreto ng kanilang matibay na relasyon?

Pagbabahagi ni Ronnie, “Kami, I always say yung communication, e. It's always there.

“Tapos yung bonding namin para kaming… lahat ng sikreto ko, alam ni Mariz, lahat ng sikreto niya alam ko.

“We always share things together. Kaya sabi ko nga yung exercise, we walk together sa village for an hour, that's the time when we really have a peace of mind.

“We talk about life, future goals and all that.

"So iyon yung blessed na blessed ako. Yung gusto ko, gusto niya. Yung gusto niya, gusto ko rin.”

Isa sila sa mga showbiz couples na kinaiinggitan ng marami, yung iba naghiwalay na lahat, pero sila…

“Matibay,” ang sabi pa ni Ronnie.

ronnie RICKETTS gives update on doc willie ong

Speaking of Doc Willie Ong, malapit na kaibigan ng mag-asawa ang senatorial candidate na inihayag sa publiko kamakailan ang pakikipaglaban niya sa sakit na kanser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong naramdaman nina Ronnie at Mariz nung nalaman ang sakit ni Doc Willie?

Sagot ni Ronnie, “Constant communication kami, e.

“Very, very close kami, so nagulat kami, of course.

"Pero pag nag-uusap kami sa phone, nakita ko yung tapang niya, unbelievable. Tapos iba yung aura niya ngayon.”

Masigla raw ang doktor.

“Yeah, vibrant is the word, so parang may miracle na nangyayari.

"Kaya sabi ko, we just have to continue praying for him and his family, lalo rin kay Doktora Lisa,” na ang tinutuloy ay ang wife ni Doc Willie na si Doc Liza Ramoso-Ong.

Sa kabila ng karamdaman nito ay tatakbo pa ring senador si Doc Willie sa 2025 elections.

“Tatakbo siya, so we'll support him.”

ronnie and mariz's new business venture

Bukod sa Mga Batang Riles ay busy rin si Ronnie sa bagong business venture nila ni Mariz.

Ito ay ang PTXperts Orthopedic, Spine, & Sports Physical Therapy Clinic na nag-i-specialize sa orthopedic, spine, and sports physical therapy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinamumunuan ito ng mga ekspertong medical professionals na sina Dr. Eugene Ketselman, Dr. Roly Dimol, Dr. Andrei Altavas, at Dr. Vladimir Camurungan, na nakatatandang kapatid ni Mariz.

Sa ginanap na opening ng clinic ay tinanong ng PEP si Ronnie kung ano sa tingin niya ang tsansa na mas mapalawak pa at maparami ang mga Pilipinong tatangkilik ng ganitong uri ng serbisyong medikal.

Lahad niya, “Alam mo, it's funny, we're already thinking of expanding sa South.

"Kasi we feel that it's really going to have a lot of people, kasi ito yung hinahanap.

"Especially me, ako bilang athlete, naghahanap ako ng alternative na puwede pang puntahan, e.

“So yung brother nga ni Mariz, sabi niya, ‘Bring it here.’

"So now it's here and kanina if you were here, a lot of people came by and asked already, inquiring and there's walk-in lines, patients coming in already.”

Binigyang-diin naman ni Ronnie na "partners" sila ni Mariz kasama ang marami pang nagmamay-ari ng clinic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit sila nagdesisyon ni Mariz na mag-venture sa PTXperts?

Sagot ni Ronnie, “Ako naniniwala ako sa ganitong klaseng clinic therapy treatment, it’s about time we have it here.

“That's why with your help also, sa media, mas malalaman yung training namin. Big, big help ito sa amin.”

Once or twice a week lang si Ronnie sa PTXperts dahil nag-oopisina rin ito sa kanyang kumpanya na EFB Geostrukt Inc.

Paglalarawan niya sa mga industries kunsaan may kinalaman ang kanyang kumpanya, “Telecommunications, infrastructure, yung sa Globe and Smart na satellites, infrastructure, we’re building roads, buildings.”

Sa ginanap na grand opening at blessing ng PTXperts ay naroon ang mga celebrity friends ng mag-asawa, tulad nina Senator Jinggoy Estrada, Congresswoman Lani Mercado-Revilla, Ara Mina, Lindsay Custodio, Bianca Lapus, Marissa Sanchez, at Lovely Rivero.

Matagpuan ang clinic sa Upper Ground Floor ng Victoria Sports Tower along EDSA, malapit sa GMA Network.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Ricketts describes his 30-year marriage with Mariz as "matibay," attributing its strength to open communication.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results