PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens react to "insensitive" posts amid Typhoon Kristine

Flex man or joke, hindi akma sa panahon.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Oct 26, 2024
cellphone with Facebook
Netizens criticize social media posts deemed insensitive amid the onslaught of Typhoon Kristine.
PHOTO/S: Firmbee on Pixabay

Matinding hagupit ang idinulot ng Bagyong Kristine sa Pilipinas.

Maraming tahanan ang nawasak, libu-libo ang nawalan ng tirahan, at may mga nasawi dahil sa pagbaha at malakas na hangin.

Kasabay ng pagharap ng maraming Pilipino sa kalamidad na ito, may mga nagsulputang posts sa social media na umani ng puna.

Sinadya man o hindi, ang interpretasyon ng mga kritiko ay hindi ito panahon para mag-flex ng karangyaan o magamit s apost ang paghihirap ng iba.

Read: Leo DiCaprio look-alike joins army after being jobless, too fat

influencer CALLED OUT FOR "INSENSITIVE POST"

Nitong October 23, 2024, pinagpiyestahan sa social media ang post ng content creator, vlogger, and entrepreneur na si Rosmarie Tan Pamulaklakin o Rosmar.

Ayon sa netizens, insensitive at wrong timing daw ang ginawang post ng influencer.

Saad ng post ni Rosmar (published as is): “ang hirap isipin na habang kami naka higa sa malambot na kama, kagigising lang at naka aircon, ang daming bata, matanda na di na alam paano ililigtas sarili sa Bicol dahil sa baha at bagyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Rosmar Tan post

Giit ng netizens, tila unnecessary ang ginawa niyang “lowkey flex” sa simula ng post.

Umani siya ng samu’t saring kritisismo mula sa netizens.

(Note: All comments are published as is.)

Sabi ng isang netizen, “Ang hirap isipin na ang daming nagmamakaawa/humihingi ng tulong para marescue pero ikaw nakukuha mo pang magflex”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa pa, “Ang daming insentive posts and comments during this time knowing na yung pamilya and kababayan namin sa Bicol Region ay hinagupit ng bagyo…”

rosmar comment 1
rosmar comment 2
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang isa, ganito ang sinabi: “Wala naman sanang problema sa pag flex if you done it in a right time .. Kaso nasa gitna tayo ng bagyo .. jusme this not the right time to do you flexing Yung nag flex ka sa gitna ng kalamidad para ipamukha Kung gaano ka ka entitled and privileged .. tapos biglang kabig na as if concern ka”

rosmar comment 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinama naman ng isang netizen ang post ni Rosmar.

Aniya, “’Ang hirap isipin na maraming bata at matanda sa Bicol ang di na alam kung paano ililigtas ang sarili sa baha na dulot ng bagyo.’ Ayan madam, kami na nag adjust.”

rosmar comment 5

May mga netizens namang tinuligsa ang pagtakbo niya bilang councilor sa 1st district ng Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ng isa, “For your information again, she is running as councilor in Manila. Nakakaloka, nakakainis, at nakakalungkot talaga ang ugali nito”

“How dare she even speak like this to flaunt her privileges and acts as if she was told to run because many people claimed that she needed her help in that district?”

“Her heart is not for service to the poor or to that district of Manila but to herself and her brand only. Sad.”

Read: How to make your house anay-free and rodent-free

rosmar comment 5
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May netizens ding nagtanggol kay Rosmar at sinabing maaaring mali lamang ang interpretasyon ng mga tao sa kanyang post.

Ang sabi ng isa, “Hindi ko sya kilala personally pero baka kasi mali lang yung interpretation nyo tapos sya din mali yung choice of words nya.”

“Ako kasi ang pagkakaintindi ko nagkaroon sya ng realization sa buhay na habang sya maganda ang buhay nya gigising sya one day na may mga nalulunod sa baha.

“Baka ganon yung ibig nyang sabihin na blessed sya at hindi nya dinadanas yung ganon, hindi lang maganda yung construction of sentence nya…”

rosmar comment 6
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mag-viral at tumanggap ng kritisismo, binura ni Rosmar ang kanyang post at nag-issue ng isang statement.

Nakokonsensiya lamang daw siya at nahihirapan maging “comfy” habang marami ang nahihirapan sa Bicol.

Nag-abot din siya ng tulong sa mga nasalantang bagyo.

NETIZENS ON TYPHOON MEMES

Maliban sa post ni Rosmar, nagkalat din sa iba’t ibang social media platforms ang mga memes na naglalaman ng mga biro ukol sa bagyo.

May mga nagsabing ang masamang panahon ay “cuddle weather."

May humirit din ng: “hindi ulan yan, luha ko yan”

Ang isa pang meme, ganito naman ang nakasaad: “may bagyo pala ingat sa baby ko dyan, the rest uminom kayo ng baha”

meme
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ilang shared posts, mababasa ang disgusto ng mga netizens sa memes.

Ang sabi ng isa, “Hello, I don’t mean to offend anyone but I think this is not the right time to post such things while others are trying to survive the whip of bagyong Kristin. Pls be reminded to be sensitive, mostly at this time. Ingat kayo dyan”

comment 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito pa ang ibang comments:

“Bakit kaya ang mga Pilipino ngayon pati tungkol sa bagyo laro pa rin para saan? Para sumikat? Para madami ang likes and shares?

“At mga Pilipino ay mas natutuwa pa sa mga pakulo na ganun kesa i call out mas tinangkilik pa sa pamamagitan ng pag share.

“Eto na ba ang bagong Filipino value na Resilience? Na sa kabila ng pananalasa ng bagyo kaya parin natin tumawa?”

comment 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Posible namang pinapagaan lang ng mga posts na ito ang bigat ng sitwasyon, pero maganda sana kung ang mas lalong mag-viral ay yung panghihikayat para makatulong.

Sa bawat trahedya, naipapakita ang tunay na diwa ng bayanihan.

May point si Your Millennial Psychologist, "ang bagyo ay hindi biro."

comment 3

At malaki ang puwedeng maitulong ng social media para makakakalap ng tulong at suporta at, higit sa lahat, makapagligtas ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Merong kang buong taon para maaliw sa mga memes o pansinin ang mga posts ng sikat.

Pero sa panahong may nangangailangan, let your post, message, likes, and shares count.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens criticize social media posts deemed insensitive amid the onslaught of Typhoon Kristine.
PHOTO/S: Firmbee on Pixabay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results