Isusubasta ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang ilang items mula sa kanyang beauty-pageant journey para makalikom ng pondo na iaabot sa isang advocacy group.
Binanggit ni Pia ang items for auction sa isang Instagram post nitong October 23, 2024.
Ito ang items na isinuot at ginamit niya mula sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas hanggang sa Miss Universe 2015.
Kalakip ng IG post ang larawan ng items, tulad ng silver dress na isinuot niya nang matawag at mapasali sa Top 15 sa Miss Universe 2015, ang sashes na isinuot niya mula sa national pageant hanggang sa Miss Universe, at kanyang “beloved notebooks,” kunsaan isinulat niya “all my thoughts and notes” simula nang sumali siya sa Binibining Pilipinas.

Ang malilikom na pondo ay ilalaan ng former beauty queen sa Love Yourself Inc., isang HIV advocacy group na sinusuportahan ni Pia mula noon.
Magtatayo kasi ang advocacy group ng isang youth center sa Taguig.
Samu't sari ang reaksiyon ng netizens sa gagawing auction ni Pia.
May mga humanga kay Pia, pero meron ding mga nanghihinayang sa items na kanyang isusubasta.
Read: Heart Evangelista addresses rivalry issue with Pia Wurtzbach
PIA wurtzbach REACTS TO NETIZENS’ COMMENTS
Pinuri ng isang netizen si Pia, pero sinabi nitong alam niyang ikalulungkot ng beauty queen na pakawalan ang mga ito.
May sentimental value raw kasi ang items na ito sa pageant journey ni Pia, na nagbigay ng karangalan sa bansa bilang ikatlong Filipina Miss Universe.
Hindi ito itinanggi ni Pia. Pero giit niya, magandang paraan ito para tumulong sa iba, lalo pa sa dami ng magagandang nangyari sa kanya.
Sagot ni Pia (published as is): “I acquired these things during a very important time in my life.. and since then then I’ve been so blessed.
“I can’t think of a better way to give it back to the same community that helped me become who I am now.”

Mas matapang naman ang reaksiyon ng netizen na sumalungat sa plano ni Pia.
Anito: “Horrible. Why auction these items? Are they not important to you???”
Sagot ni Pia, nalulungkot siyang isubasta ang kanyang mga gamit dahil may sentimental value ang mga ito. Pero para naman daw ito sa isang proyektong “more memorable and lasting.”
Buong sagot ni Pia (published as is): “of course they are!
“They’re actually more sentimental to me than anything im auctioning off.. all my thoughts are in those notebooks.
“all the struggles, the training, the doubts. Everything!
“Letting them go doesn’t mean they dont matter to me.. THEY DO.
“But I have a plan of turning them into something more memorable and lasting.”
Read: Pia Wurtzbach in front row at 2024 Victoria's Secret Fashion Show

Nakatakdang mangyari ang auction event ni Pia sa isang gala sa December 3, 2024.
