May die-hard fans na iba kung magpakita ng pagmamahal sa kanilang idolo.
Tulad ng isang fan na nag-viral ang reaksiyon sa biglaang pagpanaw ng former One Direction member na si Liam Payne, 31.
Read: One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
Ibang level kasi ang ipinakita niyang pagmamahal sa kanyang idolo. Pero umani ito ng mixed reactions online.
Ang One Direction ay ang all-male Irish-English boy band na binuo noong 2010.
Read: One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
Namatay si Liam Payne matapos mahulog mula sa balcony ng tinutuluyan niyang hotel sa Buenos Aires, Argentina, noong October 16, 2024.
Bunga ng matinding pagkabigla at kalungkutan dahil sa kanyang pagpanaw, maraming Directioners (tawag sa One Direction fans) ang nagluksa.
Mayroon silang kani-kanilang paraan ng pagdadalamhati na ipinahayag nila sa social media.
May mga nagsagawa ng fan-initiated memorial, gumawa ng song covers, nag-post ng throwback pictures, at nagsulat ng messages para sa yumaong singer.
Pero ang lubos na nag-viral ay isang fan dahil nagsagawa siya ng sariling lamay para kay Liam.
Sa kanyang TikTok post, ipinost ng isang user ang kanyang larawan sa tabi ng isang kabaong na napaliligiran ng maraming bulaklak.
Makikita rin siyang nakatanaw sa isang malaking portrait ni Liam sa gilid ng kabaong.
Read: Tenants in Germany village only pay PHP54 annual rent

(Note: All comments are published as is.)
Aniya sa caption, “my directiooner heart is grieving yung hindi ka makapunta sa lamay ni Liam kaya nagpagawa ka ng sarili mong lamay #onedirection”
Ang larawang ito ay nire-upload ng isang Facebook user na may ganitong caption: “Ayyy ang taray tinalo pa fans ni rico yan, pati pamilya ni liam payne nagulat sayo teh”
Dahil dito, pinutakte ang comment section ng nasabing post at nag-viral ito.
Read: Mindanao students invent fire exterminator using sound waves
SOCIAL MEDIA REACTS TO FAN’S TRIBUTE
Maraming nagsabi na ang picture na in-upload ng Directioner ay edited at ginamit lamang for clout.
Pero sa kabila nito, marami pa rin ang hindi natuwa sa kanyang ginawa.
Ang sabi ng isang netizen, “This girl clearly has no idea what "respect" means.
"Fans immediately called her out for the insensitive post, but instead of taking it down, she shamelessly liked those comments.
“Later, she disabled the comment section while still leaving the post up. It took over 24 hours before she finally deleted it.
“Liam’s body is still in Argentina, and his death is under investigation. His family, especially his mother, hadn’t even seen him yet.
“But this girl, who dares to call herself a fan, didn’t hesitate to edit her photo with someone’s casket and slap Liam’s picture onto it.
“She posted it on TikTok, knowing it would cause a stir.
"When people demanded she delete it, she doubled down by liking the negative comments—as if the backlash fueled her need for attention.
"In the end, her actions scream nothing but pure CLOUT CHASING.”

May mga nagsabi ring “mentally ill” o feeling close.
Ngunit marami rin naman ang nagtatanggol sa kanya.
Ang sabi ng isa, “she's mentally ill obviously”

Sagot naman ng isa pa, “you dont know that person. She may be helped by 1d in a way we will never know so its valid in her own way”

Ganito naman ang sabi ng isa: “Feeling kamag anak si ate mo”
Depensa ng isa pa, “so kamaganak lang ba pwede mag grief pag namatay ang isang tao? masaya ka ba na ginagawa mong katatawan yung pag grigrief ng tao?
"Yes, di sya kamag anak pero that's her way of coping.
"We don't know kung gaano ka significant si liam sa buhay ni gurl, so why don't we try to understand than to make fun of it? Is that too hard to understand?”

May ilang netizens na naging positibo ang pagtanggap sa ginawa ng Directioner.
Ang sabi ng isa, “maybe ganun lang talaga siya ka fan ni liam at hindi natin alam”
Susog ng isa pa, “Ganoon talaga kami, it's been reported by PhilStar na nagsigawa kami ng tribute sa Ayala Malls.
"Although this may be gross, but this is acceptable (para sa hindi makakapunta ng Ayala at Argentina).”

Ang isang netizen naman, binigyang diin na huwag makialam at magbigay ng mga negatibong komento dahil hindi naman daw ipinanghingi ng pera ng user ang ginastos niya sa pagsasagawa ng sariling lamay para sa idolo.
Aniya, “Just mind your own business. Hangga't walang tinatapakang tao Go lang.
"Kung di po tayo makarelate sa pagiging fan girl nya its better to shut up di naman yan nanghingi ng pera sainyo para sa ginawa nya eh, tsaka wala namang mali sa ginawa nya. Just saying.”

Iba-iba man ang naging pagtanggap ng fans sa isyung ito, isa lamang ang malinaw: maraming fans ang nasaktan sa pagkawala ng isa sa mga nagbigay-kulay sa kani-kanilang pagkabata.
Isang mabigat na pakiramdam ang magluksa at magdalamhati para sa isang taong hindi pa natin kailanman nakita o nakilala, ngunit nagkaroon ng malaking bahagi sa ating mga buhay.
Kaya naman, sa mga ganitong sitwasyon ay marami ang nagsasabing mas maging mabuti at maintindihin tayo sa ating kapwa—mas nararapat na magsama-sama tayong umunawa at magdamayan upang makausad at muling makabangon.
Mayroon tayong kani-kanyang opinyon ukol sa isyung ito, subalit mainam na sa ganitong sitwasyon, maging constructive ang kritisismo at iwasan ang pagiging negatibo.
Ika nga sa isang kasabihan, “It never hurts to be a little kind.”