PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristy Fermin officially charged with five counts of cyberlibel

Cristy Fermin posts bail amounting to P240,000.
by Rachelle Siazon
Published Oct 18, 2024
Cristy Fermin charged with cyberlibel in Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan case
Cristy Fermin (left) on cyberlibel case involving complainants Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta (right): "Hindi ito ang katapusan ng mundo. Ang laban po ay di natin uurungan."
PHOTO/S: Screengrab from OnePH / Rachelle Siazon

Pormal nang kinasuhan ng five counts of cyberlibel si Cristy Fermin kaugnay ng reklamo ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na paninirang-puri sa kanila pati mga anak nila.

Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan sue Cristy Fermin

Pirmado ang resolusyon ni Senior Assistant City Prosecutor Rafael Esguerra ng Makati City Prosecutor's Office.

Base ito sa pahayag mismo ni Cristy sa kanyang online show na Cristy Ferminute noong Huwebes, October 17, 2024.

"Natalo po ako sa kasong libelo na isinampa nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta," bungad ni Cristy.

Ipinaliwanag ng beteranang showbiz columnist at host na ang ilang episodes mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na ang aniya'y "pinagtalunan po sa piskalya."

Partikular dito ang episodes na "KC ayaw na ng drama, Mega may favoritism, palusot ni Sharon buking, Diary nina Sharon at Kris Aquino social media, Sharon Cuneta problemado talaga, at Sharon at KC sayang na relasyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan vs. Cristy Fermin: A Timeline

CRISTY FERMIN POSTS BAIL

Inamin ni Cristy na naging emosyonal siya nang matanggap ang resolusyon ng piskalya at mabasa ang singil para sa kanyang piyansa.

Ayon kay Cristy, nagpiyansa siya ng PHP240,000 para pansamantalang makalaya.

Lahad ni Cristy: "Talo po ako sa five counts ng libel, at ang sabi nga natin, inflation is real.

"Kasi, hindi lamang po mga bilihin ang tumataas ngayon.

"Ilang taon na po ang nakakaraan nang matalo ako sa piskalya ay nag-bail lang po ako ng PHP10,000 para sa isang kaso ng libel.

"Ngayon po, PHP48,000 na po per count ang bail."

Pero sabi rin ni Cristy, handa siyang umapela sakaling umabot sa Court of Appeals at Supreme Court ang kaso.

"Hindi ito ang katapusan ng mundo. Ang laban po ay di natin uurungan," diin niya.

SHARON CUNETA AND KIKO PANGILINAN'S COMPLAINT

May 10, 2024 nang maghain ng reklamong cyberlibel sina Kiko at Sharon laban kay Cristy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam nila sa piling entertainment reporters, kabilang ang PEP, ipinaliwanag ni Kiko na karapatan nila ni Sharon ireklamo ang anila'y pagpapakalat ni Cristy ng malisyosong mga impormasyon.

"Siyempre, alam na natin ang sistema sa social media ngayon. Paramihan ng views, paramihan ng subscribers, paramihan ng shares, kung anu-ano na lang.

"Paninira at kasinungalingan ang ikinakalat para lang sumikat, para lang dumami ang kanilang views at subscribers.

"So, hindi tama ito," pahayag ni Kiko.

Umalma rin si Sharon sa aniya'y "below-the-belt" na mga tirada ni Cristy sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sabi ni Sharon: "Parang ang sama-sama namin, parang ang sama kong ina, ang sama kong tao..."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristy Fermin (left) on cyberlibel case involving complainants Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta (right): "Hindi ito ang katapusan ng mundo. Ang laban po ay di natin uurungan."
PHOTO/S: Screengrab from OnePH / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results